The mistress mess 4

1003 Words
CHAPTER FOUR    PINILI kong pumasok sa banyo ni Mico hindi ko makayang pakinggan ang pag-uusap nito sa kaibigang si Faye na nakabase sa Italya habang nag-aaral ito ng interior designer. Kilala ko si Faye bata pa lamang ito magkaibigan na sila ni Mico but she used to study abroad dahil para dito high-quality maayos ang facility kesa sa bansang kinalakhan nito. Napaupo ako sa cubicle ng maramdaman kong namamanhid ang hita ko sa katatayo habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. "Tanya,Tanya." Ilang sandali pa ng marinig ko si Mico tinatawag ako maingat akong tumayo para buksan ang pinto. "Magpahinga ka na." Pinagmasdan ko siya napansin kong bitbit nito ang sariling laptop. "Saan ka?" "Sa guest room na ako." "Pero sabi ni mommy dito tayo." "Kaw na muna dito kakausapin ko pa si Faye." "Pero Mico..." "Tanya, pwedi ba I don't have time for any arguments naghihintay sa akin si Faye." "Mico, kaibigan mo lang si Faye 'diba? Mico, heto ako magiging asawa mo." Tiningnan ako nito nagpagting ang mga panga. "Kayo lang may gusto n'on and I'm warning you wag mo isali si Faye sa kabaliwan mo," tila sampal na sabi nito bago tuluyang tumalikod tuloy-tuloy na lumabas wala akong nagawa alam kong 'di nito gugustuhin ang sundan ko ito napaupo ako sa kama nito sa isipan ko muling sumariwa sa akin kung paano kami nagsimula ni Mico. FLASHBACK "Hi" Napalingon ako sa boses na nagmula sa likuran ko. It was my 18th birthday kilala ko ang binata its my cousin bestfriend si Mico. "Hi." nakangiti kong bati rito. "Happy birthday." "Salamat." "Actually its my birthday too kaya kailangan mo rin ako batiin.." paagpapacute nito. "Talaga? Eh kong birthday mo why are you here? Dapat nagcecelebrate ka rin." "I'm old enough and besides mas maganda dito free minus gastos." Napatawa ako sa totoong biro nito. "Halika." "Saan?" "Basta." Hinila ko siya hanggang sa loob ng bahay namin. Tinungo ko ang malaking piano sa bahay plano kong tugtugan siya ng isang pyesa sa birthday naming dalawa. Buong laro ko sa piyano he's smiling sa mga mata nito alam kong masaya ito. "Nagustuhan mo ba?" "Ang galing mo where you learned that?" "Bata pa lamang ako ng tinuruan na ako ni lolo laruin ang pyesa." "Great." "Gusto mo isa pa?" "Its my pleasure magandang binibini." Nagpatuloy ako sa pagtugtog habang nakatingin lang siya sa akin nakangiti. "Bakit gising ka pa?" boses ni Mico nagpabalik ng katinuan ko 'di ko man lang namalayan ang pagpasok nito. "Tapos na ba kayo mag-usap?" balik ko tanong ko dito hindi ito sumagot dire-diretso itong nahiga sa tabi ko kasabay ang pagtalukbong ng unan "Mico namimiss na kita." Walang tugon mula dito sa huling pagkakataon muli ko siyang pinagmasdan bago tuluyang ipikit ang mga mata ko ang unang gabing magkasama kami sa silid niya bilang mag-asawa sa kagustuhan nang pareho naming pamilya. --------------------------------- KINABUKASAN Maaga akong nagising para pumasok sa school na pareho naming pinapasukan ni Mico. Hinanda ko na ang lahat ng gagamitin nito bilang isang may bahay nito gusto ko siyang pagsilbihan sa lahat ng pangangailangan niya sa ganoong paraan gusto kong maramdaman ni Mico na kaya kong punan lahat ng pangangailangan nito bilang magiging asawa niya. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya mahimbing pa rin itong natutulog. Tumayo ako mamaya pa pasok nito kaya kailangan ko ng mauna muna sa university d'on ko nalang siya hihintayin. Plano kong sa school nalang mag-almusal kasama ang kaibigan ang ilang mga kaibigan ko tulad ng madalas kong nakagawian. nagpahatid ako sa family driver nina Mico agad akong tumuloy sa room namin ng sa may 'di kalayuan may napansin akong mga estudyanteng nagkakagulo maging ang mga lobo at tarpaulin na dala nito. Nakaramdam ako ng pagtataka ng mabasa ko ang malaking pangalang MICO. Hindi ako nagdalawang isip para puntahan ito baka kapangalan lang ni MICO naisip ko. Abala ang mga kapwa ko estudyante sa ginagawang pag set-up ng stage MICO ANTHONY C. SAMONTE nanginig ang mga tuhod ko hindi lang ito kapangapan ni MICO pangalan mismo ni MICO ang pinapaskel sa dingding ng stage. "Everything is fine, Faye," narinig kong sabi ng isang kamag-aral ko sa isang babaeng nakaupo paharap sa stage patalikod sa akin. Muling nag-echo ang pangalan nito sa isip ko Faye--- si Faye ang may gawa ng lahat ng 'to para kay MICO. Napako ang pansin ko sa isang tarpaulin na huling kinabit. "I'm back my batman--- my Mico."  Nakaramdam ako na may bahagyang ulap sa mga mata ko sunod-sunod na napalunok sa sakit na nararamdaman ko sa mga nabasang mula kay FAYE para kay MICO. "Parating na si Mico..." sigaw ng isa sa mga classmate ni Mico. Kumubli ako sa likuran ng bahagyang nag-umpukan na ang mga ito para takpan ang mga mensaheng nasa harap nila para sa asawa ko.  Napatingin ako kong saan alam kong papasok si MICO--- ilang sandali nakita ko ito kasama ang isang kaibigan pupunta sa kinaroroonan ng isang sorpresa para rito. Surpresang hindi galing sa akin kundi galing sa isang babaeng alam kong mahalaga sa buhay nito. Nakita ko ang mga ngiti sa labi nito ang ngiting hindi ko na muling nakita sa kanya mula nang malaman niyang buntis ako. "Ano 'to?" Narinig kong tanong ni Mico. Nakatuon ang buong pansin sa stage kaya alam kong 'di nito pansin ang presensiya ko. Tumabi ang mga estudyanteng nasa harap kitang-kita ko ang pagtayo ni FAYE abot hanggang teynga ang ngiting hinarap kay Mico. "I'm back batman." Naghiyawan ang lahat sa biglang pagbukas ng bisig ni Faye para yakapin ang binatang mabilis na umakyat sa stage. "Feyah...." aniya ni Mico. Napalunok ako sa tagpong ako mismo ang nakasaksi--- laglag balikat na tumalikod sa mga ito hawak-hawak ang sinapupunan ko. "Anak, friend lang yan ni daddy ha." Kausap ko sa anak namin muli kong nilingon si Mico pikit matang nakayakap pa rin siya kay Faye sa pagmulat ng mga mata nito hindi sinasadyang nagtama ang mga mata naming dalawa--- pilit akong ngumiti sa kaniya pagkatapos kong pinagpatuloy ang pag-alis ko mula sa mga ito. --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD