Ibinalita ko kay Alice ang mga nasaksihan ko kahapon; hindi na siya nagtaka.
"Heidi ang pangalan ng kalandian niya no'ng Biyernes sa LK Hub," si Alice.
Bahagyang kumunot ang aking noo. Hinalo ko ang kakatimpla ko lang na orange juice sa baso. Breaktime namin kaya nandito kami ngayon sa pantry.
"Ganyan si Dylan walang sineseryoso. Napakarami lang talagang babaeng handang magpakatanga sa kanya," she continued. I dragged my stare back to my glass.
"Sasama ka ba sa weekend?" Muli akong nag-angat ng tingin kay Alice dahil sa kanyang itinanong.
"Magpapaalam pa lang ako sa tita ko," tugon ko. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa cellphone na hawak.
"Mag-unwind naman tayo paminsan-minsan nakakasawa na rito sa office," pursigido niyang hayag.
"Basta sasabihan na lang kita," my safe reply. Inubos ko ang laman ng juice ng aking baso.
***
Pagkakain ko ng hapunan ay dumiretso na ako sa aming sala. Kasalukuyang nanonood ngayon si Tiya Lumen ng panggabing teleserye. Tinabihan ko siya ng upo sa sofa.
"May dumating nga pa lang sulat para sa 'yo kanina." I diverted my whole attention to my aunt. Tumayo siya upang kuhanin sa loob ng drawer ang isang dilaw na sobre.
Pagkabalik niya ay agad niya itong iniabot sa akin. "Galing kay John." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking narinig.
Nabasa ko mula sa likod ng sobre ang pinanggalingan noong sulat. Naka-print ang buong pangalan at kumpletong address ng ex-boyfriend kong si John. Maingat kong binuklat ang invitation card na nasa loob.
You are cordially invited to the wedding of John Crisostomo & Beverly Ruiz
Naramdaman ko na lang ang panginginig ng aking katawan. Ikakasal na pala si John!
Maagap kong pinunasan gamit ang palad ang mga luhang nag-uumpisa ng bumagsak mula sa aking mga mata.
"Ano'ng nakalagay sa sulat ni John?" Halata sa boses niya ang labis na pag-alala dahil siguro sa nakitang reaksyon ko.
Hindi ako agad nakaimik. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako nagkalakas ng loob na tugunin siya.
"Invitation po ito Tiya," maingat kong sambit. Tutok na tutok ang mga mata ni Tiya Lumen sa akin.
"Para po sa kasal ni John. Ikakasal na po siya sa Sabado," hirap na hirap kong pagpapatuloy. Inilapag ko ang invitation sa center table.
Marahang hinaplos ni Tiya Lumen ang buhok ko.
"Kung hindi mo pa rin kaya huwag mo ng pilitin. Alam kong maiintindihan naman iyon ni John." Hindi ko na mapigilan ang paglalaglagan ng aking mga luha.
Highschool sweethearts kami ni John. Akala ng iba wala ng makakapaghiwalay pa sa aming dalawa. Magkasama kaming bumuo ng mga pangarap. Nangako kami sa isa't isa na dalawang taon matapos kaming maka-graduate sa kolehiyo ay magpapakasal na kami. Kaya naman sadyang nadurog ang puso ko nang nagawa niya akong pagtaksilan.
"Audrey, hindi ko papakasalan si Francesca," pilit na pagsusumamo sa akin ni John. Pumayag akong makipagkita sa kanya ngayon sa huling pagkakataon.
"Paano na ‘yung anak nyo, hindi ka ba naaawa sa bata?" may diin kong wika. Pilit na ihinaharap ni John sa kanya ang aking mukha gamit ang palad.
"Pwede naman akong maging responsableng ama sa anak namin ng hindi tayo naghihiwalay," dugtong pa niya. Mabilis akong umiling.
"Hindi gano'n kadali 'yang sinasabi mo. You cheated on me! Kahit na ilang beses mong sabihin sa akin na mahal mo 'ko. Marami ng nagbago John wala na akong tiwala sa'yo!"
Mabilis akong tumayo mula sa bench. Hinihila niya ang mga bisig ko ngunit hindi na ako nagpapigil pa sa kanya. Lumuluha ako habang naglakad paalis ng parke kung saan kami nag-usap.
Hindi talaga ako makapaniwala na hahantong din pala kaming dalawa sa hiwalayan. Seven years 'yon! Seven years!
Grade 9 pa lang kami no'ng naging boyfriend ko si John. Fourth year college nang kami ay maghiwalay. Accountancy ang course niya samantalang ako ay Civil Engineering. Ipinagtapat niya sa akin na nabuntis niya iyong kaklase niyang si Francesca.
"Sino ba ang mapapangasawa niya?" kuryosong tanong ni Tiya.
"Beverly raw po ang pangalan. Officemate niya po yata." Itinuon ko na agad ang aking atensyon sa palabas sa TV.
"Sinusutentuhan pa rin naman niya siguro 'yong anak niya kay Francesca?" tanong pa niya. Alam ni Tita lahat ng pinagdaanan ng relasyon namin ni John. Isa siya sa mga naging karamay ko noong panahon na naghiwalay kami.
"Wala na po akong masyadong balita tungkol sa anak niya Tiya, bihira na rin kasi ako sumama sa mga lakad ng mga kaibigan namin magmula nang mag-abroad si Noimee."
***
Magkasabay kaming bumaba ni Christine mula sa Toyota Vios ni Alice. Ipinarada na niya ang kanyang sasakyan sa malawak na parking lot ng Petron.
Ilang oras din akong nakatulog habang kami ay nasa byahe. Pinili kong sumama sa outing ng aking mga ka-opisina kesa daluhan ang kasal ni John.
Tumambay muna kami sa Starbucks habang hinihintay na dumating ang iba pa naming mga kasama. Limang sasakyan kaming magco-convoy papunta sa resort na pagmamay-ari ng pamilya nina Jeremiah.
Ilang sandali pa ay nakita na namin ang paparating na mga sasakyan nina Lester at Kelly. Nang makumpleto na ang limang sasakyan ay sinundan na namin ang Montero ni Lester na siyang nakakaalam ng direksyon papuntang resort.
Pagkababa pa lang namin sa sasakyan ay sinalubong na agad kami ng malamig na hangin na nagmumula sa malawak na baybayin. Kulay light brown ang buhangin na hinahampas ng mga 'di kalakihang alon sa dalampasigan. Nasa katirikan na ang araw dahil mag-aalas dose na ng tanghali, mahapdi na ang tama ng sinag nito sa balat.
"Nandito na kami sa parking lot, bumaba na kayo." Narinig naming saad ni Lester sa kausap niya sa kabilang linya.
Pumasok na kami sa main entrance ng resort. May nakasulat na Villa Marciana sa harapan ng hotel. Napapalibutan ng mga pink na bouganvilla ang malaking signage.
Habang tinatahak namin ang bricks na daan ay sinalubong kami ng mga halaman na yellow bell, chinese bamboo at gumamela.
Pansamantala kaming tumigil sa reception hall kung saan daw kami imi-meet ng mag-asawang Jeremiah. Inilapag muna namin nina Alice sa lamesa ang mga dala naming bag. Isang backpack lang ang bitbit ko. Mag-oovernight lang naman kasi kami rito.
Naging abala sa pagkwe-kwentuhan ang aming mga kasama habang hinihintay ang mag-asawa. Hanggang sa maagaw ang atensyon ko sa isang lalaking pababa ng hagdanang gawa sa bato. He was wearing a plain white shirt and Hawaiian board shorts. Nakapamulsa siya at malaki ang ngisi habang nakikihalubilo sa aming grupo.
Nakipag-high five si Dylan kina Lester pagkakita niya sa kanila.
"Nauna ka na palang pumunta rito? Sino na namang babae ang kasama mo at hindi ka pa sumabay sa 'min?" pang-aasar ni Lester sa kanya. Tinaasan siya ng isang kilay ni Dylan.
"May project kasi ako ngayon sa Batangas City. Dumiretso na lang ako agad dito," maagap niyang tugon.
Ilang saglit pa ay dumating na rin sina Jeremiah at ang kanyang asawa.
"Welcome guys!" masiglang bati niya sa amin. Mas naningkit ang kanyang mga mata. Pinakilala niya agad sa amin ang asawa niyang si Melanie; napakaputi nito sa suot na dilaw na floral dress.
"Kamusta ang byahe n'yo?" ani Melanie.
"Okay naman," masayang sagot namin sa kanya nina Alice.
"Gutom na kami tol, may pagkain na ba?" natatawang sambit Francis. Tinapik pa niya si Jeremiah sa balikat.
Ilang minuto munang nagkulitan ang mga kasama naming lalaki bago kami pumanhik sa kanya-kanya naming hotel room. Sinabayan na rin kami ni Dylan.
Madalas namin siyang nakakasama sa mga get together naming magkakaopisina. Sa totoo lang ilag pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Epekto siguro iyon ng mga nalaman ko tungkol sa pagkatao niya.
By twos ang hatian namin ng silid. Pagkaligpit namin ni Alice ng mga gamit namin sa kwarto ay bumaba na rin kami sa lobby.
Akmang aabutin ko ang pitsel na may lamang iced tea nang si Dylan na mismo ang kumuha noon at sinalinan ang baso ko.
"Salamat!"
"You're welcome!" aniya sa swabeng boses. Sinabayan pa iyon ng isang matamis na ngiti.
In fairness, mabait naman itong si Dylan sa aming mga kaibigan niya, babaero lang talaga!
Masarap ang mga putaheng inihain sa amin. May kare-kare, sinigang na hipon, rellenong bangus at spicy crabs.
Pagkakain ng tanghalian ay namahinga kami sa mga sun lounger malapit sa tabing dagat. Hapon na kami nag-swimming sa beach.
Pagsapit ng hapunan ay nagpa-deliver din ng ilang dishes ang mag-asawang Jeremiah at Melanie bukod pa sa mga inihaw na putahe ng mga boys kanina. Light dinner lang ang ginawa ko dahil alam kong babaha ng alak ngayong gabi.
Ilang sandali pa ay inilabas na rin nila ang mga alak. Jack Daniels, Bacardi and Cuervo. Name it!
"Sino kaya ang gagapang mamaya papuntang hotel room?" Natatawang wika ni Lester habang nag-uumpisa ng punuin ang tangan na shot glass.
"Nagsalita ang malakas uminom? San Mig nga lang yata ang katapat mo eh!" pangbabara ni Alice sa kanya.
"Yabang mo Alice ah! Tignan natin ang lakas mo!" Sabay abot niya kay Alice ng unang tagay.
Habang lumalalim ang gabi, unti-unti na rin naming nauubos ang bawat isang bote. Isa-isa na ring tinatamaan ng espirito ng alak ang mga kasama namin.
"Ang ganda mo yata ngayon Alice, bagay pala sa'yo ang naka-two piece!" Pinanlakihan ng mata ni Alice si Jordan dahil sa sinabi nito. Hindi magkamayaw ang paghihiyawan ng aming grupo.
"Tang*na mo. Inumin mo na nga lang 'yang tagay mo!" ganting tugon ni Alice sa kanya. Ngunit ayaw pa ring magpaawat ng huli.
"Sexy ka talaga!" anito. Akmang tatayo na si Alice upang sugurin si Jordan.
"Ilayo-layo n'yo nga sa 'kin 'yang si Jordan at baka mahampas ko ng bote!" Mas lalong lumakas ang hiyawan at tawanan ng aming grupo. Pirming nakatuon ang buong atensyon ko sa dalawa.
"Try mo 'to!" Pag-aalok sa akin ni Dylan ng inihaw na pusit na nakatusok sa hawak niyang tinidor. Agad kong kinagatan iyon.
"Masarap siya," wika ko pagkatapos ko itong kainin.
"Ako ang nag-ihaw n'yan. Pwede na ba?" He said mockingly.
Tinanguan ko siya. "Nakita ko nga kayo kanina." He bestowed a grin.
"At least pwede pala kayong magka-extra income. Pwede kayong magtayo ng ihaw-ihaw," natatawa kong sambit.
Mga bandang alas dose ng gabi nang magpaalam ng aalis sina Jeremiah at Melanie. Sumunod naman sina Alice, Christine, Kelly at Karen.
Napangalahati pa namin nina Jordan, Francis at Dylan iyong Cuervo nang mapansin namin na nakasubsob na pala sa lamesa ang ulo nina Lester at Gilbert.
"Ang hina talaga ng mga to!" palatak ni Jordan.
Bandang alas dos na ng madaling araw ng nagpaalam na rin sina Jordan at Francis.
"Mauna kami sa inyo tol," pagpaalam nila kay Dylan.
Tinapik nila sa balikat sina Lester at Gilbert upang gisingin na. Pasuray-suray ang dalawa habang sinusundan nila ng lakad. Umaalon na rin ang paningin ko nang mga sandaling iyon.
"Do you wanna go back to your room?" Ngayon ko lang napansin na kaming dalawa na lang pala ni Dylan ang naiwan.
"Yeah, hinihintay na rin siguro ako ni Alice."
"Baka nga tulog na 'yon. May spare keys ka bang dala?" si Dylan.
"Oo, binigyan ako ni Jeremiah kanina."
"Ubusin ko lang 'tong laman ng baso ko at ihahatid na rin kita." He suggested.
Kaming dalawa lang ni Dylan ang naging matatag sa aming inuman. Pero ramdam ko na rin ang unti-unting pagtama sa akin ng pagkalasing.
"Naks naman. Sweet ka pala." Nginitian ko siya. Bahagyang inilapit ni Dylan ang kanyang mukha sa akin bago ako sagutin.
"Bakit ano ba ang impression mo sa 'kin?" malumanay niyang tanong. Nagtama ang aming paningin. Ngayon ko lang mas natitigan nang matagal ang kanyang mga mata. Sadyang nakakahipnotismo ang mga iyon. Tila isang malalim na balon na hihigupin ka sa kailaliman.
"Hmm. Wala naman." Strong smell of alcohol emanated from his mouth.
"Di nga?" aniya sa baritonong boses. Mas inilapit pa niyang lalo ang kanyang mukha. My heart started to beat erratically. Given na 'yon sobrang gwapo ni Dylan pero matagal ko ng sinabi sa sarili ko na ang mga katulad niya ang tipo ng mga lalaking sisira sa kinabukasan mo.
"Huwag ka ngang magpa-cute sa 'kin Dylan," pangongontra ko sa kanya. Napakurap-kurap pa siya mas lalo tuloy nadepina ang mapipilantik niyang mga pilikmata.
"Sino ba ang nagsabing nagpapa-cute ako?" Napaawang ang labi ko dahil sa kanyang sinabi.
"Normal na talaga sa 'kin ang ganito," dugtong pa niya. I felt shivers went down my spine when he focused his stare on my lips.
"May boyfriend ka na ba?" deretsahan niyang tanong. Medyo umaalon na ang paningin ko. Ang kanyang mga tanong ay labis pang nagpadagdag sa pagkahilo ko.
"Bakit mo natanong?" wika ko sa kanya pabalik. Sa mga oras na ito alam kong kontrolado ko pa ang aking katawan at isip.
"Wala naman. So may boyfriend ka nga?" His voice was husky as his pair of seductive eyes continued to hypnotize me.
"Wala," mahina kong tugon.
"Are you sure?" Kinilabutan na naman ako sa paraan ng pagtatanong niya. I tried to remain calm. Sinagot ko siya sa paraang hindi niya mahahalata na natutuliro na ako sa mga ikinikilos niya.
"Tignan mo 'to nagtatanong tapos hindi naman maniniwala," sambit ko. Umayos siya ng upo.
He tucked some errant hair behind my ear. Electric currents flowed on my bloodstreams as if he caught me on my weakest.
"Okay sige naniniwala na ako." I casted a deep sigh as he nodded slowly.
"Ibig sabihin ba no'n walang magagalit sa 'yo kung hahalikan kita ngayon?" My eyes widened with shock. Nagpuntahan na yata sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa katawan.
Hanggang sa dahan-dahang inilapit ni Dylan ang labi niya sa labi ko.