I was busy plotting the azimuth of my drawing on the AUTO CAD program when my cellphone vibrated. Agad kong tinignan iyon. Dylan: May thirty minute break pa kayo ‘di ba. Milk tea tayo. Maagap akong nagtipa ng aking reply. Me: Saan naman 'yan? Dylan: D'yan lang sa kabilang street. Bagong bukas. Ilang araw pa ang lumipas matapos ang “mabagyong gabi” na 'yon ay nakasanayan ko na ang madalas naming paglabas ni Dylan. Kasama na roon ang biglaang “session” naming dalawa. Basta't malinaw ang usapan namin na wala kaming ibang pagsasabihan ng mga pinaggagagawa naming ito. Nakita ko agad iyong puting Montero ni Dylan na nakaparada malapit sa bus stop. Sumakay ako sa front seat. May nakalapag ng isang baso ng milk tea sa gilid ng upuan. “Nakabili ka na pala?” tanong ko sa kanya habang isinasar

