Jinx, malas, cursed... Hindi ko alam kung ano pa ba ang pwede kong itawag sa buhay ko. No'ng araw siguro na nagpaulan ng swerte ang langit ay hindi ako na-inform kaya naging ganito ako. Nagsimula ang lahat nang araw ng kapanganakan ko...
Putok sa buho- that's how they often called kids that were born out of wedlock. Worst, I was a product of immorality! My mother got involved with a married man. Kagaya ng napapanood natin sa mga pelikula at teleserye sa bandang huli ay hindi rin siya pinanagutan ng aking ama.
Mag-a-apat na taong gulang lang ako nang sumama si Nanay sa ibang lalaki. Ikinasal sila at bumuo ng sarili nilang pamilya sa Amerika. Naiwan ako sa nag-iisang kapatid ni Nanay na si Tiya Lumen. Masasabi kong siya ang nag-iisang swerteng mayroon ako sa buhay.
Mag-isa akong itinaguyod ni Tiya Lumen gamit ang kakarampot na perang pinapadala ng aking ina galing sa ibang bansa. Sininop niyang maigi ang maliit na perang kinikita niya mula sa pagtitinda ng gulay sa palengke.
Kaya naman walang pagsidlan ang naramdamang saya ni Tiya Lumen matapos kong maipasa ang board exam sa pagiging isang ganap na inhinyero. Ipinangako ko sa aking sarili na gagawin ko ang lahat mabigyan lang siya ng maginhawang buhay.
Ganap ng alas siyete y media sa aking relong pambisig. Alas otso ng umaga ang simula ng office hours dito sa Avaya Land Corporation. Unang araw ko ito sa pagiging Cadet Engineer.
Pagdating ko sa reception area ay binigyan ako agad ng ID ng babaeng staff pagkatapos kong iabot sa kanya ang aking acceptance letter. Inayos ko ang laylayan ng nagulot kong itim na palda dahil sa pakikipagsiksikan ko sa jeep kanina.
Naupo muna ako sa sofa habang iginagala ko ang aking paningin sa kabuuan ng reception area. Asul ang namumukod tanging kulay ng pintura. Pinapatingkad ang pagka-elegante ng lugar dahil sa modern designs ng interior at mga furniture rito. The receptionist table was made of metal, accentuated with a glass top. Behind them was the logo of the company in silver writing.
May isang malaking LCD screen sa pinakasentro ng bulwagan kung saan nagf-flash doon ang mga larawan ng ilan sa mga naging proyekto ng kumpanya.
Mayamaya pa ay dumating na ang HR Specialist na siyang mag-o-orient sa aming mga bagong empleyado. Iginiya niya kami patungo sa direksyon ng elevator.
Ang Avaya Land Corporation ang itinuturing na isa sa mga pinakasikat na real estate company/engineering firm sa buong Pilipinas. Napakarami nilang pagmamay-aring eklusibong subdibisyon at condominium units sa bansa. Kaya naman laking tuwa ko nang makapasa ako rito.
Pagkatapos ng orientation namin sa conference room ay isa-isa na kaming isinama sa department kung saan kami kabilang. Maingat kong inilapag sa ibabaw ng lamesa ang dala kong shoulder bag at company's policy handbook.
"Ito ang magiging work area mo. Papunta na rin dito ang magiging immediate superior mo na si Engr. Peralta upang mabigyan ka niya ng background sa mga proyektong naka-line up ngayon dito sa department n'yo. For the meantine iiwanan muna kita kay Alice."
Lumipat ang mga mata ko sa katabi niyang babae. Ginawaran agad ako ni Alice ng isang matamis na ngiti.
"Siya ang magiging trainor mo rito," panghuling pananalita ng HR Specialist na si Ma'am Jenine.
"Thank you Ma'am," pamamaalam ko sa kanya. Pagkaalis ni Ma'am Jenine ay marahang hinawakan ni Alice ang isa kong braso.
"Tara, ito-tour muna kita rito sa loob ng opisina. Matatagalan pa kasi si Engr. Peralta nasa meeting pa 'yon."
Sinundan ko siya ng lakad. She looked sophisticated on her uniform- a pencil cut light blue skirt and a white blouse.
