Chapter 25

2065 Words
Akira's POV. After a week ng pamamahinga sa bahay ay pumasok na ko. Masyadong boring sa bahay dahil naiiwan lang ako sa mga katulong pag school days. Pinark ko ang kotse ko. Yup. May bago akong kotse, nagpabili na ko sa magulang ko, tutal naman mayaman sila e hahaha. Hirap na hirap ako mag commute. Pagbaba ko ng kotse ay sinalubong ako ni Cloud na nakangiti ng malawak. Nag open arms sya kaya lumapit ako para yakapin sya. Sa 1 week kong bakasyon e once lang ata sya nakadalaw dahil iniiwasan nya ding magpang abot sila ni Thunder. "I missed you princess" sabi nya sakin kaya bumitaw na ko sa pagkakayakap at ngumiti sa kanya. Tiningnan nya ang kotse ko. "Is it safe for you to drive? Pwede naman kitang ihatid-sundo" he said with a concerned tone. "No worries, natanong ko na yan sa OB ko. Kailangan lang mas maingat ako, mas okay na yan kesa mag commute ako" I answered him. "As if I'm gonna let you commute again" he said. "Buti naman at pumasok na ang mahal na reyna" narinig kong sabi ni Sanya habang papalapit. "Sorry na, okay? Hindi naman kita pinipilit na dalawin ako everyday sa bahay" sabi ko. "You know she's addicted to you, mas mahal ka yata nyan kesa sakin e" sabi ni Josh. "Of course! Sayang naman ang pagiging magkaibigan namin since kindergarten, matagal na panahon na din ang tiniis ko sa mga kalokahan ni Akira" sabi ni Sanya na humalukipkip. "Wow, nagsalita ang mabait saming dalawa" I said in a sarcastic tone. "Whatever" sagot nito sakin pabalik. "Stop it, you two are too silly, buti hindi kayo nagkakapikunan like other girls" sabi ni Cloud. "Gusto ko na nga yata yang sabunutan e" sabi ni Sanya sakin. "Ipabugbog na lang kaya kita" sagot ko naman sa kanya. Kaya nagtawanan kami. "As much as I wanna keep teasing you, hindi pa ko nag breakfast, tara sa canteen?" yaya ni Sanya. "Kayo na lang, busog pa ko. Nag almusal na ko e" sagot ko sa kanila. "Sasamahan ko na lang si Akira" sabi ni Cloud. "Asus, gusto mo lang masolo si Akira e, baka mag away na naman kayo ni Sir Montenegro" sabi ni Josh. "I don't care about him" simpleng sagot lang ni Cloud. Nginitian ko na lang si Cloud para mawala ang inis nya at masaya akong nag smile back sya. "Sige na kain na muna kami, sa klase na lang Aki ha?" sabi ni Sanya na tinanguan ko at nagsimula na silang maglakad palayo. "Sa garden na lang tayo, may 20 minutes pa naman e" sabi ko. "Let's go to the garden then" sabi nya. Paalis na kami ng mahagip ng dulo ng mata ko ang tatlong babaeng masasamang nakatingin sakin ngayon. Are they watching me? Whatever, I don't get those mean girls. Ako na lang lagi ang pinagtitripan. Nakarating kami sa garden at naupo ako sa bench habang nakatayo lang si Cloud sa harapan ko.  "So how was he to you? Did he treat you well?" nagulat ako sa tanong ni Cloud. He was pertaining to Thunder. Tumango ako at ngumiti. "I don't know, pero sobrang naging maalaga sakin ni Thunder" sabi ko. His face turned serious. "It's good then" sabi ni Cloud. "Sorry Cloud" "No, okay lang. He's still your husband. So wala naman akong magagawa if kayo talaga ang magkakatuluyan" "Cloud" "And I am just thankful you let me love you, I am more than happy. Pero hindi pa din magbabago ang isip ko sa sinabi ko. Once na saktan ka ulit ni Thunder at yang baby mo. I am more glad to catch you. I can be a better father than him, that is one thing I can assure you aside from I can love you better. Unfortunately you love him" sabi nya. I can sense sadness in his voice. At nalungkot ako sa katotohanang masasaktan ko na naman sya. "If I could just take all the pain" I said to him. "Then you are also taking away my happiness. I know from the start na masasaktan lang ako sayo pero I wanted to risk it because you're worth it. When you said na tatanggaling mo ang sakit, it means I should forget you, and why would I do that  to someone I really love?" "Thank you Cloud" I smiled at him. I am lucky to have a guy who loves me so much, if I could just return the love he is giving me, why wouldn't I do that. Tumambay muna kami ni Cloud hanggang