Nagising akong masakit ang ulo.Halo halo ang panaginip ko at ang iba nauwi sa bangungot.Dahan dahan akong umupo at napahawak sa buhok.Pilit inaalala ang huling nangyari bago ako nakatulog.
"Gising ka na"
Maligasgas ang boses niya.Tila kanina pa siya naghihintay na magising ako.
Maayos na ang sahig at nakaligpit na ang ilang gamot na nakakalat doon.
I remember I fainted.Nawalan parin ako ng malay kahit anong pigil ko.
Napatingin ako sa labas at madilim na.Shit.Ilang oras akong nakatulog?I faced her.
"Kumain ka na ba?Pasensya ka na sandali at ipagluluto kita"
Pinilit kong bumangon pero nahilo ako ng kaunti kaya hindi muna ako gumalaw.Napansin kong mainit ang katawan ko kaya alam kong nilalagnat ako.
"Sandali lang ah..Anong gusto mong..kainin?"
Napasandig ulit ako sa unan sa sobrang hilo.Lilipas din ito.Kailangan ko lang ng kunting minuto.
Hindi niya parin ako sinasagot.Siguradong galit pa siya sa akin.
"Yong ice cream mo bukas na ah.Gabi na eh.Pero kung pipilitin mo ako ikukuha parin kita"
Napansin kong inabot niya ang gamot ko sa gilid ng tokador at binasa iyon.Napabuntong hininga siya ng malalim habang nakatitig sa akin.Is she worried?No.
Maya maya'y may kinuha siyang tray sa lamesa at nagulat ako ng makitang umuusok iyon na sopas.Umupo siya sa tabi ko.Inalalayan niya akong bumangon para maisandig ang likod sa unan.Wala siyang imik at expresyon.Matipid ang mga kilos niya.
"Kumain ka na"
Iniwasan kong ngumiti.She cook for me!
"Salamat D--"
Natigilan ako at nag iwas ng tingin.Pilit inuukilkil sa isip ko kung anong tunog ng pangalan niya.Ngayon lang ito.Like a glitch.Maalala ko din iyon mamaya.
Pinagmasdan niya ako at inilibot niya ang tingin sa buong mukha ko.Kung hindi lang ako nahihilo iisipin kong nag aalala siya para sa akin.Pero imposible iyon.
"Dahlia.Dahlia ang pangalan ko"
Napakurap kurap ako sa sinabi niya.Gusto kong hawakan at haplusin ang mukha niya para masigurong siya nga iyon.Pero dahil maganda siya at bumibilis yong t***k ng puso ko dahil nandito siya,malamang na siya nga ang asawa ko.
"Salamat..Dahlia"
Malungkot siyang ngumiti at kinuha ang sopas para subuan ako.Halatang pinipigilan niyang umiyak.Hindi ko alam kung paano magrereact,pero mag iinarte pa ba ako?
Hinipan niya muna iyon.Magana akong kumain.Sinusubuan niya ako.Sana hindi muna kami mag away at huwag muna siyang magalit.Gusto ko yong ganito kami.Parang totoong mag asawa na talaga.Kapag napatawad niya ako kahit kunti,unti untiin ko na yong iba kong plano.
"Magpahinga ka at wala akong mauutusan bukas"
Hindi siya makatingin ng diretso habang sinasabi iyon.
"Opo kamahalan"
"At huwag na huwag mong kalilimutan yong pangalan ko kundi dadapalan kita"
Now that's cruel.
Sumeryoso ako at tumingin sa malayo.
"I'll try"
"Lucifer.."
Humarap ako sa kanya.
"Hindi basta basta ang pagpapatawad at hindi mo basta basta makukuha iyon sa akin.Pero kung gusto mo at pagsisikapan mo,hindi mo ako puwedeng kalimutan.Wala kang karapatang kalimutan ako.Naiintindihan mo?
Halatang pinapatapang niya yong boses niya at may bahid parin ng galit ang bawat katagang binibitawan niya.Is that a hope?
Handa kong ipaglaban ang pag asang iyon kahit gaano kaliit.There's no other choice.Dahil sa kabila ng mga nangyayari sa amin alam kong wala kaming ibang gustong gawin kundi mahalin ang isat isa.
