Magkahawak-kamay si Lesley at Kieran habang naglalakad at nakasunod sa mabibilis na hakbang ni Dan. Papunta ngayon sila sa silid na tinatawag na Rose Room dahil ipinatawag sila roon ni Catharina. Ang pupuntahan nilang silid ay isa sa pinaka-importanteng lugar sa Crimson Clan dahil dito isinasagawa at pinag-uusapan ang lahat ng kanilang mga hakbang at plano laban sa MNA. Dito rin nagtitipon ang mga matataas na opisyales ng organisasyon upang magpasya ng hatol o desisyon sa mga importante at komplikadong bagay. Ilang sandali pa ay tumigil si Dan sa paglalakad at humarap sa kanila. "Nandito na tayo," anito saka ipinatong ang kamay sa hawakan ng isang mataas at malapad na kahoy na pinto sa kanilang kanan. Malalim na huminga si Lesley na may ngiti sa labi. Hindi na siya makapaghintay na mar

