Napakatagal na panahon na ang lumipas noong huling bumisita si Kieran sa isang bar kaya naman sinulit niya ang bawat minutong kasama niya si Jacoben dito. Uminom sila ng alak at walang sawang naglibang. Tila hindi nauubos ang kwento ni Jacoben sa dami ng mga bagay na nasabi nito at nabahagi. Halos naikwento na nito ang buong buhay at lahat ng kanilang pinagdaanan nitong nakalipas na mga taon. Naglaro rin sila ng bilyar na madalas nilang gawin noon. Naaalala tuloy niya ang dati niyang buhay. Lagi siyang laman ng mga disco at bar. Kung magliwaliw siya ay mula gabi hanggang umaga kasama ang iba't ibang babae dalawa o tatlong beses sa isang linggo. Kapag may gusto siya, madali niyang nakukuha. He was spoiled and rebellious like other teenagers. He did a lot of things that most people his ag

