Dylan’s POV Pagdating ng second half ay naging maganda na ang laro ng team namin. Nasunod ang opensang ni-set-up ni Coach kanina. Hanggang sa maging dikit na ang score namin sa kalaban; 48-52. Tagaktak na ang pawis sa aking noo habang habol ko ang aking paghinga. Salamat na lang talaga at lahat ng pinakawalan kong three points ay pumasok sa ring kanina. Hanggang sa dumating na sa last two minute ng laban; tabla ang score 70-70. Nasa amin ang bola, dini-dribble ito ngayon ni Cloyd. Nang nakita niyang wala akong bantay ay ibinato niya agad sa akin ang bola. Mukhang sinuswerte naman ako ngayong araw kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at pinakawalan ko ang bola pagkatapak ko sa three-point line. Walang mintis na pumasok ito sa loob ng ring. Wooah! Kung sinuswerte nga naman ang araw mo!

