"Love, huwag ka nang umiyak. Baka lalong maka sama sa'yo kapag umiyak ka." pag-alo ko kay Jasmine, parang hinihiwa ang puso ko sa hapdi nito, awang-awa ako sa aking asawa, dahil sa mga nakikita kong paghihirap ng aking mahal. "Mrs. Altamera, kailangan mo munang magpahinga. Bawal kang ma stress, baka sa susunod na duguhin ka ay hindi na natin mailigtas ang mga babies n'yo." sabi ng Doctor ni Jasmine. Kaya nagtaka ako sa sinabi niyang babies, ibig sabihin ay hindi lang isa ang ipinag bubuntis ng aking asawa? "Babies? what do you mean Doc?" hindi maka paniwalang tanong ko sa doctor na tumitingin sa aking asawa. "Tama ang narinig mo Mr. Altamera. Dahil kambal ang dinadala ng asawa mo. Kaya kailangan n'ya munang mag bedrest ng kahit isang lingo dito sa hospital, para ma-obserbahan namin s

