"Then, hanapin mo! Hindi lang dito sa Pilipinas, kundi sa buong Mundo! Gayahin mo si Magellan para mahanap mo siya!" gagad ko. Nakakainis kasi iyong hindi pa naman niya nakita ay Pinagseselosan niya na agad. "Hindi ako nagbibiro, Margaux!" gagad niya sa akin. "May sinabi ba ako na nagbibiro ka, hindi ka naman si Joker. Isa ka lang Mafia na napakaseloso!" asik ko. "Damn!" inis na sambit niya sa akin. "Hay naku, Jackson, magtataxi na lang ako, kung mag-aaway lang tayo. At saka, pinababa mo lang ba ako to ask me that, ha!" muling gagad ko. "No! But to kiss you. I wanted to kiss you, dahil nga naiinis at nagagalit ako," sambit Niya dahilan upang umikot mga mata ko. "Simpleng-simple kasi, pinagugulo mo, eh. At saka, may transaksyon tayo, kaya iyon muna isipin mo okay," mahinahon n

