Kuyom ang pareho niyang kamay ng sabay niya itong iangat habang mariing nakapikit ang mga mata at nagtatagis ang mga bagang.
Patience! Patience! Patience! She kept repeating in her head then she put down her hands.
Dumilat siya at pinakatitigan ito tapos ay malalim na huminga. She also tried her best to put on a smile.
"Kapag hindi mo 'yan kinain ngayon, bukas pa ulit ang susunod mong pagkain. Gusto mo bang malipasan?" gigil niyang sabi na hindi naghihiwalay ang mga ngipin ngunit wala pa rin itong kibo.
"Argh!" pigil niyang sigaw tapos ay nanlulumo siyang napaupo sa sahig. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo!"
Yumuko siya at pumikit saka hinilot ang kaniyang magkabilang sintido. Sumasakit na ang ulo niya rito.
"V-03 naman... Magre-review pa ako para sa exams ko... Kainin mo na 'yan, sige na," walang lakas niyang sabi habang hawak pa rin ang kaniyang ulo. Napapagod na siya kakapilit rito.
"Subuan mo ko."
"Subuan? Hindi ka ba marunong kumain ng mag-"
Namimilog ang mga mata niyang napadilat sa lalaking nagsalita. Agad siyang tumingala para hanapin ang nagsabi niyon. Sumikdo ang puso niya nang makita si V-03 na nakaluhod sa harap niya hawak ang puswelo ng pagkain at isang hakbang lang ang layo sa kaniya. Ilang segundo siyang napatitig at napakurap-kurap sa mukha nito bago naproseso ng utak niya ang nangyari.
Malakas siyang napatili at mabilis na nanakbo palayo hanggang sa masandal siya sa pader. She looked at the yellow line. Hindi ito nakalagpas sa linya o nakawala sa kadena nito. Bahagya siyang nakahinga ng maluwag.
"Oh my God! Akala ko nakawala na," hinihingal niyang sabi habang nakahawak sa kaniyang dibdib . "Wait, nagsalita ka ba?"
Dahan-dahang nawala ang kaniyang takot na napalitan ng pagtataka. "N-nagsalita ka?" Nahigit niya ang hininga nang maalala kung ano ang sinabi nito. "Gu-gusto mong s-subuan kita?!"
Tumango ito.
"A-ayoko!" mabilis niyang pagtanggi. "Baka kung ano pa'ng gawin mo sa'kin!"
Ibinaba nito ang puswelo sa sahig ilang pulgada ang lapit sa dilaw na linya tapos ay umupo ito sa harap ng pagkain at tinitigan siyang muli.
Nag-iwas agad siya ng tingin sa mga mata nito. Naalala niya ang sinabi ni Mrs. Dapit na huwag makipagtitigan dito. She still finds it hard to believe that he can hypnotize people but it's not going to hurt her to be extra careful so she kept her eyes off his gaze.
"Hi-hindi kita susubuan. B-bahala ka d'yan," aniya habang nakatingin sa ibang direksyon tapos ay dahan-dahan siyang umupo sa upuan na pares ng salamin na lamesa na sakop ng maliit na kusina.
Saglit niya itong liningon tapos ay nag-iwas na ulit ng tingin. "Alam ko ang nasa isip mo V-03. Sa oras na lumapit ako sa'yo, sasaktan mo ako," saad niya na may kaunting nginig sa boses. Hindi pa rin siya nakakabawi sa gulat dito.
"Hindi mo ako maloloko. Marami na akong narinig tungkol sa'yo at wala akong balak na dumagdag sa listahan ng biktima mo."
She glanced at him again to check his reaction but he still has that annoying poker face. Nakaupo ito malapit sa dilaw na linya at tahimik na nakatingin pa rin sa kaniya. Mukhang makikipagmatigasan ito. Puwes siya rin. Pero sino kaya ang magwawagi sa kanila? Ano ang mangingibabaw? Ang gutom nito o ang limitado niyang oras?
Mahigit isang oras na ang nakalipas pero wala pa ring nagpapatalo sa kanila. Bumibigat na ang talukap ng mga mata niya at namumula na ang kalahating mukha niya na kanina pang nakapatong sa lamesa. Bahagya niyang inangat ang kaniyang ulo at tinignan si V-03.
Diyos ko nakatingin pa rin siya sa akin na animo'y isang maniking. Hindi ba siya nangangawit?
Mukhang wala talaga itong balak kainin iyong lugaw maliban na lang kung isusubo niya ito. She looked at her wristwatch. She is running out of time. Mukhang talo siya sa patigasan nilang dalawa.
Tuluyan na niyang inangat ang kaniyang ulo at nag-ayos ng upo. Naka-ilang beses siyang huminga ng malalim bago tumayo at mabagal na naglakad papuntang harapan ni V-03. Nag-iwan siya ng tatlong hakbang na distansya sa pagitan nila tapos ay matamlay siyang tumingin dito.
"Sige, panalo ka na," mabigat na loob niyang sabi. "Susubuan na kita. Gagawin ko na ang gusto mo, V-03, pero nagmamakaawa ako sa'yo, please, h'wag mo akong sasaktan."
Humakbang siya ng isa palapit dito.
"Magiging mabait ako sa'yo, promise. Sasarapan ko araw-araw yung mga luto ko. Basta h'wag mo lang akong sasaktan," sumamo niya tapos ay humakbang pa ulit siya ng isa.
"Naintindihan mo naman ako 'diba?"
Hindi ito sumagot. She will just take his silence as a yes. Bahala na.
Malalim siyang huminga bago lumuhod at dahan-dahang inabot iyong puswelo ng pagkain na nasa harapan nito habang alerto pa rin siyang nakabantay sa bawat galaw nito.
Hinalo muna niya iyong pagkain bago sumandok ng isang kutsara. "Ah," aniya para ibuka nito ang bibig.
He obediently and slowly opened his mouth for her. Nanginginig pa ang kamay niya habang palapit ng palapit sa bibig nito ang kutsarang hawak. Nang maipasok na niya ito sa bibig nito, napapikit siya.
"H'wag mo 'kong sasaktan!" pabulong at takot na takot niyang sabi.
Nang maramdaman niya ang pagsara at pagbuka ng bibig nito sa hawak niyang kutsara, marahan siyang dumilat. Tahimik lang nitong linunok ang sinubo niya habang maamong nakatingin sa kaniya.
Hindi siya nito sinaktan at wala siyang nararamdamang panganib sa kilos at tingin nito. In fact, he is like a kid enjoying a tasty meal. Nakahinga siya ng maluwag. Mukhang gusto lang talaga nitong magpasubo.
Matapos nang unang subo na iyon, nabawasan ang takot niya kaya sinundan na niya agad ng isa pa. Sa bawat pagsubo niya rito, unti-unting nawala ang pangamba niya na sasaktan siya nito hanggang sa naging komportable na siya sa pagpapakain dito.
Patuloy lang siya sa pagsubo rito nang unti-unti niyang naramdaman ang tagos sa kaluluwa nitong pagtitig sa kaniya. Hindi niya ito pinapansin kanina dahil sa takot pero ngayong kalmado na siya, ramdam na ramdam niya ang mga mata nito. And she feels like it is calling her. Begging her to look at those eyes too.