MEG "What?" malaki ang mga mata na tanong ni Gray sa akin ng makitang hawak ko ang balut na binuksan ko. "Ikaw na lang kumain n'yan, sabaw lang ang gusto ko," sabi ko. "Baby ko naman, ang dami n'yan," kinakamot ang ulo na sagot ni Gray. Isang dosena kasi ang pinabili ko dahil nainis ako sa tatlong pirasong balut na binili ni Clara. Tuwang-tuwa tuloy si manong na tumambay saglit sa labasan dahil baka gusto ko pa raw bumili. "Ayaw ko kumain ng sisiw, eh, may balahibo na," naka-ngiwi na sagot ko. Sinilip ko kasi ang loob, nakita ko na may parang mata at paa na ang sisiw. Maglaway tuloy ako, pakiramdam ko ay bumaliktad ang sikmura ko. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ito pa ang naisipan kong ipabili kanina, instead na prutas o fresh juice gaya ng nakasanayan ko. "Ma'am, kung hindi n'yo

