The Mistress mess 1

1573 Words
"The Mistress Mess." ---- "The MistressMess" By : Bam Gregorio ---------------- Maagang kinasal si Tanya kay Mico dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis nito. Sinisi ni Mico kay Tanya ang lahat huli na para sa lalaki ang umurong sa kasal nilang dalawa. Tiniis ni Tanya ang pagbabago at pagbabalewala ni Mico, kahit na ang lahat ng paninising binato ng asawa niyakap niya. Maging ang pagdating ni Faye sa buhay nilang dalawa pikit-matang tinanggap ni Tanya, kahit pa na may sadya itong iba sa pagsasama nilang dalawa. Nagbulag-bulagan siya, nagbingi-bingihan sa lahat ng naririnig at nakikita niya. Umaasa siyang sa buhay niya babalik ang Mico na minahal niya higit pa sa kaniyang sarili, ang Mico na masaya noong silang dalawa lang--- ang kuntento sa kaniya. Hanggang kailan kaya magtiis ng isang taong nagmamahal sa isang taong bumitaw na at hindi na muling kakapit pa dahil sa iba nakahawak na. Hanggang kailan hahawak ang ilaw ng tahanan kung may isang anay na handang sumira sa tahanang matatag sana? "The Mistress Mess" CHARACTER Mico Francisco Tanya Ledesma Faye Samonte && Brian Vera With Nicolo and Nikolo ---- CHAPTER ONE "Mico," agaw ko sa pansin ng boyfriend ko niyakap ko siya habang naglalaro ito ng mobile legend sa cellphone nito. "Mico?!"" ulit ko--- ayaw man lang kasi nito matinag, kahit kanina pa ang pagpapansin ko sa kaniya. "Tanya, ano ba mamamatay na ako eh!" "Bakit ba kasi ayaw mo akong pansinin?" "Tanya, c'mon! You acting like a brat na naman," anito. Umupo ako sumandal sa headboard ng kama namin anyo nagtatampo. Ganito talaga si Mico kapag ayaw niyang maabala sa paglalaro niya. "Okay! Ano bang meron? May sasabihin ka ba?" Umupo ito paharap sa'kin hinawakan pisngi ko. I smiled at him halos lahat ng tampo ko nawala sa gesture nito I know it's about time na malaman niya ang tungkol sa dinadalang-tao ko--- oras na rin naman siguro para mapag-usapan namin ang lahat. Tutal naman nandito na siya sa bahay. "Mico!" "What is it? Makikinig ako." Hinawakan ko kamay nito tiningnan sa mga mata niya. "Mico.. Buntis ako!" lakas loob kong sabi dito. Hinila nito kamay nito mula sa'kin tila hindi makapaniwala sa pinagtapat ko sa kaniya. "Bakit?" nagtataka kong tanong sa naging tugon nito. "Bakit hindi ka nag-ingat?" ganting tanong nito sa'kin na hindi ko inaasahan. "Mico,anong hindi nag-iingat ginusto natin 'to 'di ba?!" angil ko sa kaniya. "Tanya naman mga bata pa tayo!" katwarin pa nito sa akin. "Bata? Talaga ba, Mico? Iniisip mo ba yan noong pinilit mong may mangyari sa'tin ng paulit-ulit ha, Mico?!" "Tanya--- mag-isip ka naman! Alam mo naman na hindi pa natin kaya ang responsibilidad na 'to!" Nagsimula akong maging hysterical sa mga sinabi nito. Hindi ko inaasahan ang lahat ng 'yon, ang buong akala ko magiging masaya siya tulad na lamang ng naramdaman ko nang malaman kong buntis ako. "Hindi ko matatanggap yan!" Natigilan ako sa sinabi ni Mico. "Mico! Anak mo 'to.. Anak natin 'to! Pakinggan mo naman 'yang mga sinasabi mo!" "Pero, Tanya nag-aaral pa tayo gusto mo ba masira ang kinabukasan natin dahil sa batang 'yan?" "Mico masama ang iniisip mo wala siyang kasalanan!" "No! Tanya buo na ang desisyon ko ipapalaglag natin yan! Iyon ang kailangan!" Tumayo ako buong tapang na hinarap siya. "Hindi pwedi sasabihin ko kay mama at papa ang totoo! Sasabihin ko sa parents mo at buo na rin ang desisyon ko!" Dali-dali ko siyang iniwan pupuntahan ko si mama at papa sa silid nila bago pa gawin ni Mico ang hindi tama para sa anak namin, gagawin ko na ang mas tama para dito dahil 'di ko makakayang ipalaglag ang anak ko--- ang anak namin ni Mico. "Ma? Pa?!"Mahinang katok ko sa pinto ng mga magulang ko. Maaga pa kaya alam kong gising pa si mama at papa. "Tanya?" Panigurado ni mama boses nagtataka. "Yes, Ma!" Naramdaman kong may yabag na patungo sa'kin para magbukas ng pinto. "What brings you here where is Mico?" tanong ni mama sa akin nang buksan nito ang pinto. Kasunod lang nito sina papa na hindi maitatanggi ang pagtataka sa mukha nito. "Ma, may sasabihin ho ako sa inyo!" Panimula ko---deep inside I'm shaking 'di ko alam kong tama ba ang gagawin ko. Pero tulad ng sabi ko kay Mico buo na ang loob ko. "Ano 'yon anak?" ani ni mama. "Tanya!" Napalingon ako sa boses ni Mico. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala ito sa akin. "Ma!" ani ko. Nandoon pa rin ang kaba sa puso ko lalo na't nandito na si Mico. "Baby, let's go! Nagpapahinga na sina, Tita," agap ni Mico sa akin. "Nag-aaway na naman ba kayo?" "No, Tita! Nagpapalambing lang po si Tanya," agaw ni Mico sa magiging sagot ko sana kay mama--- hinawakan niya ako sa braso ko. "Mico!" Hinarap ko siya nakikiusap. Nandoon pa rin ang pagsusumamo na sana maintindihan nito ang gusto kong mangyari. "You have to take rest may mga plate ka pang dapat pag-aralan," ani lang nito. Napalunok ako. Sa harap ko parang hindi ko na kilala ang Mico na ama nitong dinadala ko. "Oo nga naman, Anak! Malapit na ang presentation niyo sa school take rest honey." "Tama si, Tita," sang-ayon ni Mico sa sinabi ni mama. "Pero, Ma!" "Next time ka nalang tumabi sa'min ni papa if Mico is not here." "Oo nga, tita, but still I'm here! Hayaan niyo na munang tumabi sa akin si Tanya, isa pa may mga tatapusin talaga kami ngayon." Tumawa lang si mama sa sagot sa sinabi ni Mico. Nagpaalam na rin si papa sa amin, may panunuurin pa raw ito. "But knows your limitation you're both young lalo na malapit na kayong maging engineer at architect." Kapwa kami napalunok sa paalala ni mama ang hindi nito alam may kinalaman ang sadya ko dito sa bilin nito sa aming dalawa. "We will, Tita! Right, Tanya?" Tumango ako ng pilit walang nagawa kundi sundin ang gusto ni Mico. "We will Mama!" "Goodnight, Honey." "Goodnight ho sa inyo ni Papa, Mama." "Goodnight, Tita." "Goodnight, Hijo. Take good care of our daughter." Matapos magpaalam ni Mico my mom lock their door tinanggal ko ang kamay kong hawak ni Mico. "What are you trying to do? Tingin mo ba hindi madidisappoint parents mo sa'yo?" singhal niya sa akin ng tumalikod si mama at papa. "Kahit ano pa sabihin mo, Mico! Sasabihin ko kay mama at papa ang tungkol dito sa ayaw at sa gusto mo malalaman nila ang tungkol sa dinadala kong anak mo!" Nagmadali akong umalis. Bumalik ako sa silid namin para harapin ang plate na ginagawa ko para sa nalalapit na presentation ng architect day sa university na pareho naming pinapasukan. Naramdaman kong pumasok ito maingat na sinirado ang pinto hindi ako nagsalita pinagmasdan ko siya sa galaw niya. Inaayos nito ang mga kumalat na popsicle stick sa sahig ng silid ko. "Uuwi muna ako ngayon," paalam nito hindi ako tumugon. "Tanya, I said I'm going home!" angil nito sa'kin. "Umalis ka I don't care but I'll make sure na pagbalik mo alam na ng parents ko!" sagot kong hindi nakatingin sa kanya. "BULLSHIT! Blackmail, huh! Tinatakot mo ba ako?" Hinawakan nito ang braso ko--- hinarap ko siyang may galit sa mga mata ko. "Don't hurt me!" Pagpupumiglas ko sa kaniya. "Ipapalaglag ko yan sa ayaw at sa gusto mo!" bulyaw nito sabay balya sa'kin sa gilid ng kama ko. "Gago! Kung sa tingin mo susundin kita nagkakamali ka bubuhayin ko tong anak ko sa ayaw at sa gusto mo!" malakas kong bulyaw sa kanya ang siyang pagbukas ng pinto ng silid ko. "Anong nangyayari dito?" Pareho kaming napalunok ng sunod-sunod ng biglang pumasok sa silid ko si papa kasunod si mama nagtatanong ang mga mata---nilapitan ako ni mama napatayo si Mico. "Tinatanong ko kayo anong nangyayari dito?" ulit ni papa sa pagkakataong 'to may galit na sa boses nito. "Mico, bakit?" Tanong ni mama nakatingin kay Mico. "Tanya, whats happening?" muling tanong ni papa sa'kin. Hindi inaalis ang tingin sa nabiglang si Mico. "Samuel, baka away bata lang." "Cmon, Tessa!Hindi na sila mga bata." "Tanya, answer us anak anong nangyayari?" muling untag ni papa sa akin. "Tita, I'm sorry!" si Mico akmang lalapit sa'kin umiwas ako hinawakan ko kamay ni mama. "Tanya!" si Mico nakikiusap ang boses nito nakita ko ang mukha niya nawalan na ng kulay sa kabang nararamdaman nito alam ko, dahil wala na itong magagawa pa. "Ma,Pa! I'm sorry!" simula ko. Oras na para malaman nila ang lahat--- magulang ko sila kaya alam kong maiintindihan nila ang lahat ng nangyari sa amin ni Mico. "Whats happening?" si mama mother instinct alam ko. "Tanya!" nilingon ko si Mico, nakikiusap pa rin ang mga mata. "P-pa!" Nanginginig ang boses kong baling kay papa buo na loob ko. "Don't tell me!" ani ni Papa--- napahagulhol ako dahil tulad ng sabi ni Mico madidisappoint ko ang pamilya ko alam ko, dahil sa malaking tiwala nila sa'kin sa amin ni Mico na 'di kami lalagpas sa limitasyon namin tulad ng madalas namin pinapangako sa kanila. "Tanya, wag mong sabihin sa'min!" untag ulit ni papa sa malungkot niyang boses. Nandito na ako wala na akong kailangan gawin kundi gawin ang tama at ito ang alam kong tama ang sabihin sa mga magulang ko ang totoo. "I'm pregnant! Buntis ako kay Mico, Pa! I'm sorry!" Tuluyan akong humagulhol sa balikat ni mama sa sulok ng mga mata ko kitang-kita ko ang laglag balikat na reaksyon ni Mico--- maging si papa. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD