Halos hindi ko maidilat ang mata ko sa liwanag na tumatama sa mukha ko galing sa bintana, nang makita ko ang kabuuan ng lugar kung nasaan ako, nagbalik sa akin ang ala-ala ng huli kong nakita, Si Elle, dumating sa room pagkatapos kong bumagsak sa lapag, after that hindi ko na alam, andito na ako sa clinic ngayong pag-gising ko, Bumangon ako agad at tumambad sa akin si Trina na kakapasok pa lang ng pintuan, "Mabuti at gising ka na, kamusta na ang pakiramdam mo?" Pag-aalalang tanong ni Trina, "Mediyo nahihilo pero okay naman na, ano na ang nangyari? si Elle?" "Nasa room, nagpapatuloy ang klase eh, ako ang nag-volunteer na samahan ka muna rito hanggang sa magising ka," "Pero, nakita ko na nakipaglaban siya sa mga babaeng iyon, hindi man lang ba siya napano?" Hindi naman agad nakasago

