Kabanata 10

2797 Words
Hindi magkamayaw ang kung anong mararamdaman ko. Bumalik ako sa aking lamesa pagkatapos ng masayang tanghaliang iyon kasama si Blake. Titig na titig siya sa akin kanina habang kumakain ako. Ang mga mata ay nagpapakita ng tuwa at mangha. Noon ko lang siya nakita ng ganoon. Madalas kasi ay lagi siyang naka kunot noo at hindi maipinta ang mukha. Naiisip ko tuloy, siguro ay ganoon siya kay Hailey. I can imagine how he stare at her. Smiling while she's talking. Nangingislap ang mga mata tuwing nakatingin kay Hailey, o kapag kumakain din ito. I can't help my heart from breaking apart because of that thought. Hindi ko maisip o maitsura ang magiging buhay kapag wala si Blake sa tabi. Kapag umalis ako, at naging sila ni Hailey. Ngunit ang isang hampas lupa na kagaya ko ay hindi dapat nag hahangad ng isang mataas na katulad ni Blake. Hindi iyon tama. Alas tres ng hapon nang katukin ko muli ang opisina ni Blake. "Sir-i mean, Blake, it's time for your meeting with the marketing team," sambit ko, naaalala ang talim ng tingin niya nang tinawag ko siyang 'Sir' at hindi 'Blake'. Nagtataka pa rin talaga ako kung bakit mas gusto niyang tawagin ko siyang ganoon at hindi sa tamang paraan, samantalang na sa trabaho kami at tama lang na tawagin ko siya na may pag galang. Tumayo siya at isinuot ang hinubad na coat kanina, pagkatapos ay isinara ang laptop at naglakad palapit sa akin. "Let's go," aniya nang nakalapit sa akin. Tumalikod ako at sasabay na sana sa paglalakad niya nang bigla ay pinadausdos niya ang kamay sa aking baywang. Nanigas ako at hindi nakasabay sa kaniyang maglakad. Nilingon niya ako nang napansing hindi ako kumikilos. Itinaas niya ang isang kilay. Tinignan ko ang kamay niya nasa baywang ko. Naalala ko ang gabing una kaming nagkakilala sa bar bago mangyari ang mainit na gabi. His big and calloused hand. Malambot at magaan ang pagkakahawak niya sa baywang ko na parang isang bagay na madaling mabasag. But then, naalala ko na ganito din ang ginawa niya kay Hailey noon. Napalingon ako sa paligid, buti naman at wala na ganoong tao, nagsi alisan na kanina para sa meeting. "Baka may makakita, 'Sir'" sambit ko nang may diin ang huling kataga. "So what?" kunot noo niyang sambit hindi inaalis ang kamay sa baywang ko. Tinignan ko siya ng matalim at inunahan sa paglalakad. Inaalis ang pagkakahawak sa baywang ko. I heard him chuckled habang sumusunod sa akin. Mabilis kong pinindot ang elevator papuntang conference room at pumasok doon nang bumukas. Magsasara na sana ito ngunit mabuti na lang ay nakapasok din siya agad. Lumapit siya sa akin at bumulong, ang mga kasama namin sa loob na galing sa itaas na palapag ay tahimik na nagmamasid. "You left me again." he then chuckled after he said that. Kumalabog ang puso ko. His laugh seems like a beautiful song in my ears. Sana ay palagi kong marinig ang tawa niyang iyon, isama pa ang mga mata niyang kumikislap sa tuwa. Sabay kaming lumabas ng elevator pagkarating sa palapag. Mabilis ang lakad ko upang hindi niya maabutan dahil patuloy pa rin ang pag dausdos niya ng kaniyang kamay sa baywang ko. Natatakot ako na baka kung ano ang isipin ng ibang makakakita sa ginagawa niya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng conference room ngunit naunahan na niya ako, siya ang nagbukas nito at pinauna akong pumasok bago siya. Nagtataka naman ang mga mata na nakapukol sa amin pagkapasok. Kumpleto na ang marketing team, nakahanda na ang laptop at projector sa harap. Maging ang mga hard copy ay nakalapag na sa bawat upuan. Umupo si Blake sa kabisera at umupo naman ako sa tabi niya. "Good morning, Sir." bati ng iba. "Good morning, let's start?" he said. Bumalik sa pagkaka seryoso ang mukha. Pinulot niya ang hard copy na nakalapag sa harap niya at inexamin iyon. "Your insights on the customer demographics are crucial. What's the latest data showing, Emily?" he asked, pertaining to the marketing head. "Certainly, Mr. Dawson. Our recent analysis indicates a shift towards younger demographics, with a strong preference for social media engagement. We're planning targeted campaigns on other famous platforms to capture their attention." Tumango si Blake, sinasang ayunan ang sinabi ni Emily. "Excellent. So, how are we leveraging influencers in this campaign?" "We've identified key influencers in our niche, and we're negotiating partnerships for authentic collaborations. Their reach aligns perfectly with our target audience, ensuring a more impactful campaign." sambit naman ni Savi na kasama sa marketing team, itinuturo niya ang mga pictures na nakalagay sa presentation na nakikita namin sa harap. "Great work, Savi. Now, what's our timeline for rolling out these initiatives?" "We're aiming for a phased approach, starting with teaser campaigns next month and ramping up to the full launch in three months. This allows us to build anticipation and maintain a sustained buzz." "Sounds strategic. Any concerns or suggestions, ladies?" inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Kumindat siya sa akin nang dumapo ang tingin. Nanlalaki ang mga mata na napalingon ang sa paligid. Nangingiti si Savi at Jana, ang iba naman ay laglag ang pangang nakatingin sa akin. Awkward naman akong ngumiti. Mapapahamap pa yata ako dahil sa lalaking ito! The room falls silent briefly, then Emily speaks up. "M-Mr. Dawson, considering the competitive landscape, perhaps we should also e-explore innovative guerrilla marketing tactics to differentiate ourselves." hindi siya makatingin ng diretso kay Blake habang sinasabi iyon, maging sa akin. "Interesting point, Emily. Let's form a task force to brainstorm those ideas. Overall, great teamwork, everyone. Let's make this campaign a game-changer. Adjourned." he said with finality then stood up. Nang palabas sa conference room ay akmang hahawakan niya ang kamay ko ngunit niyakap ko ang dalang iPad at mga papeles kaya hindi niya nagawa iyon. Mabilis ang lakad ko patungo sa elevator, ngunit sa haba ng biyas niya at laki ng bawat hakbang ay naaabutan niya pa rin ako. Hinarap niya ako pagkasara ng elevator, umatras ako upang makalayo ngunit humakbang din siya palapit sa akin, isang atras pa ang ginawa ko nang maramdaman ang lamig ng dingding ng elevator sa aking likod. Humigpit ang hawak ko sa sa dalang mga gamit. "Why do you keep on walking away from me?" bulong niya. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko siya matingnan ng diretso dahil sa maliit na distansya sa pagitan namin. Hindi ako umimik lalo na nang inilapit pa niya ang mukha sa akin. I can smell his minty breath. Inangat ko ang ulo mula sa pagkakayuko, pinagmasdan ko ang mukha niya, his thick brows, narrow nose and pink lips. Naalala ko ang gabing pinagsaluhan namin. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa alaala ko ang lambot at tamis ng mga labi na iyon. He lick his lower lip, mas namula ito ngayon. He then step closer to me, hindi nakukuntento sa distansya naming dalawa. Dahan dahan ay inilapit niya ang mukha sa akin at ang lambot ng mga labi ay dumampi sa labi ko. Nanigas ako sa kinatatayuan, nanlalaki ang mga mata. The first time he kissed me, it was hungry and sweet. Mapaghanap at nakakalasing. Ngayon ay malambot itong nakadampi sa labi ko, ninamnam ang bawat sulok na parang kay tagal na hindi natikman. Naramdaman ko na naman ang mga paru paro sa tiyan ko, nagliliparan at nangingiliti, tila natutuwa sa kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. Nawala ako sa sarili dahil sa halik niya. Nanatili lang ako nakatayo roon at hinayaan siyang halikan ako, hinayaan ko rin ang sarili na damdamin ang bawat matamis na halik niya. Natauhan lang nang tumigil siya at nanatiling nakalapit ang mukha sa akin. "I missed you," bulong niya habang nakatitig sa akin. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na sagutin siya dahil tumunog na ang elevator, hudyat na nasa tamang palapag na kami. Laking pasalamat ko na rin dahil hindi ko din alam kung ano ang magiging reaksyon sa ginawa niya. Should I be happy, dahil pinapalakas niya ang loob ko na sabihin sa kaniya ang tungkol sa bunga ng pinagsaluhan namin noong gabing iyon? Na sa wakas ay may posibilidad na tanggapin niya kami? Ngunit tama nga ba ang nararamdaman ko? Ang pangamba sa akin na baka hindi rin kami tanggapin ng mga tao na nakapaligid sa kaniya ang nagpipigil sa akin na huwag na lang ipaalam. Ituturing lang nila itong bunga ng isang gabing pagkakamali. At ang pamilya niya.. Hindi ko pa sila nakikilala, at baka hindi ko na rin makilala pa. Humakbang ako palabas at hindi na siya hinintay. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko lalo na sa nangyari. Nangangatog ang bawat tuhod ko habang humahakbang patungo sa aking lamesa. Nang makarating ako sa lamesa ay agad akong umupo, sumunod naman doon si Blake, hindi dumiretso sa kaniyang opisina. "Hey," mahinang sambit niya habang nakatayo sa harap ng lamesa ko. Nagkunwari naman akong abala sa aking laptop, ginalaw galaw ko ito na kunwari ay may pinipindot at binabasa, pero sa katunayan ay tapos ko na ang lahat ng ito at nabasa ko na bago kami mag tungo sa conference room. "Ihahatid na kita mamaya, sumabay ka na sa akin." hindi iyon tanong at hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na umapila dahil tumalikod na siya sa akin at nag tungo sa kaniyang opisina. Desisyon! Balak ko sana maaga umuwi para hindi na maihatid ni Blake, ngunit alas kwatro pa lang ay lumabas na siya ng opisina at dumiretso sa lamesa ko. "Aren't you done yet?" tanong niya. Hinila niya ang upuan sa tabing lamesa ko at umupo doon. Ipinaharap niya ito sa akin at ipinatong ang isang braso sa back rest ng upuan ko at ang isa ay ipinatong niya sa aking hita. Iginalaw galaw ko ang hita ko para maalis iyon doon ngunit ibinabalik niya rin kapag naaalis. "May tatapusin pa ako." may diin at mahina na sambit ko. Natatakot ako na baka marinig kami ng mga ibang empleyado. "Where? Give me," sambit niya at kinuha ang iPad kung saan inaayos ko ang mga schedule para bukas. Sa totoo lang ay wala naman na talaga akong gagawin dahil tapos ko na iyon, gumagawa lang ng alibi para hindi niya maihatid. Mamaya ma eskandalo pa ako nito, naku! May kinalikot siya sa iPad at may pinindot pindot doon. Pinag masdan ko lang siya habang ginagawa iyon, at nang matapos ay inilapag niya iyon sa ibabaw ng lamesa ko at dinampot ang bag na nasa ibabaw ng lamesa. Wala na talagang lusot! Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kaniya, nagpapahuli na lang ako ng lakad para hindi makasabay sa kaniya at hindi mapansin ng iba. "Ako na," sabi ko at inagaw ang bag ko na hawak niya pagka pasok namin ng elevator. Hindi naman siya nakipag talo pa at hinayaan na iyon sa akin. Nagtiim bagang siya. Nang makarating sa ground floor ay sinundan ko ulit siya patungo sa kaniyang sasakyan, hindi pa rin sumasabay sa bawat lakad niya. Buti na lang ay hindi naman niya ako pinapansin at patuloy lang siya sa paglakad. Pinatunog niya ang sasakyan at pinag buksan ako ng pinto. Walang imik akong pumasok doon at isinuot ang seatbelt habang hinihintay siyang makasakay. Tahimik kami buong byahe, tanging musika lang galing sa stereo ang nag iingay sa loob ng sasakyan. When the car stopped because of the traffic, he sighed. "If you're embarrassed to be with me, tell me." malamig ang boses na sambit niya. Nilingon ko siya at hindi umimik, hinihintay ang susunod na sasabihin niya. Sinulyapan niya ako nang hindi iginagalaw ang ulo. "I'm not sorry for what I did earlier." dugtong niya at minaniobra ang sasakyan, patungo na sa apartment ko. Anong sinasabi nito? Iyong pag halik niya? "A-yos lang po," wala sa sariling sambit ko. What? "Do you have a boyfriend?" tanong niya. Umiling ako. "Then, it's okay if I court you," hininto niya ang sasakyan sa tapat ng apartment ko. Nilingon niya ako at siya na ang nagkalas ng seat belt ko nang hindi ako nakagalaw na kinauupuan. "I'll court you." may diin at pinalidad niyang sabi. Nakatanaw ako sa palayo niyang sasakyan. Hindi ako nakakibo kanina sa mga sinabi niya. Nanatili akong nakatameme. Pinagmamasdan siya at binabasa ang mga mata ngunit wala akong makitang kahit anong emosyon roon. Saktong alas siyete ay tapos na akong mag hapunan, iniligpit ko ang mga pinggan na ginamit at naligo pagkatapos. Bawat araw na lumilipas ay gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi na ganoon kahirap