Dylan’s POV "I love Lawrence very much and I want to spend the rest of my life with him but please remember that you'll always have a special space inside my heart!" Pakiramdam ko'y ilang beses na tinarakan ng punyal ang puso ko sa mga sandaling iyon. Hindi pa nakuntento ang sumasaksak sa akin at ginutay-gutay niya pa ito hanggang sa dumanak na ang aking dugo. Kinakapos na ako ng hininga habang dinarama nang mabuti ang mga huling sinabi ni Audrey sa akin. Ilang butil ng luha ang muli na namang pumuslit sa aking magkabilang mata. Napabaling ang mga mata ko sa isa sa mga security nina Lawrence na maagap na humawak sa magkabilang braso ko. "Please, huwag n'yo po siyang sasaktan!" maagap na hiyaw ni Audrey sa kanya. Napapikit-mulat ako. Kahit papaano pala ay inaalala niya pa rin ang kali

