Nagtatakang napatingin sila sa isa't isa sa garalgal na tunog. Wala silang naintindihan sa sinabi ng mga kausap nila sa kabilang linya. "Ano'ng problema? Sira ba 'yan?" tanong ni Iston na masama ang tingin sa radyo. "Hindi no! Bago lang 'to. South and North exit! This is Airah! Do you copy?!" Ngunit wala na silang narinig na kahit anong ingay o tunog sa radyo. "Guys?! Hoy, sumagot kayo!" Bigla silang napatakip sa tenga nang isang matinis at nakakarinding tunog ang bumalik sa kanila. Agad na pinatay ni Airah ang radyo bago pa tuluyang mabasag ang mga pandinig nila. "Na-nasira na nga yata 'yan Ate Ai. Mas maganda siguro kung lumabas na tayo ngayon para hanapin si Mrs. Dapit," singit ni Lesley. "Tsk! Lokal yata 'tong nakuha ko. Sorry," ani Airah. "May mali," ani Iston tapos ay salubon

