"May kailangan ka ba sa kotse mo?" Killian asked me habang hinihintay namin yung kotse nya sa valet parking ng Makat Med. "Ummm, wala naman. Why?" I looked at him.
"Deretcho na tayo sa condo." He shrugged. Okay nadistract ako kasi they way he said it parang condo namin yung uuwian namin. Well technically, totoo naman. Condo building, hindi condo unit. "Wala akong gagamitin tomorrow pag pumasok."
Ayoko na syang mapagod pa na bumalik sa school para sa kotse ko pero paano naman ako bukas? I was thinking if kaya kong makipag unahan sa pag book ng Grab bukas ng umaga. Good luck. Angkas? Ng naka business attire? Shet.
"Hatid kita bukas." He simply answered and dumating na yung kotse nya. Napanganga ako. Ano daw? "May class ka ba ng morning?" I asked as I climbed on the front seat. "Yung class lang natin." He smiled.
"May class ako ng 9am. Pero pwede naman akong mag Grab nalang." I insisted. Nahassle na sya tonight, ayoko naman na mahassle din sya hanggang bukas. "Pwede din naman akong pumasok ng maaga bukas. Sanay naman ako gumising ng maaga, Stace." He wiggled his 2 eyebrows. Nagpapacute. Kahit di naman kailangan, dahil kahit anong gawin nya, gwapo sya. "Saka kailangan mo pang mag aral ngayong gabi. Di ka pa nagaaral. Pag kinuha natin yung kotse mo, gagabihin tayo." I looked at my watch, 9:08. He's right, so I nodded.
After makuha ni Lian yung X-Ray results nya kanina, tinignan ulit sya ni Ryan, pero di na sya nagpasama ulit sakin. Ang landi lang. We couldn't talk about Ryan kasi dumating na din si tito and nasa tabi ko parin si Killian so siguro tomorrow na kami maguusap.
Nakakahiya pa kasi when I introduced Killian to Lian's dad he thought na boyfriend ko sya. Killian's usual smile of amusement was smugly plastered on his face. "See, mukha lang tayong magka edad." Killian whispered to me. Ang saya nya e. I didn't tell tito na professor namin sya.
Ryan gave Lian painkillers for her foot so malamang borlogs yan mamaya hanggang bukas. When she was released, naghiwalay na kami para umuwi, dun muna sya sa bahay nila while nagpapagaling for a week. Sana lang ok na sya by midterms.
"You want me to quiz you right now sa Political Law?" Killian asked me nung nag exit na kami sa parking ng ospital. "God, no! Anong oras na tapos magrerecite pa ko sayo?" I frowned. Tumawa sya. Alam kong magaling sya sa Poli kasi pinagmamayabang sya ni Atty. Lopez diba. Kaya ako nahiya. Di ako prepared. So nag soundtrip nalang kami sa kotse.
"Ohmygod super antok na ko. Bakit feeling ko ako yung nasprain?" I commented when we got out sa car nya sa parking ng condo. Tinulungan ako ni Killian sa mga libro namin ni Lian. "Kape?" He asked as we headed sa elevator. Okay, this is a bait. "Yes, pero tapos ka na manlibre." I glared at him and he just smiled. "Ikaw, kape?" I asked him. Pinindot nya sa floor ng lobby. "Dun ka ba mag aaral?" He asked.
I thought about it. Ugggh kailangan ko pang hakutin yung mga libro ko pababa dito and kailangan ko pa magpalit. I'm torn. "Alam mo, dun ka na sa unit nyo mag aral." He said it for me. "Yeah, I agree. Iniisip ko pa lang na kailangan ko pang hakutin mga libro ko, napapagod nako." I chuckled.
"Samahan nalang kita bumili ng kape." He held the door open for me. "Di ka bibili? Libre kita." I smiled at him. "Pass. Di ko naman kailangan mag aral e." Pang inis nyang sabi sakin and I made a face. Bwiset.
After getting coffee hinatid nya ko sa unit namin kasi di ko kayang bitbitin yung mga libro namin ni Lian and yung kape ko and bag ko so he insisted. I struggled to open the door and binuksan ko yung mga ilaw. God, sana hindi magulo. I couldn't even remember kung anong itsura ng condo namin nung umalis kami kaninang umaga. Nung nakita ko namang wala masyadong kalat, I invited him in.
Nilapag ko yung mga libro namin sa countertop pati yung kape ko. He looked around sa condo and nodded as if approving of the place. And nilapag din nya yung dala dala pa nyang libro namin. "Mag aral ka na ha. I'll know pag di ka nag aral sa klase ko bukas." He joked. I scowled at him. Mag 3 nalang yata yung di pa nya natatawag and pag nag continue pa yung kamalasan ko, malamang matatawag pa nya ko bukas for recitation. He headed towards the door so hinatid ko sya.
"Killian, sobrang thank you for helping with Lian tonight, and for staying there sa ospital para samahan kami, and for dinner." I smiled at him. Smile na may halong kilig. He smiled his boyish smile. "Wala yun. I was glad to do it. Good night. Alis tayo tomorrow ng 8am para di ka ma late." He reminded me. "Okay, good night." I waved at him and I closed the door.
Kinabukasan, I woke up early. Nakatulog ako habang nagbabasa sa kama ko kagabi kahit na nagkape naman ako. Tig isang oras lang ako nakapag basa for my 2 subjects. Pag natawag talaga ako, sobrang kamalasan na. Nagmadali akong maligo kasi ayokong ma late kasi makikisabay lang ako kay Killian. At inaamin ko na nagmamadali ako para makapili naman ako ng magandang damit.
I settled on my black low v-neck mid-sleeve fitted dress and black heels. Ano ba wala naman akong ka color color. I decided to wear my gray and pink plaid mid-length coat over my dress. I blow-dried my hair and applied super konting make up para takpan din yung eyebags ko. Omg mapapansin nya na may effort ako for sure. Kung nandito si Lian baka nagvolunteer na yon to do my make up.
Atty. Roxas: Ready?
Me: Yup.
Atty. Roxas: I'll meet you sa parking. ☺️
Napangiti ako. Sus Stacy wala pa kilig na kilig ka na agad. Nagmamadali akong kinuha yung mga gamit ko and bumaba sa parking. Pag dating ko dun, I can see Killian leaning on his car and naka cross yung isang paa nya sa isa, parang may photoshoot nanaman. Naka dark gray longsleeve polo and his usual black slacks and black shoes. I almost ran away kasi sobrang gwapo nya.
He was scrolling his phone and and drinking coffee from Starbucks. He looked up nung medyo malapit na ko and he smiled widely. He pocketed his phone and binuksan nya yung pintuan ng front passenger seat para sakin. Tangina. Kung pwedeng mamatay sa kilig, nasa langit na ko ngayon. Or baka eto yung langit ko?
Kinuha nya yung mga libro ko para di ako mahirapan paakyat ng sasakyan nya. Pero dahil naka heels ako, di na masyadong mataas yung kotse nya. He handed me my books and went around sa driver's side and climbed up. He started the car pero bago kami umalis he handed me another coffee na nandun sa cup holder sa gitna namin and a small paperbag again from Starbucks na may banana loaf nung sinilip ko. "Breakfast bago ka pumasok." He smiled. Nagulat ako at medyo nahiya.
"Thanks dad." I smiled at him at natawa sya ng konti tapos inirapan ako. He looked at what I'm wearing and sa mukha ko. "May kakaiba sayo ngayong umaga." He commented then started driving. Shet anong sasabihin ko. Nag ayos ako para sayo? "May tulog lang." I joked. Uminom nalang ako sa kape ko.
May napansin ako sa coffee cup ko. Una, pangalan nya yung nakasulat. Well malamang, sya bumili. Tapos may nakasulat pa.
Good morning. Sana di kita matawag sa recit mamaya. ;) -K
OMG. "Hoy ano to?" I groaned kasi feeling ko matatawag nga nya ko mamaya. Di nya kailangan tignan para malaman kung anong sinasabi ko sa kanya. "Bakit? Gusto mo bang matawag mamaya?" He chuckled. "No." I answered. "O yun naman pala e." I'm sure he's wearing his usual smile and I just looked straight ahead sa daan para di nya makita yung kilig ko.
"Sana di din ako matawag sa Poli. Sana dinagdag mo din yon diba?" I told him. "Masyado ng mahaba dun sa baso." He answered still smiling. Ang ganda din ata ng gising nya. "So, ayaw mo talagang i-quiz kita ngayon sa Poli?" He joked. "Ohmygod, ayaw." I chuckled.
"Bakit? Madami naman akong alam sa Poli ah." He said defensively.
"I'm sure. Yun nga yon e. I suck at recitations so mapapahiya lang ako."
"I doubt that."
"Gusto ko yang confidence mo sakin, Attorney Roxas."
"Simple lang mga itatanong ko, promise." He chuckled.
"I don't believe you." I sneered.
"Try me."
I bit my lower lip to stop myself from saying something. Jusko. Deliks yang offer mo Killian. Pero believe me, I'd love to. Ngumiti lang ako and tinaasan nya ko ng kilay. "Care to share your inside joke?"
"E di hindi na inside yon?" I made a face and inirapan nya ko. Gusto ko syang patulan sa hiritan pero nakakahiya.
Malapit na kami sa school and napakapit ako sa kanya. "Wait, dito mo na ko baba, maglalakad nalang ako." I tried to hide the panic in my voice. I didn't exactly want anyone to see me in school na bumababa sa kotse nya.
"Relax Stace. Sa faculty parking ako diba? Nasa likod yun so walang makakakita sayo." Nagsalubong kilay nya. "Except for other professors!" I continued for him. "Trust me okay? Bababa tayo pag wala ng tao, madilim tint ko walang makakakita sayo. Kesa maglakad ka." Wala naman na kong nagawa kasi pumasok na sya sa gate ng school.
I ducked a little at sa kabilang bintana ako tumingin nung binaba nya yung bintana to scan his ID para bumukas yung barrier. "Good morning, attorney." Bati nung guard sa kanya. "Good morning, kuya." He greeted back. Di pa rin ako lumilingon hanggang tinaas na nya yung bintana nya.
Natawa sya sa itsura ko at inirapan ko sya. "Wala palang makakakita sakin ah."
"Si kuya guard lang yon. Saka paano nya makikita mukha mo e halos umikot na yang ulo mo?" Biro nya. "Chill, Stace."
"Chill chill." I mumbled under my breath at umirap and he chuckled.
Buti nalang pag dating namin sa faculty parking, walang ibang tao na nandon so nakababa din naman ako agad. Naglakad kami ng magkasabay while I carried my books and yung kape ko. Yung banana bread ko nasa loob na ng bag ko, later ko nalang kakainin.
To my horror, Atty. Lopez got out of his car. Pero naka talikod pa din sya saamin. Nataranta ako bigla, tinulak ko si Killian sa gilid para di sya makita. I could hear him swear under his breath malamang nagulat sa ginawa ko. I walked quickly hoping na malagpasan ko si Atty. Lopez. Tangina dapat pala ako yung nagtago.
Too late, he already saw me. "Stacy! Naliligaw ka yata?" He smiled. I can feel the blood drain from my face buti nalang naka make up ako. He started walking with me. "Asan si Killian?" He asked. "Ummm. Di ko alam." I tried to smile. "Hindi ba kotse nya yun?" He pointed his thumb backwards pero buti di sya lumingon.
Ako yung lumingon at nakita kong nakatayo na si Killian at nakasimangot na syang naglalakad pero mabagal kaya malayo na kami sa kanya.
"Umm oo. Nauna yata sya." I shrugged. "So saan ka galing?" I can't take the note of teasing sa boses nya. "Umikot ako? Naligaw ako? Does it matter?" I finally said giving up but without exactly admitting na magkasama kami ni Killian sa kotse. Mukhang alam na din naman nya. "Honestly, hindi." Natawa sya ng konti.
Pahiwalay na ko sakanya and he finally said "Alam mong ngayon lang yan pumansin ng babae. Kaya wag mo sanang itulak lang sa halamanan." Gusto nya sanang tumawa pero pinigilan nya yung sarili nya, I just shook my head and headed to my class.
I quickly texted Killian to apologize.
Me: I'M SO SORRY!!!! SORRY TALAGA!
Atty. Roxas: You pushed me sa halaman, Stacy. What the hell?
Me: Sorry! Nataranta ako. ?
Me: Are you hurt?
Atty. Roxas: No. Yung ego ko lang. Halamanan yun, Stacy.
Me: SORRY!!! ???
Atty. Roxas: You owe me.
Me: Yes. Babawi ako. ? I'm really sorry. Tawagin mo ko sa klase mamaya para quits tayo sa kahihiyan.
