CHAPTER 23 "Nasan si Tanya?" Nagising ako sa narinig kong boses ni Mico sa labas nang silid ko sa hospital na pinagdalhan sakin ni Brian. "Ayaw ka niyang makausap higit sa lahat ang makita pa Mico." Sagot ni Brian nakatalikod mula sakin kaharap sa Mico sa pintong bahagyang nakabukas "Wala kang karapatan pagbawalan ako kailangan ko makausap si Tanya." Anito may galit sa boses. "If I where you umalis ka na habang iniisip ko pa ang kalagayan ni Tanya." "Sino ka ba sa tingin mo? kaibigan ka lang asawa ako!" Pagdidiin nito sa huling salita. Pilit akong napangiti sa isip ko minumura ko si Mico. Napatingin ako sa nakakuyom na kamao ni Brian. "Papasukin mo siya,Brie." Pikit-matang lumabas sa bibig ko, Liningon ako ni Brian tumango ako nakikiusap umiling-iling ito bago binuksan ang pinto ng

