MEG Tulala ako ng abutan ni Gray matapos lumabas ito sa banyo ng makaligo. Siguro, hindi na siya nagtataka na ganito ang kilos ko lalo na at ang alam naman niya ay masama talaga ang pakiramdam ko. "Pwede na tayong lumipat sa bago nating bahay sa susunod na buwan," balita sa akin ni Gray habang nag-hahanap ito ng damit na isusuot. "Excited ka na ba?" tanong pa nito. Tipid na ngumiti ako dahil malayo dito ang laman ng isipan ko ngayon. "Kumusta ang pakiramdam mo? Magluluto ako ng sinabawan para pagpawisan ka, baka sakali na gumanda ang pakiramdam mo," puno ng pagmamahal na sabi nito. Umiling ako at sinabi sa kan'ya na huwag na dahil gusto ko nang matulog. Alam ko na nag-aalala si Gray lalo na at ilang ulit na siyang umuwi na nagkunwari akong masama ang pakiramdam. Ayaw kong makonsensy

