Chapter 33 Allysa Makalipas ang ilang oras ay sumapit ang lunch break. Habang nakaupo ako sa aking swivel chaire ay tumawag naman si Reynold. Agad kong sinagot ang kaniyang tawag. "Narito ako sa harap ng building," wika ni Reynold sa kabilang linya. "Ha? Ahmm… Saglit lang bababa na ako," natataranta kong sabi. Kinakabahan ako dahil masama ang tingin ni Gabriel sa akin. "Okay! Hintayin na lang kita ditto sa baba," sabi nito sa kabilang linya. Alam ni Gabriel na si Reynold ang kausap ko, kaya dali-dali kong iniligpit ang mga gamit ko at kinuha ang aking shoulder bag. "Sabay tayong mag-lunch, Allysa. Kasama si Crystal at Claris," malamig na sabi ni Gabriel nang tumapat ako sa kaniyang puwesto. Nakatingin naman si Crystal sa akin na nakangiti. Kinawayan ko lang siya at bumaling u

