Chapter 6-To the rescue.

3128 Words
Warning: Expect wrong typo and savage sa grammatical error. Unedited pa. ILANG ARAW hindi nagpapakita sa kanya si Mond simula ng makabalik sila galing Qatar at ilang araw na rin siyang hindi makapag concentrate sa trabaho dahil iniisip niya ito. Hindi niya rin kasi ito kinibo at talagang ipinaramdam niya dito na naiinis siya sa mga inaakto nito sa kanya na akala mo ay pag-aari siya kung bakuran. Hindi na niya nagagawa iyon mga bagay na ginagawa niya noon, Hindi na siya nakikipag blind date dahil palagi nga itong nakabuntot sa kanya at binabantaan ang mga lalaking kakatagpuin niya. Kapag naaalala niya ang ginawa nitong pananakit kay Rovick ay nakakaramdam na siya ng takot dito. The past few days na palagi silang magkasama ni Mond ay nararamdaman niya ang tindi ng kagustuhan nitong mapanagutan ang nanyari sa kanila. Hindi niya tuloy maiwasan na maisip at itanong sa sarili kung bakit ganoon na lang kasidhi ang kagustuhan nitong panagutan siya sa nanyari sa kanila, samantalang hindi naman niya iyon hinihingi dito. Bumukas ang pinto ng kanyang munting opisina at nakita niya si Mitch na papasok. "Ma'am, may nagpapabigay po sa inyo." Malapad ang ngiti nito sabay abot sa kaniya ng isang bungkos ng Lavender flower, At pati din po ito sabay lapag sa table niya ng hugis pusong ensemada bread na nakalagay sa isang malinaw na lalagyan. Sumikdo ang puso niya na tila biglang naexcite sa hinala kung kanino nangaling iyon. Ayaw man niya aminin sa sarili niya pero ang totoo nakikipag digmaan talaga ang utak niya sa puso niya ngayon dahil sa labis na saya nito. "Nasaan si Mond?" tanong nito kay Mitch? "I'm here," Napabaling ang tingin niya sa nag salita at may malapad na pagkakangiting nakapaskil sa labi nito. "Maiwan ko na po kayo." Paalam na ni Mitch sa kanya. "Thank you." Ani naman ni Mond dito. "Anong masamang hangin ang nagpadpad sa iyo dito ngayon ha?" nakataas ang kanang kilay na tanong niya. Hindi niya maaaring ipahalata ang excitement na nararamdaman niya ngayon dahil siguradong magdidiwang ito at hindi iyon pweding manyari. "Na miss mo ba ako?" Kasi ako na miss kita eh." "May dapat bang ika miss sa iyo? Baka akala mo eh nakalimutan ko na yun mga nagawa mong mga nakakainis doon sa Qatar?" "Sweetie, huwag mong subukan buksan ang issue na iyon dahil hindi mo pa rin ako makokonbinsing bawiin ang paniniwala ni Mama. At isa pa ilang araw tayong hindi nagkita kaya sana huwag mo naman akong sungitan." Lumakad ito patungo sa likod niya kung saan siya nakaupo at tsaka hinawakan nito ang mga balikat niya at yumuko para bumulong sa tenga niya. "Honestly.., I really miss you hindi na ko sanay na hindi kita nakikita at nakakasama tulad ng mga ganitong pagkakataon." Nagtayuan ang balahibo niya sa katawan at kiliiting gumapang sa kanyang balat sa ginawang iyon ni Mond sa kanya. Kaya napabaling ang kanyang mukha dito para sana tignan ang mukha nito na mabilis sinamantala ni Mond at agad sinakop ang labi niya ng isang mariin na halik. Papalag pa lang siya ay mabilis na din nitong binawi ang halik at tsaka umunat at naglakad sa paborito nitong sofa chair kapag nakatambay dito sa opisina ng dalaga at tatawa-tawang pang naka tingin sa kanya. "Do you like the flowers? Alam kong iyan ang pinaka favorite flowers mo." "How did you know? and for your imformation maraming akong favourite flowers hindi lang iyan noh." "As i said most..., I mean pinaka." Tatawa-tawa parin ito. "Will you please stop laughing kairita ka na kaya." "Okay... Okay..." At nagseryoso. "Where have you been for the past few days?" Hindi na rin niya napigilan ang sariling magtanong dito, wala lang basta gusto niyang malaman ang pinagkaabalahan nito. "I'll pick some business problem in my own company and then bumalik ako sa Qatar para asikasuhin yun ibang dapat gawin sa hotel. Mga clients and some business partner too." "Okay...." Tumango-tango siya. "Bakit mo natanong? Siguro gusto mo malaman kung nambabae ako noh?" "Kapal mo pa nga, parang nagtanong lang at tsaka wala naman akong pakialam kung may kasamang babae sa inasikaso mo. Wala naman tayo kaya ayos lang kahit pa nga madami sila." "Talaga ba..? Bakit pakiramdam ko parang naghihinala ka? Nagseselos ka noh?" "Hay naku..., ang piling mo." Bumukas ang pinto at pumasok si Mitch at lumapit sa kanya. "Yes Mitch may problema ba?" "Mr. Dylan Lemuel Zalasar is in the outside gusto ka raw makausap. Siya iyon kliyente ninyo para sa yaya na kailangan niya ASAP." Ah okay. Tumango tango siya ng maalala na marahil ito iyon sinasabi ni Rhaime. Sige papasukin mo na." "You can come in ser." Ani Mitch sa lalaki. Hindi inaasahan ni Mond na makikita si Dylan dito at ano kayang sadya nito kay Sansky. "Mond anong ginagawa mo dito?" Hindi niya lang ba ito napansin kanina pumasok sa main entrance. "Well business, eh ikaw ano naman pakay mo sa Sansky ko." "f**k you buds, may gusto lang ako itanung sa kanya at maliban doon wala na ko iba pang pakay sa Sansky mo." Wondering whether the two men were talking to each other, she was the only one who was sure that they would know each other ani Sansky sa sarili. "Ehem...ehem..." sa kunwaring nauubo para mapunta sa kanya ang pansin. "Mr. Zalasar right, anong maipaglilingkod ko at sinadya mo ako dito?" "I'm not going to go around anymore, I want to know where Rhaime lives. I need to talk to him in person." "Is there a problem.?" "I don't want to waste time. So if you could just give me his address right now." in a high voice. Napataas ang kanang kilay niya sa taas ng boses nito at halatado ang iritable dito. "Buds easy," Mond said while turning to Sansky. "Give him what he asks for so that idiot can get rid of it.." Bago ka pa matunaw sa klase ng pagkakatingin sayo." Isinulat niya sa isang papel ang address ni Rhaime saka inabot dito. "O ayan na, nang matahimik ka." Mabilis naman ito kinuha ni Dylan at agad na nagpa salamat kay Sansky, pero bago umalis nag senyas muna ito ng bad finger gamit ang middle finger kay Mond tsaka mabilis na lumabas sa pinto para umalis na. "Do you know him?" Sansky ask to Mond. "Yah.., I really know him, hes my best buddy and tropa also since college days." "Talaga ba? So you know Rhaime too?" " Si Rhaime yun nanny ni Dylan. I've met her personally sa mall kung saan tayo unang nag meet. Actually aksidente lang yun pagkaka kilanlan namin. Dahil na kita ko si Dylan na nakapila sa ticket booth ng cinema habang hinahanap kita that time kasi nga tinakasan mo ako. Pero bago paman iyon naikwe-kwento na siya samin ni Dylan before." "Alam mo ba na si Rhaime ang fist love ni Dylan at ganoon din naman si Rhaime kay Dylan 15 years ago?" Tanong ni Mond kay Sansky. "Talaga ba, hindi ko alam. Never nabangit ni Rhaime na may naging boyfriend siya 15 years ago. Ang alam lang namin iyon mga latest X niya." "Now you know, that Dylan and Rhaime have a past." "Kaya pala iba iyong saya niya nang sabihin niyang Ikakasal na siya ng tawagan niya ako." "Hindi nga...., ikakasal na sila?" Tanong ni Mond na hindi mkapaniwala. "Iyon ang sabi niya sakin nung