Tahimik lang kami ni Elle nasa biyahe, sinusundan niya lang ang sasakyan nila Maam, though alam ko rin naman ang papunta roon if ever. Sa totoo lang hindi ako masiyado makapaniwala na mapapa-oo ang bruhang ito pero mas napapaisip ako sa mga bunganga ng mga classmates ko mamaya, diyos ko, malamang wagas na tanungan ang mangyayari, sana lang hindi atakihin ng malalang evil attitude ang babaeng ito! "Hmm bakit nga pala pumayag ka rin sumama?" Biglang tanong ko pero seryoso pa rin siyang nakafocus lang sa pagda-drive, kahit alam kong malabong sumagot ang babaeng ito eh naghintay pa rin ako sa response niya. Tinignan ko pa rin siya para naman maramdaman niyang naghihintay ako sa sagot niya! "You look stupid again" Sabi niya na nakapagpataas lang ng kilay ko, "Puro ka ganiyan! Dahil lang

