MAAGANG PUMASOK sina Jasmine, Nathan at Heather sa Company ng Altamera Enterprises. Ngayon ding araw nila papalitan ang ibang mga employee na sangkot sa anumalya sa loob ng Companya. Natuklasan na rin nila kung saan napunta ang pera ng Companya. Pero kailangan pa nilang kumalap ng mas matibay na ibidensya laban sa dating Vice President ng Company. "Ngayon daw malalaman kung sinu-sino ang mga matatanggal sa trabaho. Naku! sana hindi tayo matanggal, kailangan ko pa naman ng pera para sa gamot ng nanay ko." pabulong na wika ng isang employee sa kasamahan nito. "Hindi naman siguro tayo matatanggal, wala naman tayong kinalaman sa mga anomalya dito sa Company. Ang mga naka upo sa HR at Marketing ang dapat nilang palitan, hindi tayo na mga simpleng employee lamang." sagot naman ng isang babae

