Dinampot ko ulit yong buko at natatarantang binitbit iyon.Pasulyap sulyap ako sa tasang hawak niya.Napabuga ako ng marahas na hininga. "H-hindi healthy ang k-kape" Nauna na siya sa lamesa at sumunod ako.Umupo siya sa dulo at inayos ko muna yong mga dala bago umupo sa gilid niya.Nakahanda na ang pagkain pero hindi prin siya tapos magkape. "B-binasa mo ba yong...kape..uhmm bago mo ininom?" Hindi ako makatingin sa kanya.Pinagsandok ko siya ng pagkain sa plato. "Herbal.Puwede daw sa preg..." "Sa?" "Puwede na sa a-akin" Pinagmasdan ko ang mukha at katawan niya tsaka bumalik yong mata ko sa tasa.Mukha naman siyang normal.Baka nagbibiro lang si Dhoz. Tinaasan niya ako ng kilay ng mapansing inoobserbahan ko siya. Pinilit kong ngumiti. "Kain ka na mahal ko" "Bilihin lang ang mahal Luc

