Chapter 12
- Lucas' POV -
Nakatulala lang ako habang nag-iisip at nag-aalala para sa kaligtasan ng mag-ina ko. Hindi ko alam pero parang napaka kabado ko at parang hindi na din ako makahinga. Kailangan na namin silang mahanap dahil baka makunan sya.
Lumipas pa ang ilang minuto ay hindi parin namin sila nahahanap. Kanina pa sila nawawala kaya paniguradong hindi na talaga sila madaling hanapin. Maya-maya pa ay nahanap na daw nila ang asawa ko kaya agad kaming umalis ng bahay.
Maya-maya pa ay dumating kami sa ospital at naroon na ang asawa ko, duguan. Agad akong lumapit sa kanya at akmang yayakapin sya ng biglang pigilan ako ng mga kaibigan ko. Nagpumiglas ako pero walang talab sa kanila.
"Genny! Genny!" Sigaw ko, nagbabakasakaling magising ko sya. Nagsisimula na din akong maiyak. "Genny!" Sigaw ko pa ulit. Nagsimula na din nila akong pakalmahin at pati mga taong nasa paligid namin ay natataranta na din.
Nang kumalma na ako ay agad nila akong binitawan kaya nakapunta na ako sa tabi ng asawa ko. Akmang hahawakan ko ang tyan nya ng bigla akong hilahin ng mga kaibigan ko at sabihan ng nurse.
"Sir, bawal po kayo dito." Sabi nito. Agad nalang akong sumunod at hinayaan na sila sa trabaho nila. Makalipas ang ilang oras ay natapos na sila at inilipat na ng kwarto ang asawa ko.
Makalipas ang ilang minuto ay umuwi na ang mga kaibigan ko habang ako naman ay parang wala parin sa sarili ko. Hindi ko parin process ang lahat ng nangyari. Napatingin ako sa tabi kwarto ng asawa ko at maya-maya pa ay biglang lumapit ang doktor ng asawa ko.
"Doc." Agad akong napatayo ng pumasok sya.
"Mr. Sai, I'm so sorry to tell you but..." Nag-aalangang sabi ng doktor. "Nakunan ang asawa mo. Kailangan pa nyang mag-stay dito dahil kailangan pa namain syang i-examine. Kailangan pa din mo natin syang hintaying magising." Sabi nito at pilit na ngumiti. "Condolence." Sabi nito at tinapik ang balikat ko bago lumabas ng kwarto.
Ako naman ay biglang nanghina ang mga tuhod at agad akong napaiyak dahil sa paghihinagpis. Napahawak ako harang na nasa harap ko habang ang asawa ko ay mahimbing parin ang pagkakatulog.
- Genny's POV -
Nanghihina parin ako ngayon habang nakaupo ako sa gilid ng kama namin. Maya-maya pa ay may parang taong nakatayo sa teresa namin at ng tignan ko ito ay biglang nabasag ang salamin na sliding door at tinambangan nya ako.
Kahit nanghihina pa, pilit akong lumaban para sa anak ko. Pero dahil nanghihina pa ako ay wala akong nakuhang lakas at dahil sa nakakahilong amoy na meron ang panyo nya ay nawalan ako ng malay at di na nakalaban.
________________________________
Nang magising ako ay nasa isang lugar ako na hindi pamilyar. Napahawak ako sa tyan ko at nakahinga ng maluwag dahil nandoon pa naman ang anak ko. Akmang tatayo sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang lalaki.
"Sino ka?" Agad kong tanong. "Bakit mo ako kinidnap?" Dagdag ko. "May kasalanan ba ako sayo?"
"Oo." Mabilis na sagot nito. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. "Kung hindi ka sana nagpakasal sa lalaking yon, sana masaya na tayong dalawa ngayon." Parang baliw nitong sabi.
"Bitawan mo ako." Sabi ko na agad din naman nyang sinunod.
"Gusto mo bang kumain? Nagugutom ka ba?" Tanong nya sa akin na parang asawa ko sya.
"Wala kang pakialam." Mataray kong sabi. Ngumiti lang ito at lumabas na ng kwarto. Ako naman ay tumayo para lumabas pero bago pa man ako makalabas ay may humampas na matigas na bagay sa ulo ko.
________________________________
- Lucas' POV -
Nandito parin ako at ilang araw nang wala akong pasok at wala pang kain. Hindi parin nagigising ang asawa ko at marami paring nakakabit na tubo sa katawan nya at mahimbing parin ang pagkakatulog. Biglang gumalaw ang isang darili nya.
"G-Genny." Nagagalak kong sigaw. "G-Genny! Doc! Doc! Doc! Gumalaw na ang asawa ko!" Sigaw ko pa. Agad din naman silang dumating at tinignan ang lagay ng asawa ko.
"It's so nice to see na ok na ang katawan nya. Siguro after few days, magigising na din sya. Please, excuse us." Nakangiting sabi at paalam ng doctor ng asawa ko. Nakangiti at masaya naman akong tumango.
Pinanood ko muna ang pag-alis nila bago ko ibalik sa asawa ko ang tingin ko. Masayang-masaya talaga ako ngayong gising na sya at hindi na din ako makapaghintay mayakap syang muli.
Agad ko namang pinaalam sa pamilya namin ang nangyaring pag-recover ni Genny. Nang marinig ang magandang balita ay agad silang pumunta dito sa ospital. Nang marinig din ng mga kaibigan namin ang balita ay agad silang pumunta.
Agad silang nangamusta at nag-iyakan pa sila ng malamang nakunan si Genny. Ayon tuloy, imbis na ok na ako, naiyak nanaman tuloy ako dahil sa pagkawala ng anak namin ni Genny. Palagi din ang pagbisita ng mga pulis at muhkang naghihintay din sa pagbalik ng kamalayan nya.
Nandito ako ngayon sa kwarto ng asawa ko at nagbabantay parin sa asawa ko. Nailipat na kasi sya sa private room. Palagi din namang pumupunta ang mga kaibigan namin kaya hindi naman ako masyadong nababagot dito sa ospital.
Tahimik ko lang syang pinagmamasdan at inaayos ang kumot na nasa katawan nya. Napabuntong-hininga nanaman ako sa lungkot at hinalikan sya sa noo. Akmang babalik na ako sa ginagawa ko ng bigla kong mapansin na gising na sya.
"D-Doc! Doc! Doc! Gising na ang asawa ko!" Sigaw ko. Agad naman silang dumating at tinignan ang asawa ko.
"Nasaan ako?" Tanong nya.
"Nandito ka sa ospital, Genny." Ako na ang sumagot.
"Genny?" Kunot-noo nyang tanong. "Sino si Genny?" Tanong pa nya. Napatingin naman ako sa doctor nya.
"Kilala mo ba ako?" Tanong ko pa.
"Hindi..." Mahina nyang sagot habang nakatingin sa akin. "S-Sino ka ba?" Nagtataka nyang sabi.
"Genny, hindi maganda ang biro mo." Sabi ko dahil hindi na ako natutuwa sa biro nya.
"Sino ba si Genny? Bakit kanina mo pa sya hinahanap?" Tanong nanaman nya. Napahawak na ako sa noo ko. Muli syang tinignan ng doctor bago ako lumabas at hinintay sila.
"Mr. Sai." Tawag sa akin ng doctor. Agad akong lumapit sa kanya at tinanong sya.
"Doc, ano bang nangyari sa asawa ko? May amnesia ba sya?" Tanong ko.
"Muhkang ganon na nga ang nangyari. Wag kang mag-alala, Mr. Sai. Gagaling din ang asawa mo at magiging maayos din sya." Sabi nito at tinapik ang balikat ko bago nagpaalam umalis. Ako naman ay bumalik nalang sa loob ng kwarto.
Pagpasok ko sa kwarto ay nakahiga parin sya habang nakatingin lang sa puting kisame ng kwarto nya. Tahimik akong lumapit sa kanya at naupo sa tabi ng kama nya. Binigyan nya ako ng tingin saka ako ngumiti sa kanya.
"Ok ka na?" Tanong ko.
"Sino ka ba? Sino ba ako? Sino ba si Genny?" Sunod-sunod nyang tanong. Mahina ko naman syang tinawanan.
"Ako si Lucas. Ako ang asawa mo." Nakangiti kong sabi.
"Asawa? May asaw na ako?" Tanong nya habang nakaturo pa sa sarili nya.
"Oo nga." Natatawang sabi ko.
"Hindi nga?" Tanong nya pa.
"Ayaw mo ba?" Tanong ko pa.
"Hindi naman." Sabi nya at nag-iwas ng tingin.
"Ayon naman pala, ehh." Sabi ko at lumapit sa kanya para halikan sya sa noo. "Ahh, sandali lang." Sabi ko. Naalala ko kasing hindi ko pa sinasabi sa pamilya naming nagising na si Genny.
Kagaya ng inaasahan, masayang-masaya talaga sila sa inihatid kong balita. Nagsabi din silang pupunta agad sila sa abot ng makakaya nila. Nang matapos ang pakikiusap ko sa kanila ay agad kong ibinalik ang atensyon ko sa asawa ko.
"Nagugutom ka ba?" Tanong ko.
"Hindi." Maikli nyang sagot tapos tumitig ulit sa akin.
"Bakit mo ba ako tinititigan?" Tanong ko.
"Hindi ko alam. Kahit ano kasing isip ko, hindi talaga kita makilala." Sabi nya habang nakikitaan ng lungkot sa mga mata.
"Wag mo munang pilitin. Hindi lang magtatagal, magiging maayos din ang lahat. Baka makasama pa sayo ang pagpilit mo." Sabi ko at pinahiga na sya. "Magpahinga ka nalang." Sabi ko pa at hinalikan ulit sya sa noo bago sya nginitian. Sya naman ay tumitig lang sa akin ng ilang minuto bago tuluyang nakatulog.
- To Be Continued -
(Thu, December 2, 2021)