“What happened to you?” tanong ni Rocky ng umupo ako sa tabi nito. Napansin marahil nito na hindi maganda ang timpla ko ng mga oras na ‘yon.
“Nothing,” maikli kong tugon sabay dukot sa cellphone kong nasa aking bulsa.
Ngunit alam kong hindi nito binili ang sagot ko dahil tiningnan nito ang direksyon na pinanggalingan ko.
“Wait! Is that Turn Fortalejo?!” tili nito. “Oh my God! It’s really him! At mukhang papalapit sa direksyon natin!”
Nag-angat ako ng paningin at nakita ko ngang papalapit ito sa amin. Nakasuot lang ito ng khaki shorts at itim na t-shirt. Maaliwalas ang ngiti nito. Ngunit agad na napalis ang mga ngiti nito ng makitang dito nakatuon ang atensyon ng lahat.
Bago pa man ito makakuha ng atensyon, mabilis na tumaas ang hintuturo nito sa labi nito, wari bang gustong supilin ang anumang tili o ingay na kanina pa gustong kumawala sa bibig ng aking mga empleyado. Lalo na ‘yong mga kababaihang hindi maalis ang mga titig kay Turn. Hindi ko rin naman masisisi ang mga ito dahil aminado naman akong magandang lalake talaga ito. Bukod sa matangkad ito, kapansin-pansin ang ganda ng katawan nito. His tone muscles are on its perfect place. Bagay na bagay rin din ang kulay nito na hindi gaanong kaputian na lalong nakadagdag sa pagiging lalakeng-lalakeng dating nito. And his eyes? Yes, it’s brownish that glisten’s everytime he looks at you.
Noon ko lang napansin na nakatitig na pala ako rito. At nang magsalubong ang aming mga tingin, pasimple ako nitong kinindatan.
“Oh, God! Spare me from this kind of man,” sigaw ng aking isipan. May halong inis at kilabot ang naramdaman ko dahil sa ginawa nito. Yes, he really is catching my attention but that doesn’t mean that I’ll succumb into his tactics just to get into my pants. Bagay na alam kong siyang habol lang nito sa akin kung sakali mang papatulan ko ang mga pasimple nitong pagpapahaging sa akin. Sa dami ng mga babae nito, hindi ko gustong mapasali sa mga koleksyon nito!
“Anong meron sa inyong dalawa, ha? Bakit kanina pa malagkit ang tingin ni Turn sa’yo? May nangyari ba sa pagitan ninyong dalawa kanina bago ka nagpunta rito? Magkatabi lang ang cottage ninyong dalawa ‘di ba?”
Sunod-sunod ang naging tanong ni Rocky sa akin na para bang entitled akong magpaliwanag sa kanya. At isa pa, walang dapat ipaliwanag sa pagitan naming dalawa ni Turn dahil walang namang namamagitan sa amin. Wala!
Marahan akong kinurot ni Rocky sa aking tagiliran ng hindi ako sumagot sa mga tanong nito. Inirapan ko lang ito lalo na at nasa aming tabi na si Turn.
“Is it okay if I join you guys?” Malagom ang boses nito ng magsalita. And even if I don't see it, I know that his eyes are on me. And that starts to irritate me a little more.
“But of course! You’re very much welcome!” mabilis na tugon ni Rocky. “Tamang-tama lang para makasabay ka naming maghapunan. Hmm, wala ka bang kasama? You can invite them here, too? Okey lang naman, Rozel ‘di ba?”
“Yes,” maikli kong tugon. “It would be nice having him around. Right guys?”
Nakita ko kung paano kiligin ang mga kababaihang naroon ng marinig ang sinabi ko. Hindi man ako mapakali sa presensiya ni Turn pero kailangan kong makisama dahil alam kung kasiyahan ng aking mga tao ang makasalamuha at makasamang kumain ang isang Turn Fortalejo. Isang maliit na bagay na handa akong ibigay sa aking mga tao.
“Turn, dito ka na sa tabi ni Rozel,” ani pa ni Rocky. “Wala pa namang nakaupo ‘di ba?”
Bago pa man ako makapag-react ay naupo na si Turn sa gawing kaliwa ko.
Ilang sandali pa ay nag-umpisa ng kumain ang lahat. Everybody was enjoying themselves, talking and making fun of each other. Ako naman ay natutuwa na lang kapag nakikita kong masaya at nagkukulitan ang aking mga tao. And seeing the smiles on their faces, I know I’ve done something good.
“I’m so sorry,” bulong ni Turn.
Saglit ko itong tinapunan ng tingin, nagtataka kung bakit ito humihingi ng tawad sa akin.
“Hindi mo dapat narinig ‘yon. And I didn’t mean to disturb you earlier.”
Napataas ang aking isang kilay. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa mga sinasabi nito.
“You don’t have to say sorry. But the next time you engage into s*x, be discreet with your escapades. Wala akong pakialam maski sino at ilan pang babae ang angkinin mo basta siguraduhin mong walang nakakakita at nakakarinig dahil sa totoo lang, ako ang na-eskandalo at nahihiya sa narinig ko kanina!”
Nakita kong natigilan ito habang nanatiling nakatitig sa akin.
“Again, I’m sorry,” dagdag pa nito bago nagpatuloy ulit sa pagkain na para bang walang nangyari.
I let out a heavy sigh. Mabuti na lang at nsabi ko dito ang gusto kong sabihin dahil sa totoo lang, nakaka-stress talaga ang nakita ko kanina. I know that people right now tend to do a lot of s*x but I just hope that they do that in private without bothering anyone.
Nang matapos ang hapunan nila, kanya-kanyang pulasan ang lahat. May ibang ginusto na magpahinga na at meron namang iba na mas gustong i-explore ang kabuuan ng resort. Nagpasya naman akong magtungo ng dalampasigan, just to breathe and hopefully be at peace.
Lumapit muna ako ay Rocky para sabihin dito na maglalakad-lakad lang ako sa may dalampasigan. Tumango lang ito bilang tugon dahil abala ito at ang iba pa nitong kasama sa pakikipagkwentuhan kay Turn.
Nang makarating ako sa tabi ng dagat, naupo ako sa buhanginan. At nang umihip ang panggabing hangin, hindi ko maiwasang mapangiti lalo na nang maramdaman ko ang lamig at kapayapaang dulot ng hanging ‘yon. And all I could do was close my eyes as I enjoyed the calmness and serenity of the sea.
May kung ilang minuto pa lang akong naroon ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hindi ko maiwasang kabahan lalo na at medyo madilim sa bahaging kinaroroonan ko. Ngunit ng makita kong si Turn ang naroon, agad na nawala ang kaba ko.
Hinintay ko itong magsalita ngunit nanatili itong walang imik kaya hindi rin ako nagsalita. Nanatili lang kaming nakaupo, para bang pinag-aaralan ng isa’t isa.
“May galit ka ba sa ‘kin?” Ito na ang hindi nakatiis at siyang unang bumasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ngunit hindi ko inaasahan ang tanong nito.
“Bakit naman ako magagalit sa’yo?” balik-tanong ko. “May ginawa ka bang dapat kong ikagalit?”
“Nope. I just can feel it.”
Naging mabilis ang aking pag-iling. “No. Hindi ako galit.”
“Galit ka.”
Mariin akong napapikit dahil nagsisimula na namang akong mainis dito.
“Look. I’m not mad at you. Pero kung patuloy mo akong kukulitin at gagambalain mo ‘ko rito, mas mabuting umalis ka na lang. Ngapunta ako rito para mag-enjoy, okey? And enjoying it is having my peace and serenity without someone pestering me!”
Tumango-tango ito, naroon ang pilyong ngiti sa gilid ng mga labi nito.
“Hmm…feisty woman,” he said in a deep baritone voice. Pagkatapos ay tumayo na ito at iniwan ako.
Ilang minuto pa lang magmula nang makaalis ito ng may tumabi ulit sa akin. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa sa gawi nito sa pag-aakalang bumalik ito.
“Wanna have some fun tonight?”
Napaigtad ako palayo ng marinig ko ang boses na iyon. Batid kong hindi si Turn ‘yon. Kaagad ang pagsalakay ng kaba sa aking dibdib lalo ng matunghayan ko ang mukha ng lalakeng ‘yon. Kahit medyo madilim sa kinaroroonan ko, kitang-kita ko kung paano ako nito tingnan. Na para bang gusto ako nitong hubaran.
Naging mabilis ang kilos ko. Tumayo ako ngunit mabilis nitong nahabol ang kamay ko kaya napigilan ako nito bago pa man ako makatakbo.
“Bitiwan mo ‘ko!” mariing kong sambit sabay piglas mula sa pagkakahawak nito.
Nakita ko ang pag-ngisi nito, waring mas nasisiyahan pa sa naging reaksyon ko.
“Hmmm, palaban. I like it,” dagdag pa nito.
Tuluyan na akong natakot. Kumalat sa buong katawan ko ang kilabot. At ang puso ko, rinig na rinig ko ang malakas nitong pagtibok dahil sa sobrang takot. And when I tried to pull my hands from the stranger's grip, he just pulled me closer to him.
Sisigaw na sana ako para humingi ng tulong nang maramdaman kong may kamay na pumaikot sa baywang ko saka niyakap ako.
“The next time you touch her, I’ll make sure na makukulong ka!?” Halata ang galit sa boses ni Turn ng magsalita.
Tila nabahag naman ang buntot ng lalakeng ‘yon. Ang sunod ko na lang na nakita ay ang pagkaripas nito ng takbo palayo sa amin.
“Okey ka lang ba, ha?” tanong ni Turn sa akin. “May ginawa ba siya sa’yo other than holding your hands? God! Mabuti na lang at nakabalik ako agad! Umalis lang naman ako saglit para kumuha ng balabal kasi napansin kong giniginaw ka. God!”
Kahit paano ay humupa na ang takot na naramdaman ko pero hindi ko pa rin magawang kumawala mula sa pagkakayakap ni Turn. Ramdam ko pa kasi ang panlalambot ng aking buong katawan! God! Paano kung hindi bumalik si Turn?
“P-pwede bang ihatid mo ‘ko sa cottage ko, please?” pabulong kong sambit.
Hindi na ito sumagot bagkus ay hinawakan ang isa kong kamay habang ang isa pa nitong kamay ay nakapaikot sa baywang ko upang alalayan akong maglakad dahil sa totoo lang, hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang aking mga tuhod.
Wala kaming imikan habang naglalakad patungo sa cottage ko. Mabuti na lang at abala ang lahat kaya mukhang hindi napansin ng mga ito ang nangyaring kumosyon sa may dalampasigan.
“Salamat,” pabulong kong sambit ng makarating na kami sa tapat ng cottage ko. Noon ko lang napagtanto nang husto ang aming posisyon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya kaya agad akong kumalas mula sa pagkakayakap dito.
“Sorry,” anito. Namulsa ito at akmang aalis na nang humarap ulit ito sa akin. “Okey ka lang ba talaga? O, gusto mong tawagin ko ang kaibigan mo para may makasama ka rito?”
“No need. Okey lang ako.”
“Are you sure?” tanong pa ulit nito.
Tumango ako sabay talikod na. Ngunit bumaling ulit ako dito pagkatapos ng ilang segundo. Only to find him still looking at me. Na para bang sinisiguradong nakapasok na ako sa loob ng cottage ko.
Ngumiti lang ito sa akin.
Napailing na lang ako. “Gusto mo ng kape? Pa-thank you ko sa pagliligtas mo sa akin?”
“Kape? Hindi ako gano’n ka-cheap para mabayaran lamang ng kape!” sambit nito sabay kindat sa akin.
Alam ko naman na nagbibiro lamang ito.
Agad naman akong tumalima para magtimpla ng kape namin.
“No sugar, please!” pahabol nitong sigaw sa akin.
Nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa.
Pagkalabas ko, nadatnan ko si Turn na nakaupo na sa bench sa may labas ng cottage. Nakasandal ito sa upuan habang nakapatong ang magkabilang braso sa sandalan ng bench na yari sa kawayan habang nakatanaw sa karagatan.
Agad itong lumingon sa akin ng marinig ang paglabas ko.
“Thank you,” sambit nito pagkakuha ng kape sa akin.
Habang nakatingin ako rito, hindi ko maiwasang magtanong sa aking isipan kung anong klase itong lalake. I have only known him through news and gossips but I don’t totally know him as a person. Nang iligtas ako nito kanina, may munting parte sa puso ko na nagsasabing mabuti naman itong tao, kabaliktaran sa kung anong naririnig at nababasa ko.
“Babaero ako pero hindi ako masamang tao,” maya-maya ay pabulong nitong sambit. Marahil ay nabasa nito kung ano ang naiisip ko.
“I didn’t say anything-”
“But your expression says it all,” putol nito sa sinasabi ko. “Hindi naman kita masisisi kung gano’n ang pagkakakilala mo sa akin. Naiintindihan ko.”
“I’m sorry.”
“Hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil naiintindihan ko naman.”
Bigla tuloy akong na-konsensya at naawa rito. Nakikita ko naman na hindi ito masamang tao, and I’ve never heard that he had done bad things to someone. Sadyang babaero lamang ito.
Naging mahabang katahimikan ang sumunod na namayani sa pagitan naming dalawa. Pinakikiramdaman niya ito but Turn stayed silent as he drinks his coffee.
“Kanina pa kita hinahanap tapos makikita kong nagkakape ka lang kasama niyang bago mong babae?!” hiyaw ng isang babae na halos kita na ang kaluluwa dahil sa iksi ng suot nito. Parang mga patalim ang mga titig nito kay Turn. Maski sa akin. Na-meywang ito sabay turo sa akin. “At ikaw namang babae ka! Isa ka pang malandi!”
“We’re done, Stacy-”
“It’s Tracy, okay! Tracy!” hiyaw ulit nito. Pagkatapos ay hinubad nito ang isang heels nito sabay hagis kay Turn. “Makarma ka sanang hayop ka! At kapag dumating ang panahong ma-inlove ka, sana lokohin at iwan ka rin ng taong mahal mo!”
“Love is just fiction!” ganting sigaw naman ni Turn na lalong ikinagalit ng babae.
“Tingnan ko lang kung masabi mo pang fiction lamang ang pag-ibig kapag dumating ang time na nagmahal ka na at nasaktan ka nang sobra ng taong mahal mo!”
Hanggang sa makaalis ang babaeng ‘yon ay hindi ko magawang makapagsalita. Grabe ang naging gulat ko!
Nang lingunin ko si Turn, iiling-iling lang ito habang nakatanaw sa papalayong bulto ni Tracy.
“Akala ko ba hindi ka gano’n ka-cheap?” tanong ko maya-maya.
“Huh?”
Inginuso ko ang babae nitong medyo malayo na. “Pumatol ka do’n? Bukod sa halos kita na ang kaluluwa sa iksi ng suot, mukha pang clown dahil sa kapal ng kolorete sa mukha? Gano’n ba ang mga tipo mo, Mister Fortalejo?”
Nakita ko kung paanong lumawak ang mga ngiti nito hanggang sa tuluyan na itong napahalakhak.
“God! Napaka-bulgar ng bibig mo!” anito na hindi pa rin mapigil ang pagtawa. Pero maya-maya lamang ay unti-unting naging seryoso ang mukha nito. Huminga ito nang malalim sabay tingin sa karagatan. Naroon ang munting ngiti sa gilid ng mga labi nito.
“Hindi naman ako gano’n ka-cheap, Rozel,” sambit nito saka lumingon sa akin. “Hindi ko pa kasi alam noon kung ano ba talaga ang gusto ko sa isang babae. Pero ngayon, mukhang alam ko na.
Hindi ko alam kungbakit naging mabilis ang t***k ng puso ko habang nakatitig si Turn sa akin habang umiinom ng kape. Wala man itong sinasabi ngunit ang mga mata nito, tila ba nangungusap at sari-sari na ang sinasabi sa akin.
Dumaan ang mga oras at kung ano-ano na ang aming napagkwentuhan. Infairness, masarap itong kausap at hindi ko naramdaman na nabagot ako kahit minsan.
Sa huli ay nakuntento na lang kami na pagmasdan ang kalmdao at tahimik na karagatan. Ni hindi ko na nga napansin na nakaidlip na pala ako habang nakasandal dito.
“I-I’m so sorry,” nauutal ko pang sambit. Pasimple akong lumayo dito. Kusa naman nitong tinanggal ang braso nitong nakadantay na sa aking balikat.
“Pumasok ka na,” anito. Tumayo ito saka ako inalalayang tumayo.
“Salamat,” sambit ko na hindi makatingin ng diretso dito. Nahiya ako bigla ng maalala ang posisyon namin kanina.
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa cottage ko ng may maalala ako kaya nilingon ko ulit ito.
“Turn, magiging kalabisan ba kung hihilingin kong huwag kayong maingay ng babae mo mamaya-”
Mabilis itong umiling. “Hindi na ulit mangyayari ang narinig mo kanina. I promised.”
Seryoso ang mukha nito ngunit naroon ang kakaiba nitong mga titig na hindi ko mabasa kung ano ang ibig sabihin. Sa huli tumango na lang ako rito bilang tugon saka tuluyan ng pumasok sa cottage ko.
Ni hindi ko na namalayan kung paanong napangiti si Turn, waring nahihiya habang hawak ang baba nito.