Pangatlong Kabanata

768 Words
Pangatlong Kabanata           Nang gabing iyon ay dumating ang mga bisita na pawang mga kabataan.marahil ay nagkayayaang magswimming upang maibsan ang hirap at pagod na nararanasan nila sa pag-aaral.hindi mo alintana sa kanila ang problema sapagkat sila'y mga kabataan lamang na ang gusto sa gabing iyon ay panandaliang kasiyahan.             Inuman,tampisaw at talunan sa malamig na tubig ng pool ang makikita mo mula sa mga bisita sa resort na maging hiyawan at sigawan ay maririnig mo rin mula sa mga nakainum na.may mga babaeng nakaupo sa hita ng lalaki at parang walang tao sa paligid nila kung maghalikan at sa kabilang dako naman ng pool ay may naglululob na magkasintahan na kung magyakapan ay parang mga walang pakealam sa mga nakakakita samantalang ang iba naman ay nagkakantahan at nag-iinuman lamang. samantalang sina Rey at Andoy ay nasa stock room lamang at inaayos ang mga dapat ayusin.             Pagsapit ng alas dose ng gabi may mga bagay na hindi na maipaliwanag.             AWWOOO!             Isang alulong ng aso ang narinig nila mula sa labas.             "Guys...narinig nyo ba yun?"takot na sambit ng isang lalaki at tila nanginginig nang marinig niya ang alulong ng aso.             "Wala yun.kaw naman masyado kang matatakutin"             "Ang mabuti pa,magpicture taking na lang tayo?"pag-anyaya ng isang babae na may hawak na camera.             Isa-isang pumunta sa isang gilid ng pool ang magbabarkada at ang babaeng may hawak ng camera ang siyang kumuha ng litrato.             "One... two... three... SMILE!"umilaw ang flash ng camer at sabay-sabay ngumiti ang mga bisita.maya-maya lamang ay lumabas ang resulta ng litrato ngunit tila hindi maipinta ang mukha ng babaeng kumuha ng litrato sa sobrang takot.             "Patingin nga!"inagaw ng isang babae ang camera at maging siya ay hindi maipaliwanag ang reaksyon sa nakita.             Isa-isang nagsilapitan ang mga kasama niya sa kanya at tiningnan rin ang camera.             "Oh my God! Totoo ba yan?"hilakbot na tugon ng isang bakla nilang kasama.             Isang babaeng duguan ang nakahawak sa leeg sa lalaking kanina lamang ay takot na takot sa alulong ng aso ang rumehistro sa camera nang kunan ito.             "Hindi yan totoo! Hindi yan totoo!"paulit-ulit na sambit ng lalaki kaya napaatras ito.             "DINO! Calm down!"pagpapakalma ng isang babae sa lalaking takot na takot.             "Ahhh! Lumayo ka! Lumayo ka sa'kin!" sa pag-atras ng lalaki di sinasadyang mapasandal siya sa balon at ganun na lamang ang naging reaksyon niya na ani mo'y may nakikitang kung ano.             "DINO! Pare! Ano bang nangyayari sa'yo?"pag-aalalang tanong ng isang lalaki ngunit parang walang naririnig ang bisitang si Dino.             "Huwag kang lalapit!huwag kang lalapit!"lingid sa kaalaman ng kasamahan ni Dino ay may nakikita siyang duguan na babae at nanlilisik ang mga mata kaya ganun na lang ang reaksyon niya nang mapasandal siya sa balon at nakita niya ang babaeng parang gustong kitilin ang buhay niya.             "Aarrrgggh..."hinila ng duguang babae ang leeg ni Dino pataas kaya naman nahirapan huminga si Dino dahil sa lakas ng pagkakasakal sa kanya.             "DINO! Huwag kang ngang magbiro. Hindi na 'to nakakatuwa, ha!"takot ang naramdaman ng mga kasama ni Dino ngunit di nila ito malapitan dahil parang sinasakal siya na na nakahawak sa leeg niya ngunit wala silang makitang sinuman mula sa harapan nito para gumawa ng pananakal sa kanya.             "Miss, anong problema?"narinig nina Rey at Andoy ang sigaw ng mga kabataan kaya dali-dali silang lumabas.             Nakita ni Rey ang nakalutang na lalaki sa harapan nila at maging ang babae ay nakita niyang sinasakal ito.tanging siya lamang ang nakakakita sa babaeng duguan kaya agad niya itong nilapitan para pigilan ngunit biglang bumagsak si Dino kaya naunahan si Rey ng pag-aalala at si Dino ang nilapitan niya at tiningnan niya ang pulso ni Dino.             "Buhay pa ba siya? Is he dead"nag-aalala tanong ng kasintahan ni Dino.             "Buhay pa siya , tumawag kayo ng ambulansya.ngayon na!"pagkasabi ni Rey noo'y dagling tumawag ang isang babae sa telepono niya at ang ilan naman ay tinulungan si Dino na ihiga muna sa isang couch.             Pagtayong-pagtayo ni Rey ay nakita niya ang duguang babae mula sa balon na naglalakad at tila nanlilisik pa rin ang mga mata na umalis.kaya sinundan niya ito.             "Miss! Saan ka pupunta?!"sinundan ni Rey ang babae ngunit bigla itong nawala nang makita niyan papalabas ito ng resort.             "Ikaw ang napili niya..."nagsalita si Andoy mula sa liluran ni Rey kay ikinagulat niya iyon.             "Napili? Niya? Sino?"paulit-ulit na tanong ni Rey kay Andoy ngunit tila walang reaksyon si Andoy at hindi niya pinansin si Rey na bumalik sa loob ng stockroom.             Nang gabing iyon ay takot ang nangibabaw sa mga kabataan na nag-outing mula sa resort at sa labis na pagkatakot ay pinangako nila sa sarili na hindi na muling babalik pa sa resort na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD