MEG Kinabukasan pareho kaming naghanda ni Gray. Simula umaga, abala siya at nakatutok ang buong atensyon sa mga papel na paulit-ulit na ni-review niya habang nasa sala siya mula kanina "Ready?" tanong ko kay Gray na kasabay kong nagbihis pero ngayon ay nakaupo sa kama habang pinagmamasdan ang ginagawa ko. "Kanina pa," sagot nito. "Let's just wait a little, on the way na si Safara. Mabuti na maaga siya dahil ayaw kong ma-late tayo," sabi ko na nag-spray ng pabango sa leeg ko. "Masyado ka naman yatang nagpaganda ngayon porke't makikipagkita ka sa ex husband mo." Nilingon ko si Gray na salubong ang kilay na ang mga mata ay nakatutok pala sa akin at hinagod ang kabuuan ko. "Hmm, dapat ba akong mag-isip na nagseselos ka?" nakangiti na tanong ko at lumapit dito. "Hindi, mas gwapo ako sa