ang bawat araw sa akin dahil sa pag bubuntis. Laking pasasalamat ko at hindi ako pinahihirapan ng anak ko. Kaya lang ay sobra ang antok ko kahit kumpleto naman sa tulog. Nahiga ako sa kama pagkatapos ko magbihis nang biglang tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag. Tita Linda calling... I bit my lower lip. Panigurado ay mag tatanong ulit ito tungkol sa pag punta ko sa kanila. Though, I'm still thinking of how to do things, maganda rin ang oportunidad na marahil ay naghihintay sa akin doon. "Hello, Tita?" sambit ko nang sinagot ang tawag. "Hija, nakapag desisyon ka na ba? Pinaayos ko na ang magiging kwarto mo rito. Ikaw na lang ang hinihintay," humagikhik si Tita sa kabilang linya. Napangiti ako. Tita Linda has two sons, kaya siguro ay ganito na lang ang galak niya na gusto niya akong papuntahin roon at naghahanda na para sa akin. "Mag papaalam pa lang po ako, Tita. Mangagaling po kasi ng bakasyon iyong boss ko, sa makalawa pa po ang dating niya rito sa Pilipinas kaya.. baka doon pa lang po ako makapag paalam." sambit ko. "Oh, is that so? Then don't forget to tell me once nakapag paalam ka na ha, I can't wait to see you, dear," sabi niya, mahihimigan ang pananabik para sa akin na makita at makapunta ako roon. Oh, how I wish I can hear that from my own father. Kinabukasan ay naging normal lang ang araw para sa akin. Pumasok si Blake sa opisina ng umaga ngunit ng hapon ay umalis para mag tungo sa kumpanya niya. "Hindi kita maihahatid mamaya, can you just send me a message once you're home?" tanong niya umaga nang makapasok ako at agad niya akong pinuntahan. "Ayos lang naman kahit hindi mo na ako ihatid," sambit ko habang patuloy ang pag tipa sa laptop. "No, I'm courting you so it's my duty to my drive you home," baritonong boses na sambit niya. Kumunot ang noo ko. Seryoso ba siya? "And, no boys for you now." sambit niya bago muli akong tinalikuran. Pagsapit ng tanghalian ay hindi na ako bumaba dahil may inihatid na pagkain para kay Blake, at nang inihatid ko iyon muli sa kaniya ay inanyayahan niya akong samahan siya sa pagkain dahil pang dalawahan pala ulit ang binili niya. Pagkatapos noon ay tsaka siya tumalima para mag tungo sa kanilang kumpanya. Hindi ko pa alam kung ano na ang nangyayari sa kumoanya nila nitong mga nakaraang araw. Maging si Hailey ay nakakapagtaka na hindi na nagyutungo rito sa opisina. Ngunit iyon ang akala ko. Dahil kinabukasan ay nadatnan ko siya roon sa lobby na mukhang may hinihintay. She's wearing a fitted short pencil skirt and a dark blue midriff top. Walang nagbago sa kaniyang itsura, nanatili ang kaniyang ganda at ang lakas ng dating. Halos lahat ng empleyado sa lobby at nakatingin at pinagmamsdan siya. Nakaupo ako sa aking lamesa at nagtitipa sa aking laptop nang nadatnan ko ang pag dating ni Blake kasama si Hailey. Blake looks irritated while Hailey is all smile. Sinusubukan niyang makasabay sa bilis at malalaking hakbang ni Blake. Hinihintay ko na lumingon sa banda ko si Blake ngunit nawala lang sila sa paningin ko nang nakapasok sila sa opisina. "Aleyah, can you fetch me at the airport?" Architect James said when he called after Blake and Hailey entered the office. Tumango ako at inayos ang mga gamit para tumalima at masundo si Architect sa airport. Naglakad ako patungo sa opisina para sana makapag paalam kay Blake at sabihin ang mga appointment ngayon at pag sundo kay Architect ngunit nang nasilip ko ang siwang sa pinto ng opisina at nakita ang nangyayari sa loob ay tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ako nakakilos. Nanatili akong sa harapan ng opisina. Nakatayo at pinag mamasdan si Blake na nakaupo sa kaniyang upuan habang nakaibabaw si Hailey sa kaniya at hinahalikan siya. Natutop ko ang sariling bibig, pinipigilan na makagawa ng ingay at maistorbo ang dalawa. Umalis ako ng palapag at nagtungo sa baba para sumakay ng taxi. Nangingilid ang luha sa mga mata ko at ang kirot sa dibdib ko ay talaga namang napaka sakit. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ang mahulog sa isang katulad ni Blake ay isang kahibangan lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD