“B-BUHAY ka?” Hindi makapaniwalang saad ni Mandie kay Ulysses. Ibinagsak ng lalaki ang hawak na lagari sa sahig. Lumikha iyon ng nakakangilong ingay. Tinanggal ni Ulysses ang dugo sa mukha nito sa pamamagitan ng kamay nito. “Bakit? Hindi ka ba masaya na buhay ako? Katulad ka rin ba ni Ken na gusto na akong mamatay?” ngumisi ito na parang isang demonyo. Humakbang ito papalapit sa kanya. “Hindi mo ba ako na-miss, Mandie?” nakakalokong tanong nito. “Gusto kitang yakapin at halikan, alam mo ba iyon?” “P-please, 'wag kang lalapit…” “Natatakot ka ba sa akin? Bakit? Pagkatapos ng mga nangyari sa ating dalawa ay matatakot ka? Hindi ka ba masaya na buhay ang ama ng batang nasa tiyan mo?” Pagkasabi no’n ni Ulysses ay bumalik sa alaala niya ang tagpo kung saan may ipinakitang picture si Lalaine
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


