Happy birthday Dahlia!"
Kinuha ko yong cake na maliit sa tabi ko at isang bilaong pansit na binili ko sa palengke at iniligay sa harap niya.Dinala ko siya sa park kahit dapit hapon na.
Ngumiti siya sa akin ng pagkatamis tamis.Alam kong maghapon niya akong hinintay sa labas ng tindahan ni aling Sussy.Medyo inabot ako ng hapon dahil hinintay ko pa si boss para maka bale .
Ilang langis pa ang nasa kamay ko at nagmamadali kong pinunasan iyon.Hindi na ako nakaligo sa sobrang pagmamadali dahil medyo malayo ang talyer.Ayokong magtampo siya sa akin.
Binilhan ko siya ng simpling bistida at iyon ang pinasuot sa kanya.
"Salamat po tay"
Ginulo ko yong buhok niya at nginitian.Nilagyan ko ng kandila yong cake at sinindihan iyon.
"Hipan mo na"
Napapalakpak siya sa harap ko at tsaka hinipan yong kandila.Ilang segundo din siyag pumikit na tila humiling sa langit.
"Anong wish mo?"
"Wish ko bigyan ka pa ni god ng lakas na alagaan ako at na hindi mo ako iiwan"
Hinalikan ko siya sa noo .
"Sinong may sabing iiwan kita uhmm?"
Ngumiti siya ng malungkot.
"Sabi po kasi ng kaklase ko ampon lang ako"
Ginawaran ko siya ng halik sa ulo,sa pisngi,sa noo.
"Hinding hindi kita iiwan Dahlia.Kahit anong mangyari"
Itinaas ko yong kamay kong may ilang bahid pa ng langis at nangako sa harap niya.
Umingos siya at nagsimula ng magtubig yong mga mata niya.
"Oh dipa nga tayo kumakain iiyak ka na"
Nag iwas siya ng tingin sa akin at nagpunas ng luha.Minsan iniisip ko kung bata pa ba siya.
Kinuha ko yong paper plate sa bag ko at sinandukan siya ng cake na paborito niya.
"Pasensya ka na ito lang yong nabili ko sa yo ah.Yaan mo sa susunod,mas malaki na ito at galing na sa kilalang tindahan."
Inabot ko sa kanya yong plato pero ibinaba ko rin iyon ng makitang umiiyak na siya habang pinagmamasdan ako.Nag alalang kinarga ko siya at agad naman siyang yumakap sa leeg ko.
"Salamat po tatay Luci.Alam ko pagod ka para lang makabili ka ng handa ko"
Natawa ako sa limang taon na bata na karga ko.
"Puwede bang huwag mo ng isipin iyon,kulang pa nga yan eh"
"Pero ni hindi ka na nga makabili ng damit kasi lagi mo akong inuuna"
"Ang bata mo pa ,dami mo ng iniisip.Hala kumain na tayo ng dika mahamugan"
Mas sumiksik siya sa akin.Umupo ako at kinandong ko siya at sinubuan ng dala kong pagkain.
Wala siyang tigil sa pagkuwekuwento ng nangyari sa school at sa tindahan ni Aling Sussy habang hinihintay ako eh kanina lang umiiyak siya.Kontento akong nakikinig at pinagmamasdan siya habang nagsasalita.
Mahal na mahal kita Dahlia.
---------
I woke and my dreams fades.I woke up crying like I do most morning.Napahilamos ako sa mukha.
"You're awake"
Dahan dahan akong bumangon at nagbihis.
Nakatulala lang si Zeirra sa akin.Malungkot na nakatitig.
"Should I cook you breakfast?"
Tipid akong ngumiti at tumayo na para maligo.Sumakit yong ulo ko.After the chaos in the cruise ship my head is rattling like an earthquake every time I wake.Lumabas ako sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya at nagulat ako ng makitang nandoon parin si Zeirra.
Pinagmasdan niya yong katawan ko at namumula ang pisnging napatitig sa akin.
