"Kaya wala talaga akong tiwala sa'yo Mr. Altamera, dahil alam na alam ko na ang mga style mo!" sabi ni Jasmine sa asawa, kinurot din niya ang hita ni Dylan saka muling ipinikit ang kanyang mga mata. Tumawa naman si Dylan, dahil sa tinuran ng asawa.Bumangon na rin siya at nilapitan si Jasmine na naka pikit ang mga mata. Agad din niya itong siniil ng maalab na halik ang labi nito, habang hinahaplos ang iba't-ibang parte ng katawan nito. Ipinikit na lang ni Jasmine ang kanyang mga mata, upang damhin ang init ng halik ng asawa, ganon din ang kiliti na hatid ng malikot na kamay nito. Agad din niyang hinawakan ang batok ng kanyang mahal na asawa at tinugunan ang mga halik nito sa kanya. Nang pareho na silang mawawalan ng hangin sa katawan ay saka pa lamang nag hiwalay ang mga labi nilang d

