Episode 29

3182 Words

Chapter 29 Gabriel Nagising na lang ako nang may malakas na mga katok ang sunod-sunod kong narinig mula sa pintuan. "Señorito Gabriel, buksan po ninyo ang pinto. Kanina pa po kayong umaga walang kinain, Señorito!" si Manang Meding ang sumisigaw. Ngunit wala akong ganang lumabas nakaramdam ako ng pananakit ng ulo na parang trangkasuhin ako pero pinilit kong tumayo. Pagkatapos ay nagtungo ako sa pintuan at pinihit ko ang siradura. Nakita ko si Manang na alalang-alala sa akin. "Hay sus! Ginoong bata ka! Ano ba ang nangyayari sa'yo, señorito? Bakit ba ganiyan ang mukha mo? Amoy alak ka pa," puna ni Manang na halatang nag-aalala sa akin ng husto. "Kumain na ba ang mga bata, Manang?" mahina kong sagot sa mga katanungan niya. "Oo, kanina pa. Kanina ka pa nga hinahanap ng mga anak mo. Ayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD