“Kapag ayaw sa 'yo ng byenan mo, lumuhod ka man sa harap niya o halikan mo pa ang mga paa niya hindi ka pa rin niya magugustuhan,” mariing pagpapaliwanag ni Tiya Lumen. Sinalubong ko ng tanaw ang mga mata niyang nababalot na ngayon ng kalungkutan. Kasalukuyan akong nag-e-empake ng mga damit namin ni Dylan na narito sa kanyang condo unit. May nirentahang truck si Donna na siyang maghahakot ng mga gamit namin mamaya para mailipat na sa bahay nila sa Bulacan. Maayos kong isinara ang zipper ng pinaglagyan kong maleta pagkaraan ay naupo ako sa ibabaw ng kama. “Bakit po kaya ang init pa rin ng dugo sa akin ng byenan ko? Kasal na nga kami ng anak niya, di ba dapat ay ituring na rin niya akong parang isang kapamilya?” Tinabihan ako ng upo ni Tiya Lumen sa kama. Napabuntong hininga muna siya ba

