"H'wag ka na magalit," saad niya sa malambing na tono. "Gusto lang nila makipagkaibigan sa'kin. Gano'n talaga magsalita si Rio kasi babaero 'yon kaya medyo malandi magsalita, pero wala s'yang intensyon na iba sa'kin. Sure ako doon. Dahil kung meron, iiwasan ko s'ya agad." Kita niyang humupa na ang galit ng kasintahan dahil hindi na ganoon kadilim ang ekspresyon nito. Mukhang epektibo itong ginagawa niyang paglalambing. She feels happy she have this kind of effect on him. "Fine. I believe you. But I'm still annoyed," anitong may kaunting pagtatampo pa rin sa boses. "Ikaw kasi nagagalit ka agad hindi ka pa nga sure kung ano yung tunay na nangyari. Ganyan ba tingin mo sa'kin? Na kaya kong makipaghalikan kani-kanino lang?" nakanguso niyang sabi na kunwari'y nagtatampo rito. She can not help

