Nanlaki ang mata nang marinig ko ang sinabi ni Elle, "Paanong ako? ano ba ang ginawa ko sa kanila?" Nahihintakutan kong tanong habang ang babaeng ito ay nakatingin lang sa mga halimaw na babaeng amasona na gusto akong saktan, "Stay at my back, don't do something stupid!" "B-Bakit? ano ba bang plano mo?" "Hindi tumatanggap ng sorry ang mga iyan, kaya wala naman ako magagawa kung hindi gawin ang lahat para di ka nila makuha dahil sigurado akong kawawa ka!" Sabi ni Elle sabay balik ng tingin sa mga ugaling halimaw na ito, "Ano pa ba ang gusto ninyo? I already settle this to my sister!" "Sa kanya iyon pero iba sa amin, may batas kami sa grupo namin, hindi kami pwede tumahimik pagkatapos bastusin ng babaeng iyan si Farrah!" Sabi ng babaeng tumulak sa akin kanina, nakakaloka naman, ako