"I might forget you.."
I honestly answered.
"But my heart will still beat for you in any lifetime Dahlia."
Pinigilan kong umiyak.
"I'll try my best.And don't worry,its just an episode.Matagal na akong magaling kaya huwag ka ng mag aalala"
"Sinong may sabing nag aalala ako?"
She's not?Yong mga mata niyang matamlay at yong nararamdan kong palakad lakad niya ng paulit ulit sa paanan ko hindi pala siya nag aalala.
"Oh sorry"
Iniligpit niya yong pinagkainan ko at inabutan niya ako ng tubig.Muli akong napangiti.Alam kong di niya ako matitiis.
"Tao parin naman ako.Pakunsuwelo ko nalang sa pag aalaga mo sa akin tuwing may sakit ako nong bata ako"
"Tatabihan mo rin ba akong matulog gaya ng ginagawa ko sayo nong bata ka pa at may sakit ka?"
Hindi siya sumagot.
Kumuha siya ng ilang unan sa tokador at inilagay sa gitna ng kama para hindi kami magdikit.
"Ayokong mahawa kami ng virus.Bawal kang lumagpas sa mga unan nayan"
Napapikit ako habang tumatawa.
"Okay lang.Basta alam kong nandito ka sa tabi ko hindi ako mag aalala"
"Masakit pa ba yong ulo mo?"
"Medyo.."
Isang mahabang patlang bago may isa sa amin ang nagsalita ulit.
"Anong nangyari kanina?"
Tanong niya.
"Kung hindi pa kita pinuntahan dito hindi ko malalaman na nawalan ka na pala ng malay"
Sinagot ko siya habang nakapikit.
"It always happen kapag..nagsabay sabay ang mga impormasyon at alaala sa isip ko."
Tumagilid siya at ginawang unan ang kanyang braso at pinagmasdan ako.Hindi ako nagmulat ng mata.
"So,ibig mong sabihin...hindi mo pa talaga ako..lubusang naalala?"
Why is she asking it?Isn't its obvious?
"Ilang bagay ang naalala ko tungkol sayo at minsan nakikita kita sa panaginip ko"
Nanlaki yong mata niyang puno ng curiosity at tuluyang bumangon.
"Ano lang..yong naalala mo tungkol sa akin?"
"Inampon kita nong mamatay si Diana.Ilang eksena habang lumalaki ka.Birthdays.Pasko..sa dagat"
"Iyon lang?!"
Halos pasigaw niya ng tanong.
"Hindi mo alam..kung bakit tayo nagkahiwalay?Kung paano tayo umabot sa puntong ito?Kung bakit ka nakulong ..Kung paano..oh god Lucifer naman!"
Dahan dahan akong hinihila ng antok.Naririnig ko siyang nagsasalita pero hindi ko na naririnig.
"Let's talk later wife.I'm s..leep..y"
Tuluyan akong nakatulog at hindi ko na alam pa ang iniisip niya.My subconscious tried to explain but Im too tired to open my mouth.
I cannot barely remember her honestly.Si Dahlia ay isa lamang produkto ng panaginip ko.Kung sino siya at kung anong nangyari sa amin noon,hindi ko na maalala.
Isa lang ang alam ko.
Mahal ko siya.Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pagmamahal na iyon pero napakalakas at imposibleng pigilan iyon. There's something in me that began to rose alive when I meet her.Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon,pero binigyan niya ako ng pag asa.May binuhay siyang emosyon sa loob ko na akala ko hindi na maibabalik pa.Im confuse and I hurt her at the process.Naiintindihan ko kung bakit galit siya sa akin.Pero sooner or later,malalaman niyang pinakasalan ko siya at mas lalo siyang magagalit.
Im cunning and manipulative and just downright gorgeous .Okay lang magalit siya sa akin.Gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako.Pero hindi ako papayag na umalis siya sa tabi ko at baka makalimutan ko na naman siya ulit.
Hindi ko siya puwedeng makalimutan habang pilit siyang inaalala.Hindi siya puwedeng maglaho ulit sa isip at buhay ko.
Dahlia
My Dahlia..
-----
As promise:)
Who's excited for the BS?
Me!