NAGHIHINTAY naman ang mga armadong lalaki sa labas ng Restaurant. Agad nilang isinakay si Jasmine sa isang itim na Van na naghihintay sa backdoor ng Restaurant. Ang dalawang babae naman ay agad din na umalis, nang maibigay na nila si Jasmine sa mga armadong lalaki. Nang maisakay na nila si Jasmine sa loob, ay agad din siyang nilagyan ng piring sa mata at tinalian din ang kanyang bunganga upang hindi ito maka likha ng ingay. Pati ang kamay at paa niya ay agad din nilang nilagyan ng tali, upang makasiguro silang hindi ito manlalaban at makatakas sa kanila. Walang nagawa si Jasmine, dahil malalakas ang mga lalaking naggapos sa kanya. Nagdasal na lang siya para sa kanyang kaligtasan, at hiniling din niya sa dios na sana ay mailigtas siya ng kanyang asawa at pamilya. Naramdaman niyang uma

