Chapter 5
- Lucas' POV -
Pagkatapos naming maligo ni Genny ay nagluto sya ng agahan namin bago kami sabay pumasok. Ihinatid ko muna sya sa trabaho nya bago ako dumiretso sa trabaho ko. Pagdating ko doon ay may meeting agad kami.
Lumipas ang ilang oras ay parang pagod na pagod ako. Siguro ay dahil may hangover pa ako at puyat pa ako dahil sa nangyari sa amin magdamag ni Genny. Come to think about it, bigla kong naalala ang kakulitan nya kagabi.
Masyadong magalaw ang mga kamay nya at halatang wala ding experience. Akala nya siguro ay experto na ako sa bagay na iyon pero hindi pa. Hindi ko nga din alam kung bakit ko nagawa ang mga bagay na iyon kagabi.
Lumipas pa ang ilang oras ay kailangan ko nang umuwi. Pagkauwi ko ay agad akong napamura dahil nasa bahay na si Genny at natutulog. Napakaiksi ng suot nitong damit at halos makita ko na din ang hiwa ng gitna nya.
Mabilis at nakakagulat dahil walang ingay akong naghubad ng damit ko at dali-daling pinatungan ang asawa ko. Agad akong kumilis at hinubad ang mga damit nya. Maya-maya pa ay gumalaw ito at gulat na napatingin sa akin.
"Lucas?!" Pasigaw nitong tanong.
"Ano?!" Pasigaw ko ding sabi.
"May mens ako!" Sigaw nya at tumayo saka kinuha ang mga damit nya bago pumunta ng banyo. Ako naman ay napatingin nalang sa ibabang parte ng katawan ko.
'Paano nga ulit mawawala ang menstruation?'
Lumabas na si Genny ng buo na ang suot nya at tinignan ako ng masama. Ako naman ay napaiwas nalang ng tingin. Lumabas sya ng kwarto namin at malakas na ibinagsak at isinara ang pinto. Ako naman ay napabuntong-hininga nalang at nagbihis nalang ng pambahay.
Bumaba na din ako at naabutan ko si Genny na nasa kusina at kumakain ng ice cream. Napangiwi ako dahil kakasabi nya lang sa akin kanina na may mens sya tapos ngayon ay ang sarap ng kain nya ng ice cream?
"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Inis nitong tanong.
"Wala." Agad kong sabi at pumunta sa tabi nya para kumain din ng ice cream. Kumuha ako ng kutsara na malapit sa amin at kumuha ng isang sandok.
"Anong ginagawa mo?" Tanong nya sa akin. Ako naman ay nagtakang tumingin sa kanya.
"Kakain din ako ng ice cream." Sabi ko at isinubo ang ice cream. Sinamaan nya nanaman ako ng tingin bago sumubo ulit ng ice cream na kinakain nya.
"Anong dinner natin ngayon?" Tanong ko. Napanguso naman sya.
"Ikaw nalang magluto. Tinatamad ako." Sabi nya tapos sumubo ulit ng ice cream. Gulat naman akong napalingon sa kanya.
"Seryoso ka ba?" Gulat kong tanong. Mataray nya naman akong tinignan.
"Wag mong sabihing hindi ka marunong magluto?" Mataray nitong tanong habang nakataas pa ang isang kilay. Napalunok naman ako at nag-iwas nalang ng tingin sa kanya.
________________________________
Nakangiwi ako ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang niluto ko. Tinitikman ny ang niluto ko habang nakasimangot. Binitawan nya ang kutsara at napanguso. Sinamaan nanaman nya ako ng tingin at tumingin sa luto ko.
"To be honest, mas masarap kang magluto sa akin. Kaso lang, it look disgusting." Sabi nya. Napatango-tango nalang ako at di nalang nagsalita. Alam ko naman kasi na ganon talaga ang luto ko. Kaya nga ayokong nagluluto, ehh.
Sya naman ang nagluto at kumain na kami ng hapunan. Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming umakyat sa kwarto. Pumasok sya sa walk-in-closet namin at paglabas nya ay may dala na syang mga damit.
"Maliligo ka na?" Tanong ko. Tumingin-tingin ito sa paligid na parang naghahanap ng sagot bago tumango. "Bilisan mo." Sabi ko pa at humiga muna sa kama at nanood ng tv.
________________________________
- Genny's POV -
Pagkatapos ko maligo ay agad akong lumabas at napangiwi. Ang taong nagsabing bilisan ko ang pagligo ko ay masarap nang natutulog sa kama ngayon. Nakabukas pa ang tv at muhkang nakatulugan nya ito. Akmang papatayin ko na ito ng mapatigil ako dahil sa balitang nandoon.
'Balitang-balita ngayon ang pag-iisang dibdib nila Lucas Sai at Grnny Furi. Masyado daw private ang naturang kasal kaya walang naka-attend. Kayo, anong say nyo about sa kanila?'
Napabuntong-hininga ako at tuluyan nang pinatay ang tv. Ilang linggo palang kaming kasal ni Lucas pero parang matagal na kaming mag-asawa kung mag-away kaming dalawa. Inaamin ko na kahit ganon kaming dalawa ay nag-eenjoy na ako kasama sya.
Nahiga na ako sa tabi nya at hinayaan nalang akong dapuan ng antok. Aaminin kong nagulat nya ako kanina ng pagmulat ng mga mata ko ay nakahubad nanaman kaming dalawa. Pero, mabuti nalang at meron ako ngayong araw. Natakasan ko sya.
________________________________
Kinabukasan ay maaga akong nagising at agad akong nagluto ng agahan. Isinama ko na din ang lunch ni Lucas dahil wala naman akong pasok ngayong araw. Maya-maya pa ay bumaba na si Lucas at nakabihis na sya ng maayos.
"Bakit parang ang dami mo namang niluto?" Tanong nya.
"Yung iba, ibabalot ko, para sa lunch mo. Wala kasi akong pasok ngayon. Mag-di-disinfect kasi ngayon ang mga tao namin kaya wala kaming pasok ngayon." Mahabang paliwanag ko. Umupo na ako at nagsimula nang kumain. Ganon na din ang ginawa nya.
Maya-maya pa ay natapos na kami at kailangan na nyang pumasok. Ibinalot ko na lahat ng mga pagkaing pwede kong ipabaon sa kanya at ibinigay sa kanya. Tinignan nya ang loob at ibinalik sa akin. Taka naman akong napatingin sa kanya.
"Ano?" Mataray kong tanong.
"Dagdagan mo yan, pupumnta ako ng dynasty ngayon. Isasama kita." Sabi nya.
________________________________
Hindi ko alam kung bakit ako sumama dito. Alam ko namang boring dito dahil may gagawin lang silang trabaho pero bakit nga ba kasi ako sumama? Maya-maya pa ay pumasok na kami sa mismong hall at nagulat ako ng makitang ang daming tao.
"Anong meron?" Tanong ko.
"Party sa pagbubuntis ni Kristine." Napangiwi naman ako. Kailangan talaga may pa-party pa para sa pagbubuntis nya?
Maya-maya pa ay nilapitan na ako nila Gemmy at dinala ako sa kung saan. Kami nalang pala ang huli samantalang alas-syete palang ng umaga. Doon nila ipinaliwanag sa akin ang sitwasyon at dahilan kung bakit nagdiriwang sila ngayon.
Nakisaya nalang din ako dahil magandang balita nga ito. Maya-maya lang ay lasing na ang mga lalaki kahit hindi pa man din nagtatanghalian. And, guess what? Lasing na din ang asawa ko. Nang akalain kong mas matino pa si Lucas sa mga kaibigan nya ay nagkamali ako.
Lupampit na ako sa gawin nila at nagkakantahan na sila at nagsisigawan at tatawanan at may iba pang hindi ko na maipaliwanag ang iba pang ginagawa ng mga kaibigan nya. Si Lucas ang namumuni ng ingay at para syang lasingero sa kanto na naghahanap ng away.
"Hoy, Lucas! Tama na yan! Tumigil ka na!" Sigaw ko at kinuha sa kanya ang hawak nyang can ng beer.
"Ayoko. Gusto ko pang uminom!" Sabi nya habang binabawi sa akin ang can. Sinamaan ko sya ng tingin at pinanlakihan ng mata.
"Tama na." Madiin kong sabi. Ngumuso nalang sya at di na ulit nagsalita. Inilapag ko na ang beer na hawak ko at tinangay na sya papunta sa kwarto nya sa itaas. Pagdating namin doon ay agad ko suang ihiniga at lalabas na sana ako ng kwarto ng bigla nya akong hilahin pahiga.
- To Be Continued -
(Sat, November 13, 2021)