"Hi guys! May bago tayong trainee!" Napabaling sa kinatatayuan naming dalawa ni Alice ang atensyon ng mga empleyadong nasa kani-kanilang work station.
"I would like you to meet Audrey!" masigla niyang sabi. Isa-isang nagsipagtayuan ang aking mga ka-opisina upang makipag-handshake sa akin.
"This is Kelly!" ani Alice. Maagap akong nakipagkamay sa babaeng ipinapakilala niya. Kapansin-pansin ang ka-sexyhan nito sa mas pinaiksing tabas ng palda niyang uniporme. Sopistakada siyang tignan sa buhok niyang may malalaking kulot na kinulayan ng ash blonde. Kitang-kita ang malalalim niyang dimples sa magkabilang pisngi nang nginitian niya ako; nginitian ko rin siya pabalik.
"Siya naman si Lester." Pagtutukoy niya naman sa matangkad na lalaking may bahagyang magulo at mahabang buhok. Nakipag-handshake din si Lester sa akin.
"Si Jeremiah!" Gano'n din ang ginawa ng huli at ng iba pang empleyadong kasama namin.
Sa tantya ko ay nasa labing lima kaming lahat dito sa area namin. Sa sobrang dami ng mga ka-officemate ko na ipinakilala sa akin kanina, tantiya ko ay hindi ko agad mame-memorize ang mga pangalan nila.
"Is this your first job?" tanong sa akin ni Alice habang pabalik na kami sa aking lamesa. Kaagad ko siyang tinanguan.
"Yes Ma'am!" Saglit siyang napahinto ng paglalakad .
"Ano ka ba Alice na lang!" natatawa niyang sambit. Napangiti ako.
"Hindi naman yata nagkakalayo ang mga edad nating dalawa? I'm only twenty four, ikaw ba?" tanong pa niya.
"Kaka-twenty two ko pa lang," maagap kong sagot.
"See?" Her smile widened. Kumuha siya ng isang monoblock chair at inilagay pansamantala sa aking tabi. Doon siya naupo.
"Since ako ang magiging trainor mo ituturo ko rin sa 'yo ang mga pasikot-sikot at kalakaran dito sa loob ng ating opisina." Napatitig ako nang mariin sa kanyang mga mata. Kinindatan niya ako.
"Mag-i-ingat kang magkwento riyan kay Rochelle. For all we know headline na sa buong opisina natin ang sikretong sinabi mo sa kanya. Updated 'yan palagi sa pangchi-chismis dito sa office bente kwatro oras!"
Pinapakinggan kong mabuti ang mga sinasabi sa akin ni Alice. All my life I have trust issues, anong magagawa ko? Bata pa lang ako nang mamulat na ultimo mga sarili kong mga magulang ay hindi ko kayang pagtiwalaan. Inabandona nila ako. Ni-minsan ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila sa akin.
Natuto na ako na huwag basta-basta magtitiwala sa mga tao sa paligid ko. Iilan lang ang totoong tunay na nagmamalasakit sa 'yo.
Madaling makagaanan ng loob si Alice, gayunpaman hindi ako iyong tipo ng tao na nagbubukas agad ng buhay ko sa taong kakakilala pa lang.
"Iyang sina Jeremiah at Lester may mga asawa na 'yan." Ngumuso pa siya sa direksyon na kinauupuan ng dalawa.
"Isumbong mo agad sa akin kung dinidiskertehan ka ng mga 'yan. Ako ang bahalang magsumbong sa mga asawa nila," dugtong pa ni Alice. Hinawi niya ang side bangs niya. Naka-pony tail ang kanyang buhok.
"Iyang si Gretchen sipsip 'yan kay Engr. Peralta. Atat na atat na kasi 'yang ma-promote, careful ka din d'yan sis, hahanapan ka niyan ng palpak sa trabaho mo para maisumbong sa bisor natin!" Taimtim kong pinapakinggan ang mga sinasabi niya.
Kunsabagay mahalaga naman talaga ang maging aware ako sa kalakaran dito sa loob ng opisina. Para maiwasan ko na rin siguro ang may makasamaan ng loob. Sabi nga nila hindi ang mataas na sahod ang dahilan kung bakit nags-stay ang mga empleyado sa isang kumpanya. Ang work environment ang numero unong factor na dapat na ico-consider mo.
Napalingon si Alice sa orasan. Ganap ng alas diyes ng umaga. "Tara muna sa pantry, timpla tayo ng kape," pag-anyaya niya sa akin.
Breaktime namin tuwing alas diyes at alas kwatro ng hapon. Every 12:00 PM naman ang lunch break. May sariling pantry ang bawat department. Sa canteen naman pwedeng kumain ng tanghalian ang mga empleyado.
"I'm telling you, sa mga panahong naghahabol na tayo sa deadline kape ang magsasalba sa atin dito sa opisina. Swerte na nga tayo dahil libre ang kape dito sa office. Sa ibang company wala!" aniya habang tinatahak na namin ang daan patungo sa pantry.
Habang nakapila kami sa pagkuha ng brewed coffee ay may naulanigan akong nag-uusap hindi kalayuan sa kinaroroonan ko.
"Bago n'yo?" Rinig kong tanong no'ng lalaki.
Hindi ako sigurado kung ako ba ang pinag-uusapan ng dalawa. Napalingon ako sa direksyon na kinatatayuan nila. Nakita kong katabi niya roon ang officemate kong si Jeremiah.
Napatitig ako sa kanyang pigura. Thick eyebrows, languid eyelashes, dainty nose and spellbinding eyes. Kumpara sa ibang empleyado na narito ay hindi siya nakasuot ng uniporme. Nakasuot siya ng dark blue na long sleeve polo na nakalupi ang manggas sa bandang siko. Kitang-kita ang paglitaw ng kanyang mga ugat sa braso habang nakahalukipkip. He looked cocky on his blue jeans and top sider shoes.
Naramdaman ko ang pagtapik ni Alice sa balikat ko kaya nawala ang atensyon ko sa dalawa. Sinundan niya ng tingin ang dalawang lalaking tinatanaw ko kanina.
"That's Dylan!" Napatitig ako kay Alice.
"Taga kabilang department talaga 'yan. Bisor na rin. Mahilig lang 'yan tumambay dito kapag break time dahil halos lahat ng mga lalaking ka-department natin ay tropa niya," anito.
Dagli kong sinulyapan ang lalaking tinutukoy niya. Pagkatapos magsalin ng kape ng taong nakapila sa aking unahan ay lumapit na ako sa kinalalapagan ng coffee maker.
Maingat akong nagsalin ng kape sa dala kong tasa. Nilagyan ko ito ng katamtamang dami ng creamer at asukal. May kinausap si Alice na isa naming kaopisina kaya naupo muna ako sa monoblock chair na naroon habang hinihintay ko siya.
"Hi! Audrey right?" Nag-angat ako ng tingin upang matingnan ang lalaking nagsalita. It was Dylan!
I granted him with a thrift smile. Bago ako makasagot sa kanya ay lumapit na si Alice sa aming dalawa.
"Mukhang mapapadalas ang pagpunta ko rito sa department n'yo!" sabi ni Dylan kay Alice. Inirapan siya ng huli.
"Tumigil-tigil ka nga Dylan! Baka matakot si Audrey sa'yo!" Dylan moved his gaze towards my face.
"It's nice to meet you!" saad niya bago bumalik sa mga kaibigan niya.
"Again, that's Dylan Dela Torre!" si Alice. Tinabihan niya ako ng upo sa lamesa.
"Ang pinaka f*ckboy na lalaki rito sa office!" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng aking katabi.
"Halos lahat yata ng magagandang Cadet Engineer ay dinidiskartehan niya!"
Nagkibit-balikat lang ako sa aking narinig. Baka kasi madaling mabola ang mga babaeng 'yon kaya madali silang bumibigay rito kay Dylan. Sorry na lang siya dahil hindi ako mapapabilang sa mga magiging biktima niya!
"Malaki ka na at nasa hustong gulang na rin, kaya binabalaan na kita. Makipag-date ka na lang sa iba huwag lang sa gagong Dylan na 'yan!" dugtong pa ni Alice.