Unang Kabanata : Turning into black sheep

1696 Words
There's a lot of things that has happened after the war against Hell and the princes. The childish and arrogant princes became kings of their own place. The 7 deadly sins changed and became more responsible and powerful than their own evil father. Naging masaya ang buhay ng bawat isa at nakahanap na sila ng mga nilalang na makakasama habang buhay. Wala ng nagiging masyadong problema at masasabing tahimik na ang buong realm hanggang sa mangyari ang isang insidente. LILA'S POV "Rage?" Tawag ko sa pangalan ng anak ko habang abala ako sa paghahalo ng mga ingredients upang makagawa ng cake. Meroon akong naririnig ng mga kaluskos sa sala ng bahay, silang dalawa lang naman ni Rife ang nandoon kaya sigurado ako na sila ang gumagawa ng ingay. They're busy organizing the whole living room for their older brother's birthday party. Birthday kasi ngayon ng panganay namin at gusto kong icelebrate ito kahit na ayaw ng dalawa dahil nahihiya raw sila. Finn and Gin are turning 18, wala pa sa legal na edad ngunit ramdam na ramdam na namin ni Wrath na tumatanda na ang dalawa. Huminto ako saglit sa paghahalo ng maramdaman ko ang malalakas na tunog na nanggagaling sa labas ng bahay. Gabing-gabi na at umalis ang asawa ko upang sunduin sa school yun'g dalawa. Anong oras na nga pero hindi pa rin sila dumadating. "Mama?!" Rinig kong sigaw ni Rife. Doon ko na tuluyang binitawan ang wooden spoon na nasa aking mga kamay. Habang tumatakbo papunta sa sala ay pinapahid ko ang puno ng harina kong kamay sa apron na akin'g suot-suot. "Anak?" Natuon ang aking mga mata kay Rage na nakatayo sa nakasarang pinto sunod kay Rife na tahimik ngunit malungkot na naka-upo sa sofa. Ano'ng problema ng mga bata? I was just going to asl what's wrong when I suddenly heard loud noises outside. Isa-isa kong tinignan ang kambal na napatingin din sa labas. Hindi maganda ang kutob ko sa mga susunod na mangyayari kaya inutusan ko na ang dalawa na umakyat at pumunta sa kwarto ni Damari. "Mga anak puntahan niyo muna si Damari sa kwarto niya. Tell him to wrapped the gift na ibibigay niyo kina kuya Finn and Gin." Tahimik na tumango ang dalawang bata at magkahawak ang kamay na lumakad papunta sa hagdan. Hindi ko nilubayan ng tingin ang mga anak ko hanggang sa hindi ko nasisigurong naka-akyat na sila sa taas at nakapasok sa kwarto ni Damari. Napalunok ako ng laway dahil kasabay ng pagsara ng pinto sa kwarto ni Damari ay ang pag-alingawngaw ng malakas na huni ng sasakyan. Kinain ako ng kaba. Kanina'y ang tahimik pa ng bahay na ito tapos bigla na lang naging maingay. Ano na naman ba ang ginagawa ng mag-aama?! Padabog at nagmamadali akong lumapit sa pinto. "What's wrong with that?! Ano'ng mali kung gusto kong malaman ang mga bagay na tungkol sa sarili kong ina?" Galit na sigaw ni Finn. Hindi ko na nabuksan ng tuluyan ang pinto ng marinig ko iyon dahil nanatili na akong tulala at gulat sa akin'g pwesto. "We're not going to talk about this Finn. Get inside the damn house or I will make sure that you're going to spend your whole break with prisoners on the Underworld!" Seryosong at madiin'g wika ni Wrath. Halata sa boses niya na nagtitimpi siya. Kung siguro ay hindi nga niya anak ang kausap ay baka kanina pa nagliliyab ang paligid dahil sa galit at inis. Kahit na hindi ko kasi nakikita ang mukha ng asawa ko ay nararamdaman ko ang nararamdaman niya. He's mad, galit na galit ngunit nagtutimpi lang dahil bata ang kausap niya. "So now you're going to send me to your place habang kayo nagsasaya rito?!" Muling sigaw ni Finn. Meroon'g sarkasmo at iritasyon sa tono ng pananalita niya. Bagay na nagpakirot sa puso ko. "What the hell is your problem?! Ano ba'ng nangyayari sa'yong bata ka?!" Balik ni Wrath. "Your family is my problem Rouzen!" Hindi ko na napigilan ang mapasinghap ng marinig ko ang tinawag na iyon ni Finn sa sarili niyang ama. Ito ang unang beses na ginawa niya ito... Nanlalaki ang mga mata ko at mahigpit kong nahawakan ang door knob ng bahagyang nakasarang pinto. Gusto kong pangaralan ang bata na huwag niyang binabastos ang ama pero ano ba'ng karapatan ko? These past few weeks I noticed that he's being aloof towards me and his siblings. Pwera kay Gin na parating nakikipaglaro sa mga bata, biglang nag-iba ang ugali ni Finn. At nagsimula iyon pagkatapos ng seminar na pinuntahan nila sa Italy kasama si Shawn. "What did you just call me?" Nagbabantang ani ni Wrath. Ramdam ko na ang biglaang pag-init ng temperatura sa paligid kaya bago pa lumala ang lahat at mawalan ng control si Wrath ay umalis na ako sa akin'g pinagtataguan. I let out a deep sigh and face the three men who's having a very serious conversation in front of the house, with neighbors already being their audience. Isa-isa kong tinignan ng masama ang bintana ng bahay na nakapaligid sa amin bago ko mahigpit na hinawakan sa braso si Wrath. "Kung ano man ang pinag-aawayan niyo pwede bang huminahon kayo at sa bahay natin pag-usapan ang lahat ng ito?" Mahinahon kong tanong sa dalawa, especially kay Finn na ngayon ay mabibigat na ang paghinga habang kuyom na kuyom ang mga kamao. Meroon'g pasa sa gilid ng labi ang bata. Parang gawa iyon ng sintok kaya hindi ko maiwasang malungkot at mag-alala. Saan niya nakuha 'yang pasa? Hindi naman siguro si Wrath ang may gawa niyan, right? "Anak Finn ba-" "f**k off b***h!" Namilog ang akin'g mga mata sa gulat habang si Wrath naman ay tuluyan ng naubos ang pasensya. "You f*****g bastard!" Wrath roared. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari, dala ng pagkagulat at sakit na naramdaman ko ay hindi ko na napigilan si Wrath ng sigurin nito ang anak. "f**k!" Malakas na mura ni Gin. Agad itong lumapit sa mag-ama upang paghiwalayin ang dalawa pero dahil sa lakas ni Wrath ay tumurit lang siya. Impit akong napasigaw ng makita ko kung paano suntukin ni Wrath sa mukha si Finn. "Wrath tama na!" Lumapit na ako sa dalawa upang pigilan sila. Sabay namin'g inaawat ni Gin ang mag-ama ngunit sadyang para silang nag-uumpugang bato. Galit na galit at hindi mapakalma. Hindi namin mapipigilan ang dalawang ito. "Wra-Wrath please maririnig tayo nun'g mga bata!" "Oh listen to your b***h Rouzen. Ano nga naman ang iisipin ng mga anak mo kung sakaling makita ka nilang ganiyan?!" Natatawang dagdag ni Finn. Wala na yun'g mahinhin at napakabait na bata na pinalaki namin ni Wrath. Nagbago na siya at kung kausapin niya kaming dalawa ay parang hindi na niya kami mga magulang. Mahigpit kong yinakayap ang asawa ko habang tahimik na umiiyak, ramdam ko ang pagsakit ng aking tagliran ngunit imbes na indahin iyon ay ginamit ko na lang ang akin'g lakas para hindi na makagalaw ang asawa ko. "Don't talk to your mother like that?!" Galit na angil ulit ng lalaki. Malakas na napahalakhak si Fin bago ito napadura sa lupa. Pinaningkitan niya ako ng tingin bago napailing. "She's not my mother. My mother is dead and you killed her." Doon na ako mas napahagulgol dahil naalala ko na naman ang nangyari noon. "What the f**k? Dude ano ba'ng nangyayari sa'yo?" Hindi makapaniwala ta nagtatakang tanong ni Gin. Imbes na sagotin ay Inismiran lang siya ng kapatid niya bago ito inis na tumalikod at nagsimulang lumakad papunta sa nakaparadang kotse. Mukhang aalis ito. Saan pa siya pupunta sa ganitong oras? Delikado na sa daan kaya tinulak ko ang galit na galit na si Wrath papunta sa bahay bago ko nilapitan si Finn. Nakasunod sa likoran ko si Gin na tahimik na sinusuri ang kapatid niya. He's just Finn's Guardian, but because of Wrath and Pride's effort naging normal na nilalang na lang si Gin at hindi na nabubuhay bilang isang guardian. He can be now considered as Finn's twin brother. "Delikado na sa daan. Akin na iyang susi." Puno ng awtoridad kong wika sa bata. Inismiran ako nito. Punong-puno ng pang-iinis at mga tingin na binabato sa akin ng binata pero hindi aki nagpatinag. Nanatiling matigas ang aking mga titig kahit na tumutulo na ang mga luha mula sa akin'g mga mata. "And what if I don't give you these damn keys? Ano'ng gagawin mo?" Mahinang napa-angil si Gin na tahimik na nakatayo sa akin'g tabi. "You damn bra-" "Wrath tumahimik ka!" Baling ko sa asawa kong balak na naman'g sumugod at magsimula. Nagpatinag naman ito agad at marahas na napahilamos sa mukha. Ang mga mata niyang dati'y kulay tsokolate ay unti-unting nagiging kulay pula, senyales na malapit na itong mawalan ng control sa sarili. "Akin na iyang susi Finn Alejandreo o ako mismo ang magpapadala sa'yo sa underworld?!" Madiin at puno ng awtoridad kong sigaw sa bata. Labag ito sa kalooban ko dahil ayokong sinisigawan ang mga anak ko ngunit wala na akong pagpipilian. Mas gugustuhin ko pang mas sumama ang tingin niya sa akin kesa sa mapahamak pa siya. Matapos ang ilan'g segundong masamang pagtitig niya sa akin ay tinapon sa akin ni Finn ang susi. Hindi ko ito nasapo at tumama iyo sa akin'g dibdib. "Sumosobra ka na Finn!" Galit na galit na sigaw ni Gin, balak pa niyang sugurin ang kakambal ngunit hinawakan ko na agad siya sa braso. Ganoon din si Wrath na malalaki ang hakbang na lumapit sa amin at balak na sanang batukan ang anak niya. "Magsama-sama kayo." Galit na ani ng binata bago ito tumalikod at mabibigat ang yabag na lumakad papasok sa loob ng bahay. Nang marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto ay doon lang naubos ang lahat ng lakas na akin'g ginamit. My knees turned jelly and my gut began to feel uncomfortable. Sumasakit na ang akin'g tagliran ngunit kahit ano'ng mangyayari ay hindi ko pa rin binitawan ang kamay ng mag-ama ko. Ang hirap pag puro lalaki ang kasama sa bahay, lalo na kung mainitin ang mga ulo nila. "I didn't know what's happening to that kid." Nagngangalit na ani ni Wrath. Ako rin. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa anak namin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD