Pagsapit ng lunch break ay magkasabay kaming lumabas ni Alice ng opisina. Pumunta kami sa canteen upang kumain ng tanghalian. Tinabihan kami ng upo ni Karen na kakatapos lang kumuha ng inorder niya mula sa counter. “Ano ng plano mo ngayon Audrey?” kuryosong tanong ni Karen. Mataman niya akong tinanaw. Tila tinatanya niya ang mga bagay na tumatakbo ngayon sa isip ko. Ilang subo muna ang ginawa ko sa kanin at ulam kong beef broccoli. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Tuwing weekend kami uuwi ni Donna sa Bulacan,” maagap kong sabi. “Mas kampante kasi ako kapag kasama ko sa bahay ang hipag ko. Tignan n’yo ‘to.” Inilahad ko sa kanila ang aking cellphone. Itinutok nina Alice at Karen ang mga mata nila sa ipinapakita kong mga larawan. Mga kuha namin iyon ni Dylan ng magpunta kami sa Cloud 9

