Dahil maaga pa naman ay pumunta muna ako sa canteen upang bumili ng dalawang packed breakfast. Pambawi ko ito kay Dylan para sa lahat ng naitulong niya sa akin. Pagkatapos kong magbayad sa cashier ay tumungo na ako sa kanilang opisina. May hawig din ang interior nito sa aming department. May mangilan-ngilan ng empleyado ang nasa kani-kaniyang cubicle nang dumating ako. I casted a deep sigh before I inquired to one of the employees. “Excuse me Sir. May I ask where the office of Engr. Dela Torre is?” Agad naman niya akong hinarap at itinuro ang malayong pintuan. “Doon Miss,” aniya. Tinanguan ko siya at agad pinasalamatan. “Thank You!” Marahan kong tinahak ang pasilyo papunta sa nakasaradong pinto. Kumatok muna ako bago ko ito tuluyang buksan. Then I saw him sitting on his swivel chair

