Chapter 20 Gabriel Pagkaupo ko ay hinarap ko si Daddy, "Ayon at niyaya niyang mag bar si Claris, Dad. Baka raw doon niya makita ang mapapangasawa niya," sabi ko. "Haysss… Ang batang 'yon talaga hindi maawat! Kaya, nakapagdesisyon na ako. Unti-unti ko ng sasabihin sa kaniya ang tungkol sa inyo at sa anak ninyo. Bahala na kung ano ang magiging kahinatnan. Baka kasi magrebelde siya at matukso pa sa iba," sabi ko kay ni Daddy. "Salamat, Dad. Gustong-gusto ko na makasama ang asawa ko at sana matanggap niya kami ng mga anak namin," seryoso kong sabi kay Daddy. "Hinihiling ko lang sana, Gabriel. Alagaan mo ng mabuti ang anak ko at hindi na sana maulit ang nangyari noon. Gusto ko naman na maging masaya ang anak ko sa piling mo," maluha-luha pang sabi ni Daddy. "Asahan ninyo po, Dad. Lahat