"You're still here?"
"I miss you Lucifer"
Mabilis na sabi ng babae at nag iwas ng tingin.
Huminga ako ng malalim at kumilos na para magbihis.Kumuha ako ng cargo shorts at t shirt sa tokador.I know I'm an asshole for hurting women around me.I'm an asshole for hurting Dahlia.For hurting Zeirra.
Im fully dress when I face her again.I tried to smile.
"Lucifer..."
She's beautiful.But I didn't find anyone so appealing anymore after her.I cancelled the wedding and I'm planning to break up with her.Hindi ko lang makita yong tamang pagkakataon.She was hurt enough after all the intermission that happened in our engagement party.
"Zeirra..."
She started crying and I felt a pang of guilt within me.I know I'm hurting her.The woman who just want the best in me.Now I'm willing to throw away a 2 year relationship for another woman I am not even sure .A woman who's just a product of my dream.
"Zeirra I'm sorry"
Pakiramdam ko wala akong kuwenta.Halos lahat ng tao nasasaktan sa paligid ko.
"Please give us a chance"
She's crying in front me.Im hurting too.I love her to such extent and she knew I hate seeing her cry.
"Please Lucifer.."
She hug me.Sumubsob siya sa dibdib ko.
"Gusto mo ng anak diba?Ibibigay ko sayo.We're almost there hon.Let's continue all our plans."
I can feel my heart constricting.
"Zeirra ..I found her"
Mas humigpit yong yakap niya sa akin at mas lalo siyang naiyak.
"Paano naman ako?I was the one who was there when you need someone the most!Inalaagan kita, sinuportahan.Ngayon ,ikaw naman ang kailangan ko.Please ,huwag mo akong iwan.”
Bahagya ko siyang inilayo at pinakatitigan.Pinahid ko yong mga luha niya at marahang hinawi yong buhok niya.
“You know what I’ve been through.Im so sorry.I’m sorry that I need to do this.I’ve been looking for her all my life”
Ngayon ako naman yong naiyak.Alam kong kailangang kong pumili.
Tumigil siya sa pag iyak at walang lakas na napasalampak nalang sa sahig.
“You know it’s dangerous”
“I’m willing to take the the risk”
“It might trigger your brain and it will cost you your life.You cannot remember her!"
“I don't care anymore Zeirra”
“With me you can have a life.You know it’s very complicated.Monasterio is protecting her for some reason and she might be a part of their organization.And they are enemy.Sinisira mo lang yong buhay mo”
I can feel my head pulsating.
Lumapit siya sa akin at muli akong niyakap.I can feel his soft hand caressing my back.I can feel her kissing my shoulders.
“Lucifer...Im just worried.I will always
be here.Pero Sana maawa ka naman sa sarili mo.Isa pa hindi ka pa nga sigurado kung siya talaga yong hinahanap mo.”
Muli ko siyang tinitigan.
“Gusto kong malaman kung anong nangyari at kung bakit kami naghiwalay.Gusto kong malaman ang lahat..If only I can remember..I shouldn't had hurt her”
“I know it will going to happen!”
Galit na galit na si Zeirra.Tumatahip yong dibdib nito sa inis.
"Meron kang sakit and she's a trigger!Kaya nga hindi kami nagsabi sayo ng totoo!Kaya nga tinago namin sayo and here you are!"
Muling lumukob yong pamilyar na galit ko sa kanya sa kuya ko at sa lahat.Alam kong nag aalala lang sila,pero dapat sinabi nila ang totoo.Sana hindi ko siya nasaktan ng sobra.
Naglakad na ako para umalis.I don't care anymore.Kailangan ko siyang makita.Kung kailangan ko siyang ipakidnap para mapunta siya sa akin gagawim ko.Consequences be damned.
Where do you think you're going?!Lucifer!f**k it!come back here!
Hindi ko siya pinakinggan at tuloy tuloy na lumabas.