He didn't reply after that. I stared at the coffee he gave me the whole morning. And it also took me that long to finish it. I took a picture of it and sent it to Lian but I also told her that I screwed up so wag syang maexcite masyado and I'll call her pag dating sa condo.
Buti nalang walang recitation at naglecture lang si Atty. Abella which I recorded for Lian. Di ako naglunch kasi nawalan nako ng gana. I just ate the banana loaf Killian gave me and studied for his class. I was actually thinking of not going to class. Kaso kailangan ko tong harapin. Ugggh. Bakit ko ba sya tinulak???
His class was insufferable. He never looked at me, not even once. Not even nung nag attendance. Di din ako natawag for recitation. So pinanood ko nalang din yung mga nagrerecite and nag notes nalang ako at di ko nalang din sya tinitignan. He left at once when the class ended and I felt like s**t.
"Omg what??? Tinulak mo sya??? Sa halamanan sa parking???" Lian almost screamed at me and Max was laughing his ass off. While nasa klase ako, Lian already filled in Max dun sa mga kwento ko kagabi kay Lian sa hospital. And ngayon, magkaka facetime kami and I told them what happened sa school kaninang umaga at sa klase nya.
"Sobrang namiss kita Stacy Margaret! Pota ka. Ikaw lang ang tutulak sa sarili mong crush sa halamanan!" Max was still laughing out loud. Inirapan ko sya. "So kaya ka ba nagtatago ngayon sa condo kasi ayaw mo syang makita sa baba?" Tanong ni Lian. "Yeah kinda. I'm so stupid for what I did." I bowed my head sa mga kamay ko and groaned.
"Well at least problem solved, di mo na iisipin na mali yung ginagawa mong magkagusto sa prof mo, kasi iiwasan ka na nya." Niloloko pa rin ako ni Max. "Kagaya ng pag iwas nya ngayon sa mga halaman." Hirit ni Lian and tumawa nanaman silang dalawa. And napangiti na din ako.
"Puta sana nakita ko yung ginawa mo! Omg ilalagay ko yan sa susunod kong movie!" Max drank his wine. Naiingit tuloy ako. "Di ko sya matignan grabe. And ayoko din maimagine kung paano yung nangyari." Medyo natatawa ako ng konti kasi as much as I want to control it, naiimagine ko. I shook my head kasi parang tanga naman talaga yung ginawa ko. Lalu na dahil alam naman din ni Atty. Lopez na magkasama kami. Uggghhh.
"Eto na yung hula Stace. Hintayin mo sya kasi sakanya mo ipapahiya yung sarili mo ng bonggang bongga like all the time." Hirit ni Lian.
I stood up during her mid-sentence to get beer sa fridge and opened it. Wala din akong gana mag dinner, and pwede naman akong di muna mag aral kasi natawag nako sa recit sa mga classes ko bukas. "Bwiset ka Li!" I called over sa iPad ko na nasa sala kung saan ko sila ka facetime.
"Hoy Stacy! Beer? E di ka pa kumakain." Sabi ni Lian nung nakita nya kong umupo ulit dala dala yung beer. "What? Nainggit ako kay Max! Saka ikaw lang ata yung naiinggit e." Umirap si Lian. "Actually. Omg tulog lang ako ng tulog dahil sa gamot ko."
"Speaking of gamot, anong nangyari sainyo ni Ryan?" I asked. "Wala. Nung kinausap nya lang ako, normal nako. Di nako awkward. But he didn't mention anything dun sa gabi nung nasa club tayo." Lian pouted.
"Malamang. Ang unprofessional naman kung bigla nyang ibibring up yon. You basically ran out on him, syempre napahiya sya. Diba di din naman ibbring up ni Killian yung pagkatulak sa kanya ni Stacy sa halaman during class? Kasi Stacy BASICALLY ran off on him din." Tumawa nanaman si Max.
"f**k Max let it go. Put it on your next movie nalang if super benta sayo." I groaned.
The doorbell rang. "Wait lang guys, may naligaw nanamang delivery boy dito. I swear may unit numbers naman." Binaba ko yung beer ko and skipped to the door. Sumilip muna ako sa peephole kasi naka panty lang ako so sisigwan ko nalang yung delivery boy from the door.
Sumilip ako sa peephole and nakita ko si Killian nakatayo sa harap ng pintuan ko.