sa nagbell na hudyat na magsisimula na ang klase. Dumaan ang mga subject na parang hangin lang sakin dahil hindi naman ako nakikinig at naka headset lang ako buong umaga. At last! Lunch break na, nagugutom na din ako. Dalawa kaya kaming kumakain. Baby, anong gusto mong kainin today? Sana may dalang Mac N Cheese si Cloud. Hahahahaha. Lalapit na sana ako kay Sanya ng may lumapit saking classmate ko. "Akira, pinapatawag ka pala ni Sir Thunder" lumapit sakin si Gail. "Sabay yata kayong maglalunch" sabi nito sakin na nakapagpagulat sakin. Niyayaya ako ni Thunder kumain ng lunch is this for real? Pero bakit kay Gail nya pa sinabi? Baka anong isipin nito. "Ah baka pag uusapan na namin yung mga gagawin ko since 1 week akong absent, salamat Gail" nagdahilan na lang ako para hindi na mag isip pa tong si Gail. Nag smirk lang sya sakin at naglakad palayo. Lumapit sakin si Sanya. "Anong sinabi sayo ng maldita? Inaway ka ba?" tanong nito sakin. "Ah wala. Hindi muna ako sasabay sa inyo ngayong lunch Sanya ah. Pupuntahan ko kasi si Thunder. Sorry" "Okay lang" "Alis na ko, alam mo namang bugnutin yung isang yun" sabi ko. Tumawa lang sya. Dumaan ako ng locker ko at nilagay doon yung gamit ko. Akala siguro ng mga nakakakita sakin e baliw ako. Dahil ngiting ngiti ako ngayon. E sa masaya ako e. Niyaya lang naman ako ng pogi kong asawang mag lunch. Baby, mukhang matutuwa ka sa kakainin mo ngayon dahil family date natin to hahahaha. Inayos ko muna ang sarili ko ng makarating ako sa pintuan ng opisina ni Thunder at dali dali kong binuksan ang pinto nito since alam ko namang nandyan sya. Mabilis kong tinulak ang pinto at pumasok dun And it's the biggest mistake I ever made. Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa nakita ko. Agad naman silang naghiwalay ng dahil sa tunog ng pagbagsak nito. Tuluyan ng tumulo ang luha ko. I just saw them making out. Thunder and Ella is kissing passionately. Hindi ko na kinaya at tumakbo na ko ng tuluyan. Pakiramdam ko ay dinukot ang puso ko at inapak apakan yun. Kaya nya ba ko pinatawag para makita ko yun? Gusto nya bang ipamukha sakin na si Ella ang pinili nya. Tuloy tuloy lang ang pagtakbo ko. Nanlalabo lang ang mata ko kaya napaupo ako sa isang hagdan at umiyak ng umiyak. Binaon ko yung mukha ko sa tuhod ko. Ang tanga tanga ko. Ang tanga tanga ng puso ko.  Sinuntok suntok ko ito. I feel so numbed. I feel destroyed. Thunder's POV. "Akira!" tawag ko sa pangalan ng babaeng lumabas mula sa opisina ko. What is she doing here? "Damn it" lalabas na sana ako para habulin sya ng pigilan ako ni Ella. Akira just caught us kissing and I don't know what's gotten into me that I want to follow her and explain everything. It pained me to see her crying like that. It always has. "Stop Thunder, ano ba? Girlfriend mo ko at wag mong kakalimutan yan" nakita ko ang galit sa mata nya. "I don't know, mamaya na tayo mag usap Ella. Kailangan kong sundan si Akira" "You're not going anywhere" "But I need to talk to her!" napalakas ang boses ko. "But why?! Mahal mo na ba sya?!" napahinto ako sa tanong ni Ella. I don't know what to answer. I felt blank What do I really feel for Akira? I still don't know. I haven't figured it out yet. I just don't want to lose her. "N-no" sagot ko. "Good. You stay here kung ayaw mong ako ang mawala sayo" I sat down. I also don't want to lose her. Aish. I am so complicated! "Just leave me alone Ella" I coldly told her. "What?" I can see she's shocked. "Just go, I am not going to follow her. I just need to think" Hindi ko na tiningnan si Ella hanggang sa narinig ko na lang ang malakas na pagbagsak ng pintuan ng opisina ko. Napahawak ako sa sentido ko.  What a mess I made. I sighed. I will just talk to Akira at home. Ella's POV. Nanggigil akong lumabas ng opisina ni Thunder at naglakad. Nasan ba yung babaeng yun. Nakita ko yung inutusan ko para papuntahin si Akira sa opisina ni Thunder. Tama, ako ang nagplano ng lahat. Sinadya ko para ipamukha sa kanyang wala syang pwesto sa buhay ng lalaking mahal ko. "Good. I won't give you a fail mark. All the three of you" sabi ko dito at sa mga kasama nya. "Have you seen Akira?" I asked them. My hand balled into a fist when I remembered her. That b***h. "Nandun sa stairs at ngawa ng ngawa" sagot sakin nung Venus. "What's with them ba?" curious na tanong sakin nung Athena. "If you really want to know, meet me at the empty room" sabi ko. Bago naglakad. Yung empty room ay dating library pero tanging mga book shelves na lang ang iilang teacher's table ang nandun. Naglakad na ko at hinanap ang babaeng maninira ng buhay. Nakita ko syang umiiyak sa hagdan.  Lumapit ako. "Stand up Akira" nagulat sya ng marinig ang boses ko at nag angat sya ng ulo. Mabilis nyang pinunasan ang luha nya at tumayo. "What do you want Ella?" Hindi ako makapaniwalang kinaibigan ko ang babaeng to. She's such a slut a boyfriend stealer. "Let's talk. Follow me" sabi ko bago naglakad. Napangiti ako ng makitang sinundan ako nito. Pumasok ako sa empty room at ganun din sya. "Ano pa bang hindi klaro satin Ella. Alam ko na. Panalo ka na" sabi nya. Lumapit ako sa kanya at binigyan sya ng malakas na sampal. Napahawak naman sya sa mukha nya at umiyak na. So weak. "Para yan sa pang aagaw mo sa boyfriend ko" Sinampal ko ulit sya sa kabila. "Para naman yan sa pagpapanggap na kaibigan kita. Traydor!" galit na galit kong sabi sa kanya. "Hindi ako nagpanggap Ella. Kaibigan talaga ang turing ko sayo. Noon ko lang nalaman ang tungkol sa inyo ni Thunder nung pumasok ka sa classroom namin" Sinampal ko ulit sya. "Liar. Ang galing mong umarte. Mang aagaw!" "Ako pa? Ako pa talaga ang mang aagaw. Ako ang asawa ni Thunder!" Nagulat ako sa sinabi nya. Mas lalong napuno ang galit ko sa kanya. "Narinig nyo ba yun girls?" sabi ko. Nakita kong naguguluhan ang mukha ni Akira. Isa isa ng lumabas sa pinagtataguan nila si Venus, Athena, at Gail. "OMG! Sineduce mo siguro si Sir Thunder!" sabi ni Gail. "Malandi ka pala talaga. Nung una si Cloud ngayon pati si Sir Thunder!" sabi nung Athena. Palapit sila ng palapit kay Akira. Nagulat ako ng hampasin at sabunutan na sya ng mga to. "Inagawan mo pa si Ma'am Ella! Malandi! Malandi!" sigaw ni Venus. I smirked. Totoo. Mang aagaw ang babaeng yan. "Tama na!" napatigil sila ng biglang sumigaw si Akira. "Wala kayong alam! Hindi ako nang agaw. Hindi ko alam na girlfriend nya si Ella, wala kayong karapatan pagbintangan ako ng kahit na ano dahil ako ang asawa nya at girlfriend nya lang si Ella" Nagdilim ang paningin ko dahil sa narinig ko at mabilis akong lumapit para sampalin at itulak sya. Bumagsak sya sa sahig. "Ang kapal ng mukha mo Akira. Oo kasal kayo ni Thunder pero malinaw pa sa tubig na ako ang mahal nya!" "Ouch" narinig kong umiiyak nyang daing. "Ang sakit ng tiyan ko" Napatingin ako sa hita nya na ngayon ay may dumadaloy na dugo. Nanlaki ang mata ko at ganun din ang mga kasama ko. "Ouch! Oh my god. Oh my god. Ang baby ko. Ang baby ko! Tulungan nyo ko. Ella. Tulungan nyo ko" umiiyak nyang sabi habang nakahawak sa tyan nya. "Ang baby ko. Ang baby ko" I am frozen from where I am standing. Baby? Baby? Nagulat ako ng pabalibag na may pumasok sa room na to at nakita ko yung Cloud na agad agad pumasok. Agad agad syang lumapit kay Akira. "Akira, akira. Hang on." natataranta nyang sabi. Mabilis nitong binuhat si Akira. "Cloud, Cloud yung baby ko" nanghihinang sabi ni Akira bago ito nawalan ng malay. "I'll save the baby" sabi nito. Nung dinaanan nya ko ay napakasama ng tingin nya. Sinundan ko sila ng tingin at nagulat na lang ako ng makatanggap ako ng isang malakas na sampal. "Ms. Delos Reyes!" sigaw ko. "How dare you. Kapag may nangyari sa bestfriend ko at sa batang dinadala nya, kaya mo bang panagutan. Murderer!" sabi nito. Nakita kong hinahatak sya ng isang lalaki. "Pasalamat ka, kailangan nya ko, kung hindi kakalbuhin ko kayong apat" dagdag pa nito bago nagpahatak sa lalaking yun. Hindi ma process ng utak ko. Buntis si Akira. It will definitely not be Thunder. Walang nangyari sa kanila. Malamang nabuntis sya nung Cloud na yun. Malanding tunay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD