PAGSAPIT NG SABADO, ay abala ang lahat sa pag hahanda para sa kasal nina Nathan at Heather. Sa Mansion ng mga Del Valle gaganapin ang Reception ng kasal, kaya abalang-abala ang lahat sa paghahanda ng mga gagamitin kinabukasan. Ang harapan ng Mansion ay nilalagyan nila ng mga decorasyon. Meron din inilagay na napaka laking tent na magsisilbing bubong upang hindi mainit ang venue. Napaka ganda din ng pagkaka arranged ng mga lamesa at upuan. Ang mga cover na ginamit nila ay white and blue. Royal blue ang napili ng ikakasal na kanilang maging motif. White and red naman ang makikitang mga bulaklak na naka paikot sa buong paligid. Kahit gabi na ay patuloy pa rin nag ta-trabaho ang wedding coordinator at mga kasama nito. Gusto nila ay maging maganda ang lahat, upang hindi sila mapahiya sa mga D