mag kausap kami." Napaisip siyang bigla ng malalim. "Hindi kaya may problema sila ngayon Mond?" "Well I think yes.., kasi iba iyon dating niya kanina nung hinihingi niya ang address ng kaibigan mo." "Oo nga, at sigurado ako ngayon na kung andoon na siya sa subdivision hindi siya basta-basta papapasukin doon dahil mahigpit ang protocol ng mga guard sa mga outsider visitors." "Do it a way sweetie para makapasok siya doon. Sa nakikita ko, Dylan need to see and talk Rhaime very badly." "Iyan nga rin tingin ko, tawagan ko nga ang guard doon. Ilang saglit itong nakipag usap gamit ang landline telephone. Pagkakatapos nitong makipag-usap ay nakangiti itong tumingin kay Mond. "Ayos na." Pero nawala ang pagkakangiti niya at napalitan ng pagkunot ng noo ng mapansin naka tingin si Mond sa lapag at tila malalim ang iniisip. "Hoy, ayos ka lang ba? Anong meron diyan sa lapag para titigan mo ng husto? Ay petchay na dapa....!" bigla niyang nasabi ng sa gulat niya ay bigla itong bumalikwas ng tayo mula sa pag-kakaupo. "We need to follow Dylan, I have a different feeling from what happened, come on Sweetie." "O-okay," Tanging nasabi na lang niya. Bago umalis ay nag paalam siya kay Mitch. "Mitch i have to go with Mond, cancelled all my appointment today okay." "Yes ma'am." PAGDATING NILA ni Mond sa bahay ng kaibigang si Rhaime ay nadatnan nila si Dylan na nakaluhod sa harapan ni Rhaime at umiiyak na nagmamakaawa na pakinggan daw ito sa paliwanag at paulit-ulit na sinasabi na mahal na mahal ang kaibigan niya. Ang5 pagmamakaawang iyon ay hindi rin pansin nito habang patuloy lang din sa pag-iyak ang kanyang kaibigan. Mond, tawag pansin niya dito. Kumbisihin mo si Dylan na sa ibang araw na muna niya kausapin si Rhaime, sa tingin ko sa sitwasyon nila ngayon malabo siyang kausapin ni Rhaime. Tumango ito sa kanya. At lumapit kay Dylan tsaka tinapik ito sa braso. "Buds ang mabuti pa sa ibang araw mo na lang siya kausapin." "No..! I need to talk to her now, Rhaime please forgive me, talk to me please. Patuloy na pagsusumamo nito. Pero sadyang wala nga atang planong kausapin ito ni Rhaime dahil ang kaniyang kaibigan ay mabilis na tumakbo papunta sa silid nito para iwan sila pare-pareho. Naaawa siyang lumapit kay Dylan para kausapin ito. "Hindi ko alam kung gaano kalalim ang naging relasyon ninyong dalawa at wala man akong alam sa ngayon ipinapangako ko na kakausapin ko si Rhaime para magka ayos kayo. Pero sa ngayon siguro walang ibang mabuting gawin mo kundi ang umuwi muna." "Tama si Sansky buds, kaya umuwi na muna tayo marami pang pagkakataon." Ani naman ni Mond dito. "Pero marami ng pagkakataon ang pinalagpas ko noon buds at hindi ninyo ko naiintindihan kung bakit ganito kasidhi ang kagustuhan ko maging maayos kami ulit. Baka tuluyan na siyang mawala sa akin." Na patuloy pa rin ang pag luha nito. "Nauunawaan kita but give her a time. Let's go home first and think the better move next." Tumango si Dylan at bagsak ang balikat na lumabas ng bahay. "Aalis na din ako sweetie. Kailangan ko sundan iyon at baka kung ano maisipan gawin eh." "Mabuti pa nga." Bago niya sundan ang kaibigan ay nagtungo muna siya sa kusina para ikuha ng maiinun na tubig ang kaibigan. "Oh uminum ka muna ng tubig." Sabay abot dito ni sansky ng isang basong may lamang tubig. "My god bestie grabe ang itsura mo at sobrang mugto na yan mata mo Kaka iyak mo. Ano ba ang nanyari parang nun huli ka tumawag sakin sobrang Saya mo tapos ngayon para ka ng pinag sakluban ng langit at lupa. Tapos hindi mo man lang ako tinawagan kagabi para nadamayan man lang kita, kung hindi pa nagpunta sa opisina si Dylan para hingin ang address mo." Napangiti si Rhaime sa pagitan ng pag iyak dahil sa sunod-sunod na salita ni Sansky. "Na miss kita bestie." Yinakap naman siya nito at tumabi sa kanya sa pag upo. 'Na miss din kita pero pagkatapos mo umiyak at kaya mo ng magkwento sakin handa ako makinig kahit gaano pa yan ka haba bestie." Humiwalay siya sa pagkaka yakap dito at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Sansky. "Sorry bestie kung hindi ko na kwento sayo si Dylan kahit isang beses lang." Oo nga eh gusto ko magtampo sayo nakanguso nitong sabi. "Ang Tagal na natin mag bestfriend pero never mo siyang na kwento sa akin bruha ka. " Nang sa tingin ni Rhaime ay kaya na niyang ikwento ang lahat kay Sansky tungkol kay Dylan inumpisahan na niyang magkwento dito. Sa kung paano sila nag umpisa nun sila ay teen ager pa lang at kung paano din sila naghiwalay at muling magkita bilang nanny nga kay Dylan, sa kung paano sila ulit nagka mabutihan hangang sa mag proposed ito sa kanya ng kasal, at ang text na natangap niya at ang pagkaka huli nya sa mga ito sa Kama mismo ni Dylan. "O. M. G bestie pang M. M. K yan kwento mo." Bahagyang natawa si Rhaime sa sinabi ni Sansky. "Praning ka." "Ayan at least epektib kasi napatawa kita kahit paano. Pero ayaw mo ba talaga na siyang pakingan, oo nga at Hindi niya binigay sayo ang ganung pagkakataon pero Tama ba na gawin mo din yun sa kanya best?" "Sa ngayon Hindi ko pa kaya makinig sa kanya Sansky best para saan pa eh tinapos ko naman na ang relasyon namin." "Ano? bakit mo naman ginawa iyon ng hindi mo man lang pinakingan yun panig nya, parang ang unfair lang best ng dating para tuloy lumalabas na gumanti ka lang din sa ginawa niya sayo eh." Pagak na tumawa si Rhaime actually hindi niya intensyon gumanti pero parang ganun na nga ang nanyari. "So ano ng plano mo ngayon bestie?" "Na isip ko bigla tutal may bakasyon pa ko natitira I'm going to Sealandia Paradise. Ang Sealandia Paradise ay isang pribadong Isla na pag aari ng kaibigan nilang si Ysmiellien. "Sigurado ka?" Tanung ni Sansky sa kanya. "Yah best. Siguradong matutuwa yun kapag nalaman niya na pupunta ko dun. Alam mo naman kung gaano na tayo namimiss nun eh sama ka." "Hay naku kung pwedi lang samahan talaga kita kaya lang hindi ito ang panahon sakin para mag relax sa trabaho at alam mo iyan. So kelan mo plano umalis." "Next week, kelangan ko din muna umuwi sa Pampanga para magsabi kay mama at Papa na wala ng kasalan magaganap." "Okay, kung buo na talaga yan desisyon mo igagalang ko pero pag isipan mo pa rin ng maraming beses yun sinabi ko na bigyan mo ng pagkakataon si Dylan na magpaliwanag sayo, huwag mo hayaang panaigin ng galit ang puso at isip mo ng dahil lang sa isang panyayari na pareho ninyong pagsisihan sa bandang huli." NANG GABING iyon ay nagyaya si Dylan na pumunta sa club ni Aidemiell na pinaunlakan naman ni Mond, Alam niya na kailangan ngayon ni Dylan ng kausap at kasama dahil sa nanyari. Mukhang Malala talaga ang pinsala ng puso nito ngayon. "Buds, tawag ni Mond sa kay dylan. Sige lang magpakalasing ka ngayon hangang gusto mo, pero buds isipin mo din na hindi sulusyon ang alak sa kahit anong problema lalo na kung sa pag-ibig iyan. Tinutulungan lang tayo nito na makalimot ng panandalian but still andyan pa rin, so kailangan mo pa rin ito harapin." "Yah I know buds sagot naman ni Dylan dito. Pero ngayon ito muna ang na iisip ko sulosyon ang mag pakalasing ng husto kaya uminum lang tayo ng uminum sabay tungga sa alak na nasa bote mismo." Napapa iling na lang si Mond habang pinag mamasdan si Dylan, alam niya na konti na lang at babagsak na ito dahil sa kalasingan at wala siyang planong sabayan ito sa pag iinum sabay sindi ng sigarilyo. Kanina ng puntahan nila ito ni Sansky sa bahay ni Rhaime ay hindi niya lubos maisip na magagawa ni Dylan na lumuhod sa harapan ni Rhaime at halos mag maka awa dito habang umiiyak at pa ulit ulit na sabihin na huwag siyang iwan ni Rhaime at bigyan ito ng pagkakataon magpaliwanag, nahirapan pa nga sila ni Sansky na kumbinsihin ito na mapauwi. Hindi niya alam ang lalim ng naging relasyon ng dalawa noon maliban sa nabangit nga nito minsan sa kanila ni Aidem nun college days nila na may minahal ito babae noon at ito lang ang mamahalin daw niya at hahangarin na makasama hangang kamatayan. At si Rhaime nga iyon kaya nga hindi rin sila makapaniwala nun minsan sabihin nito na ang Nanny na namasukan dito ay si Rhaime at sabihin din na gagantihan ito sa ginawang pag iwan dito 15 years ago. Samantalang ni minsan hindi nawala ang pag mamahal dito ni Dylan. Nagagawa talaga ng pag ibig, napangiti siya ng pumasok sa isip niya si Sansky. No hindi manyayari sakin ang katulad ng nanyayari kay Dylan ngayon never, at may dahilan naman kasi siya kung bakit lately ay kasama niya si Sansky at talagang bilog ang mundo dahil mag bestfriend pala ang dalawa. Napag pasyahan ni Mond pumunta ng comfort room ng makaramdam ng tawag ng kalikasan ng naramdaman ang pag vibrate ng cellphone sa loob ng bulsa nya sa may bandang unahan kaya kinuha nya iyon para tignan. Tumatawag si Sansky, Pumasok muna siya sa loob ng cubicle ng comfort room para tahimik dahil maingay sa labas. "Hi sweetie na miss mo na ba ko agad at napa tawag ka. Bungad ni Mond dito ng sagutin ang tawag." "Peste ka tigilan mo ako ng katatawag mo ng ganyan sakin. Kamusta ang kaibigan mo?" "Hindi mabuti, kasalukuyan siyang nakikipag digmaan sa alak as if naman na mananalo siya dun sa tingin ko nga konti na lang babagsak na siya." Sabay tumawa. "Mond pag nasa tamang pag iisip na yan si Dylan sabihin mo sa kanya na pupunta si Rhaime ng Sealandia Paradise next week, sinasabi ko to sayo dahil parehong kaibigan natin ang involved dito. Alam ko labag din kay Rhaime ang ginawa niyang pag iwan kay Dylan pero hayaan muna niya si Rhaime sa ngayon na maka pag isip ng mabuti ganun din siya. Naintindihan mo ba Yun sinabi ko at wala ka ng imik dyan." "Oo naman syempre. Gustung gusto ko kasi naririnig yun boses mo eh. " "Leche, mabuti ng malinaw at tayo ay nagkaka intindihan." Nagkaka intindihan talaga tayo sweetie, ikaw lang itong ayaw ako intindihin eh." "Bwiset ka talagang kausap eh wala kang kwenta." Bigla na pinatay ni Sansky ang tawag itatanong pa Sana niya dito kung saan ang Sealandia Paradise na tinutukoy nito. Napakamot na lang tuloy siya ng batok. Matapos makausap si Sansky ay bumalik na din siya kay Dylan kung saan nadatnan niya na nakayukyuk na ang ulo tanda na lango na ito sa alak. Kaya napag pasyahan niya na iuwi na ito. Hindi niya na enjoy ang araw na ito na kasama si Sansky na miss pa naman niya ito ng sobra. **************rhaime22********** Author's note: Hi my beloved rhaime-ians reader I'm back, rhaime-ians po kasi hango po iyan sa pen name ko na rhaime. Sana hindi naman po kayo na boring sa pagbasa sa chapter na ito. Anyway thank for the time sa pagbasa ng update ko. I try my best to update the past as I can.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD