I saw sincerity on the way Lawrence gaped at me. Wala akong ideya kung ano ang naging pag-uusap nila ng Mommy niya at bakit bigla na lang niya akong inimbitahang mag-dinner. Napakurap-kurap ako pagkaraan ay mataman siyang tinanaw. "Hindi raw kasi kayo masyadong nakapag-usap noong Investor's Night kaya gusto niya na imbitahan kita sa bahay," he said more calmly. Napatikhim muna ako bago nagawang sumagot. "Sige, okay lang naman." Kaagad na rin niya akong ihinatid sa aking opisina pagkalabas namin ng conference room. Inasahan ko na ang pagkuha namin ng atensyon sa mga empleyadong aming nakakasalubong. Nakapalupot ang braso niya sa aking baywang habang papasok ako sa opisina ng department namin. "Salamat sa paghatid. Kahit hanggang dito na lang siguro. We already caught the attention of

