BIGLANG NATIGILAN sina Jasmine at Dylan dahil sa tanong ng kanilang anak. Nagka titigan din sina Jasmine at Dylan, dahil kapwa nila hindi alam ang isasagot sa kanilang anak. "Dito kana matulog, Hijo, para naman tuloyan ng maging masaya ang apo ko." wika ni James, kay Dylan. Nakangiti din siyang pinag mamasdan ang kanyang apo na masayang masaya na ngayon. "Thank you, Sir." naka ngiting pasalamat ni Dylan. Masayang masaya siya dahil sa pagtanggap sa kanya ng magulang ni Jasmine. "Daddy na rin ang itawag mo sa akin magmula ngayon, Hijo. Asawa ka ng anak ko, kaya kailangan na tawagin mo na rin akong Daddy." sabi ni James kay Dylan. "Nanay din ang itawag mo sa akin, Dylan. Ayaw kong tatawagin mo akong Mommy o Mama. Mas gusto kong pakinggan ang Nanay." wika naman ni Emily, na siyang tinawan

