23

1132 Words

Kumuyon ang mga kamao niya. Ngayon alam na niya kung bakit walang nanliligaw sa kaniya sa eskwelahan. Kilalang gangster at siga ang kuya niya. Tinatakot siguro nito ang mga kalalakahin sa paligid niya. Nawala na ng tuluyan ang ngiti niya at salubong ang kilay na humarap ulit dito. "Magkapatid tayo. Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?" Seryosong-seryoso ang mukha nitong hindi natinag sa sinabi niya. "Una sa lahat, hindi tayo tunay na magkapatid. At naiinis ako sa tuwing tinatawag mo akong kuya." "Kahit na! Magkapatid tayo sa mata ng lahat ng tao!" Suminghal ito. "Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao!" Nagtagis ang bagang niya at galit na tumayo. "Pwes ako meron!" hindi niya napigilang sigaw dito. "Tama na! Ayoko na 'tong pag-usapan! Hindi ito tama!" Tumayo ri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD