Marga point of view,
Anak sigurado ka nabang babalik kana sa manila para makapag trabaho?"tanong ni inay habang nag aayos ako ng damit ko sa malaki kong bag
Tumingin ako sandali sakanya at ibinalik ang tuon sa pagtitiklop ng mga damit
Opo nay. Kailangan alam nyo naman ang kalagayan ni nathan diba?kelangan ko po ng malaking sahod para sa mga gamot nya"sabi ko,
Ang anak ko, Anak namin ni rod. Nagdesisyon akong buhayin ang anak ko at mag isang palakihin. Matagal na panahon kaming nanatili sa probinsya para maibigay ang pangangailangan ng anak ko, pero nadiagnose si nathan na may sakit sa puso ng tatlong taon palang ito, kaya sa batang edad ay naranasan na nitong tumira sa hospital ng ilan buwan. Halos lahat ng trabaho ay pinasok kona matustusan lang ang bill ng hospital
At ngayon limang taon na ang nakakaraan, tinapat nako ng doctor. Na hindi na tumatalab ang gamot na tinatake ni nathan dahil kailangan na nitong maoperahan
Pero saan ako kukuha ng malaking pera kung dito ako sa probinsya nagtatrabaho?mababa ang ratings ng sahod dito hindi gaya sa manila, pansamantala ko munang iiwan si nathan kay inay dahil hindi ko rin naman sya maalagaan don dahil balak kong magtrabaho at mag ipon ng pang paopera ng anak ko
P-pano kung magkita kayo ni rod baka kung anong gawin nya sayo anak"nag aalalang sabi ni inay kaya napahinga ako ng malalim
Kesa naman ho mag antay ako ng himala dito inay, kelangan kong sumugal para kay nathan"sagot ko kahit na natatakot parin ako sa maari nyang gawin sakin pero eto nalang ang nakikita kong choice mas ayokong mawala ang anak ko sakin
Maaga pa kaya tulog pa ang limang taong gulang kong anak nasi nathan, kahit na parang basahan ang suot nito at butas butas ay muka parin itong mayaman dahil sa sobrang puti ng balat nito na mamumula mula, pati ang mga labi nito ay kulay pink habang may matabang mga pisnge at brown na mga mata at mahahabang pilit mata at itim na itim na mga buhok na kumikintab dahil sa lambot, para itong child star na napadpad sa probinsya dahil sa gwapo nito. Minsan nga kapag isasama ko si nathan sa mall o palengke ay madalas itong pagkaguluhan may mga nagsasabi pa na mukang ampon kulang ito. May nag ooffer din sakin na isali si nathan sa commercial o kunin itong childstar pero tumanggi ako, hindi ko hahayaan na makita ni rod ang anak namin
Hinalikan ko sya sa nuo
Nay kayo ng bahala kay nathan, wag nyo syang hahayaang maglaro sa initan o magpagod. Tumawag din kayo sakin kapag kelangan nyo ng pera o mga gamot ni nathan"bilin ko
Tumango si inay
Mag ingat ka don, tumawag ka sakin kapag hindi kana busy dahil paniguradong hahanapin ka ng anak mo"inay
Opo ma, pano aalis naho ako"paalam ko at binitbit ang bag na dadalin ko, pinahid ko ang luhang mabilis na tumakas sa mga mata ko
Mahirap para sakin na iwan si nathan para magtrabaho pero mas mahirap sakin na makita sya sa kalagayan nya dahil sa sakit nya, mas masakit sakin un. Kung pwedi ko lang syang isama sa manila para araw araw kaming magkita ay ginawa kona pero makikituloy lang kasi ako sa kaibigan kong si annie. Wala naman mag aalaga sakanya don dahil may trabaho din ang kaibigan ko. Mas malaki naman ang babayaran kapag nagrenta pako ng bahay para saamin nina inay
Sumakay nako ng tricycle at tinanaw ang bahay papalayo,
Manong sa buss terminal"sabi ko kaya dinala ako nito sa bus station, sumakay ako sa bus pa maynila
Kayanin mo marga para sa anak mo kailangan mong kayanin
Naging mahaba ang biyahe, nangawit ako sa pag upo dahil limang oras ang naging biyahe bago ako nakarating sa manila, agad akong dumiretso sa tinutuluyang maliit na bahay ni annie sa manila para makituloy
May lalaking nakaupo sa teris ng bahay habang naninigarilyo at tutok sa cellphone, wala ata akong nabalitaan na nag asawa na si annie?
Napatingin sya sa direksyon ko kaya ko nakilala ang lalaking nasa teris
Margarita ?!"gulat nyang tawag sa pangalan ko, si paul lang pala, ung kuya ni annie. Tumakbo ito sa tapat ng gate at pinagbuksan ako
Mabutit naligaw ka dito"nakangiti nyang sabi
Oo kailangan e. Anjan ba si annie?"tanong ko kaya nilakihan nya ang bukas ng gate para makapasok ako
Nasa kusina si aneng. Pasok ka"sabi nya at sabay kaming pumasok ng bahay
Hoy aneng aneng may maganda kang bisita!"tawag nya sa kapatid, kaya naramdaman ko ang yabag ng paa ni annie palabas
Ohh marga andito ka napala!"niyakap nya ko ng magkita kami
Hoy dun ka sa kusina kuya at haharapin kolang to si marga"utos nya sa kapatid kaya napakamot ng ulo si paul at nagpunta sa kusina
Kamusta na?si nathan"annie
Iniwan ko kay inay, dahil wala rin naman magbabantay sakanya dito"sabi ko.pero ngumisi sya
Bat di mo pa isinama?anjan si kuya paul kahit bakulaw ang isang yan mahilig yan sa bata angkaso lang antanda tanda na dipa nag aasawa"natatawang sabi ni annie
Nakakahiya naman kung mkikitira nanga lang ako ay magdadala pako"umiling sya at hinawakan ang kamay ko
Walang problema un sakin baka nga favor pa si kuya paul alam mo naman na crush ka non!"annie kaya pilit akong natawa
Baka naman may alam kang mapapasukan kong company?"tanong ko kaya napaisip sya
Tamang tama! Naghahanap ng secretary ang Davidson company mabait un si sr.lorenz!"annie
Lorenz?ahh baka magkapareho lang ng pangalan
Sige sasabay ako sayo bukas"nakangiti kong sana
Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni annie dahil mahirap na tanghaliin dahil traffic magcocommute lang din kami
Mag almusal ka muna marga"paul habang nakaapron
Hindi na nagmamadali kasi kami ni annie"sagot ko at inayos ang pencil skirt na suot ko
Ako kuya paul hindi mo ba aayain?"tanong ni annie
Sino ka kilala ba kita?"paul na ikinatawa ko, sumimangot si annie sa sinabi ng kapatid
Nakuuuuuu kapag kay marga ambait pag sakin dem*nyo"annie
H-hoy tumigil ka jan annie baka ipalunok ko itong sandok sa malaki mong bunganga"paul
Tara na nga marga baka maabutan tayo ng trafic"annie, at hinawakan ako sa kamay
Sumakay kami ng jeep at bus, agad din kaming nakarating dahil mabilis ang biyahe dahil maaga pa ng umalis kami
Mataas ang company nayun at maganda,
Beng nanjan naba si sr.lorenz?"tanong ni annie sa katrabaho
Ay nako nanjan si sr.monteverde sa itaas alam mo naman ang sama ng ugali nun mamaya ka nalang sumabay!"bulalas ng katrabaho ni annie
Mamaya nalang marga upo ka muna jan"annie, kaya naupo muna ako sa tabi habang inaantay na umalis ang bisita ng CEO daw nila
Pababa nasi sr.sunget !"sabi ng mga empleyadang dumadaan sa harapan ko
Sayang ampogi pogi sana nuon kaya lang snoberong masungit!"dagdag pa nito
Nakaramdam ako na parang tinatawag ako ng kalikasan, kaya tumayo ako at nagpunta sa rest room
Madali kong nahanap ang restroom at nakapagbawas, lumabas nako at nakita ko si annie na aligaga na parang may hinahanap
Uuyy marga anjan kalang pala! Tara na nakababa nasi mr.sunget!"annie kaya nagpatianod nalang ako ng hatakin nya ko sa kamay
Okay lang ba ang suot ko?"tanong ko kay annie ng sumakay kami ng elevator
Oo angganda monga e!"annie, bumukas ang elavator at muli nya kong hinila sa kamay
Nakatapat kami sa glass door na sa tingin ko ay office
Pumasok ka jan tas kakanan ka may pinto dun pasok ka andon si sr.lorenz nakooo ampogi pogi nun malay mo magustuhan ka!"annie kaya napailing iling ako at naglakad nalang
Hinanap ko ang pinto
Ng mahanap ko ay kinatok ko iyon,
Come in"baritonong boses nito na pamilyar sakin, pinihit ko ang pinto at dahan dahang pumasok
Nakayuko akong pumasok ng office nya,
Sensya na huh magulo pa ang office ko"sabi nito kaya nag angat ako ng tingin
Marga?!"parehas kaming gulat ng makita namin ang isat isa
L-lorenz"sambit ko, tumayo sya at niyakap ako na ikinagulat ko
Heeeyyy kamusta kana kagagaling lang ni rodjie dito kanina nina lang"lorenze
A-ano?"tanong ko, marahil di nya alam ang nangyari samin ni rod kaya ganto sya umakto
Hinawakan ko sya sa kamay at nagsusumamong tumingin
Pls lorenz w-wag mong sasabihin na nandito ako sa manila huh?"pakiusap ko na ikinataka nya
Sige"sagot nya kaya para akong nabunutan ng tinik sa dibdib
An//;❤️