"Dylan..." muling pagtawag ni Jasmine sa asawa, tinatapik na din niya ang balikat nito upang magising. Ngunit mahimbing talaga ang tulog ng kanyang asawa. Kaya siya na lang ang bumangon at lumabas ng kuwarto. Bumaba si Jasmine at nagtungo ng kusina. Agad niyang binuksan ang ref at naghanap ng pipino. Ngunit wala siyang nakitang pipino sa loob ng ref, kaya inis na inis siyang tumayo at naghanap ng ibang makakain. Pizza lang kasi ang kinain nilang mag-asawa kanina sa Mall, kaya ngayon ay nagugutom na siya. Gustuhin man niyang magluto, ngunit wala naman siyang alam na lutuin maliban sa mga nakasanayan niya noon sa Isla Paraiso. Kaya no Choice siya, kundi tumawag ng food delivery, upang may makain siya. Kaya mabilis siyang bumalik sa kanilang kuwarto at nag order ng pagkain Online. Napaka

