Chapter 10 – Past & Future

2883 Words

Napatigil sila sa pag-uusap nang dumating si Monique; galing siya sa cr. Agad niyang kinuha ang gym bag na nakalapag sa ibabaw ng lamesa. “Sa 'kin ka na sumabay Monique,” pag-aalok sa kanya ni Diane. Agad naman siyang sinang-ayunan ni Monique samantalang kaming dalawa ni Christine ay roon nakisabay sa sasakyan ni Alice. Buong maghapong iyon naging pre-occupied ang utak ko sa naging mainit na komprontasyon namin ni Dylan. Imposible kasi talaga na mahal niya ako. Iilang buwan pa lang kaming magkakilala. Ano bang pinagkaiba ko sa ibang naging ka-fling niya sa Avaya? Mas di hamak na mas maganda pa sa akin sina Heidi at 'yong ibang naging ex niya. Naalimpungatan ako nang gising bandang alas kwatro ng hapon. Ilang tapik sa balikat ko ang nagpabalikwas sa akin ng bangon. “May bisita ka Audre

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD